"DIYAN KA lang wag kang lalapit," bilin ko kay Second. Parang nawala ang kalasingan nito nang makita ang pagtumba ng babae. Pero kahit malakas ang pagkakasipa ko sa nagawa niya pa ring tumayo. May dugong nagsimulang umagos sa putok niyang labi. "O, di ako nakapaghanda." Tumawa ito. "May bodyguard na pala si Second." panunuya niya. Nakipagtitigan lamang ako. Hindi nagsalita. Binabasa ko ang maaari niyang maging galaw habang hawak pa rin nito ang syringe. Gusto nitong makuha si Second. Gumanti ako ng ngising mapanuya. "Slut." Nagtagis ang bagang nito dahil sa sinabi ko. Mabilis siyang nakabunot ng baril mula sa kanyang likuran at itinutok iyon sa'kin. "K-King," dinig kong tawag ni Second. May kung anong malambot na bagay ang humaplos sa dibdib ko dahil sa muli niyang pagtawag sa'kin