"Pogi!" pakaway-kaway pa akong lumapit sa sasakyan nito. Grabe, maghapon na ang lumipas pero ang fresh pa rin nito. Medyo unfair din talaga ang mundo. Ako nga feeling ko nanggigitata na ako dahil sa pagod eh. Pero ito, fresh! Kaso salubong ang kilay. Feel na feel ko ang coldness ng person. Hindi ako nito pinagbuksan ng pinto, kaya naman ako na lang ang gumawa. Nang makapag-seatbelt ako ay pinausad na n'ya ang sasakyan. "Nagugutom ako, saan kaya tayo pwedeng kumain?" kinausap ko pa rin, dahil hindi ko matiis. Pero tikom pa rin ang bibig, mas lalo nga yatang naglapat ang labi nito. Bumuntonghininga ako, mukhang may problema ito sa office at naidala nito hanggang dito. Impossible naman kasing ako ang maging problema nito, ang ganda-ganda ko kaya. Hindi man ako nito kinibo, naikwento