"Ate, mahirap bang manganak?" tanong ko sa kapatid ko. Para itong hindi pa nakakaranas nang tulog simula no'ng manganak ito. Halata kasi ang eyebags nito. "Mace, masarap gumawa. Pero mahirap manganak." Pinupunasan nito ang pwet ni Fallen Reveka. "Gano'n, at least naman pala masarap." "Kaya ikaw... kapag nasa tamang edad ka na. Tapos hindi ka pa ready mag-anak, tiyakin mong nakasupot ang pototoy ng partner mo." Ayos nang advice ng ate ko. Lakas maka-open minded. "Oo, Ate! Anong supot ba ang kailangan? Roll bag? Garbage bag?" "Condom, Mace." "Ah, alam ko iyon." "Gusto mong subukan?" alok nito sa akin. Hindi iyong condom ah, iyong pagpunas sa pwet ng bata ang inaalok nito. "Ayaw! Kadiri." "Ang arte mo, dapat magalak kang mapunasan ang pwet ng maganda mong pamangkin." "Pass