"Nakuha mo pang makipagtitigan doon." Nakasimangot na ani ni Kuya Mec. Ang strict naman ni fake brother. "Ang gwapo eh!" kalmadong tugon ko rito. "Anong ang gwapo ka d'yan? Mukha ngang tipaklong. Ang baba ng standard mo." "Ha? Paanong naging mukhang tipaklong. Pogi iyon." Giit ko. Totoo naman kasi. "No! Titigan mo itong mukhang ito." Itinuro pa n'ya ang mukha n'ya. "Ito ang basehan ng pogi." Muntik pa akong matawa sa tinuran nito. Buti na lang at napigil ko. Dahil kung hindi, ay baka mas lalo itong magalit sa akin. Tinitigan ko ang mukha nito. Grabe, mas malinaw pa ang kinis ng mukha nito kaysa sa future ko eh. "Pogi nga." Sang-ayon ko. "Iyan! Malinaw. Magbihis ka na at baka nilalamig ka na. Sa sobrang lamig ay parang lumabo na ang mata mo." Saka siya umalis sa harap ko. Nagtu