Pag-uwi namin sa bahay nito ay wala kaming kibuan. Paano ba naman kasi pagkatanong n'ya sa akin kung sinong may sabing papayag siya ay nag-kiss na naman kami. Hindi kami mag-jowa. Pero bet na bet ko namang halikan nito. Kaya napapaisip na ako... kung jojowain ko ang lalaking ito, tiyak na palaging may free kiss ako, tapos magagawa ko pa ang misyon ko. Two stones with one bird. Tama ba iyon? Ewan, pwede na rin. May isa lang din naman siyang birdy. "Mace, hindi nagki-kiss ang magkaibigan." Iyon ang sagot ni Lady A pagkatapos kong magkwento rito. Oo, inabala ko ito sa busy na oras nito para lang magkwento rito. Kulang na lang ay i-post ko sa social media para malaman ng lahat. Bakit naman kasi ako mahihiya? Ang sarap naman no'ng kiss ah. Mamaya nga'y plano ko pang ikwento sa tropang