Shelly
I recognized the pain that crossed his eyes and I can't believe what he said next.
"Congratulations." Pagkatapos ay humarap sa mga magulang ko at nagpaalam na mauuna na.
Wala kaming imikan lahat hanggang matapos ang pagkain namin at makasakay sa sasakyan pauwi.
Hindi ba sila masaya para sa akin? I don't understand. Alam nila na matagal na kaming tapos ni Rafe at isang taon ko ng boyfriend si Bernard.
Nang makarating kami sa bahay ay ibinaba ni Kuya ang bagahe ko at ipinasok ni bunso. Ang mga magulang ko ay mauna ng pumasok sa loob ng bahay.
Kinausap ako ni Kuya at pinigilang pumasok sa loob muna.
"Shel, totoo ba yung tungkol sa pagpapakasal nyo ni Bernard?" Hanggang ngayon ay mukhang hindi pa rin sya naniniwala.
Tumango ako. "Oo, bakit? May problema ba?"
"Pero Shel, dalaga ka. At si Bernard ay divorced at may isang anak pa. Mahirap ang may bagahe." Naiiling na sabi nya sa akin.
"Kuya, hindi naman ibig sabihin na divorce ay masama na at hindi na pwedeng magpakasal uli." I feel frustrated.
Mula ng maging boyfriend ko si Bernard ay ni hindi man lang ako nakarinig ng papuri sa kanila patungkol sa bago kong nobyo. Puro "ah" at "okay" lang ang naririnig ko. Pero noong kami pa ni Rafe, kulang na lang sambahin sya. Hindi ko sila masisi. Rafe has always been a gentleman. Malapit sya sa pamilya ko at mas magandang sabihin na habang nanliligaw sya sa akin ay nililigawan nya rin ang mga magulang ko at mga kapatid. Kaya siguro ganoon na lang ang pagkabigla nila ng maghiwalay kami.
"Buhay mo yan Shel at matanda ka na. Ang sa akin lang bilang kuya mo ay gusto kong ipaalala sa iyo na kung hindi ka sigurado sa kanya ay huwag mong paasahin yung tao. Hindi sapat na binigyan ka ng singsing at tinanggap mo ay kayo na ang karapat dapat sa isa't isa. Mahal mo ba sya?" Ang tanong ni Kuya sa akin ay diretso at hindi nag aalinlangan.
Nagulat ako dahil ngayon lang may nagtanong sa akin noon. Ano nga ba ang sagot doon? Syempre mahal ko sinagot ko na nga eh. Tumikhim ako at nakabawi. "Kuya ano bang klaseng tanong yan. Syempre naman. Sasagutin ko ba sya kung hindi? Tatanggapin ko ba ang singsing nya kung hindi?"
Napangiwi si Kuya. "Hindi yan ang inaasahan kong sagot sa iyo Shel. Sa tingin ko ay hindi ka sigurado. Mabuti at umuwi ka ng Pilipinas. May isang buwan ka para makapag isip kung tama ba ang desisyon mo o hindi. Pasok na tayo sa loob. Kung anuman ang bumabagabag dyan sa loob mo, andito lang ako kapag ready ka ng magkwento."
"O sige pasok na tayo at baka naghihintay na sila sa pasalubong nila." Sabi ko sa kanya saka bumuntong hininga.
Nang sumapi ang gabi ay naghanda na akong matulog. Pinipilit kong iadjust ang katawan ko sa oras sa Pilipinas pero hindi ako antukin.
Kaya nagbihis ako ulit. May Maalinsangan ang panahon at gusto ko ng malamig na inumin. May 24 hours na coffee house malapit dito sa bahay.
Kinuha ko ang susi ng kotse at nag iwan ng note sa may pinto sakaling hanapin nila ako.
Nang makarating ako sa coffee house ay nag order ako ng frapp. May mangilan ngilan pang mga tao at halatang nakiki wifi.
Ang hindi ko inaasahan ay ang makasalubong si Rafe paglabas ko. It looked he was here first as his drink is almost finished.
"Fancy meeting you here." Sabi nya sa akin
Nakasandal sya sa may pader at itinapon ang naubos na inumin.
I didn't want to be rude so I stopped in front of him at did a small talk.
"I couldn't sleep." Sabi ko sa kanya
Tumaas ang kilay nya "And you think drinking coffee .. will help you?" Bahagya syang napatawa at umiling.
Lumabi ako. "Hindi nga ako matulog at sobrang alinsangan."
"Dapat gatas ang ininom mo." Naglakad ako papuntang sasakyan ko at sinabayan nya ako.
"Hindi ako umiinom ng gatas."
"Alam ko. I was just joking around with you."
Kilalang kilala nga nya ako.
"Wala ka bang dalang kotse?" Tanong ko sa kanya ng napansing wala syang balak huminto sa paglakad.
He loves to walk at parehas kami na taga bayan.
Umiling sya. "No, I just walked. I needed to clear my head. Nice ring by the way. Bagay sa iyo." He even commented on my engagement ring. What the f*ck? Masokista lang ang peg?
I tried to ignore what he said.
"Hahatid na kita, baka kung ano pa ang mangyari sa iyo sa daan." Sabi ko na lang. Itinutok ko ang susi ko at binuksan ang kotse.
"Uy concern ka?" Narinig ko ang mahina nyang tawa.
Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Ako na nga ang nagmamagandang loob ihatid ka, tapos aasarin mo pa ako? Eh di sige, maglakad ka na lang pauwi!"
Akmang sasakay na ako ng bigla syang tumakbo at sumakay sa passenger seat
Nang parehas na kaming nakaupo ay sinabing "Sabi ko nga ihahatid mo ako pauwi eh."
Umingos ako sa kanya na ikinatawa lang nya.
Itinigil ko ang sasakyan sa harap ng building kung nasaan ang penthouse nya.
"Do you want to come up?" Tanong nya sa akin.
"Why?"
"Sabi mo hindi ka makatulog, eh di samahan mo na lang ako at magkwentuhan tayo." Nakangiting sabi nya. Mukha namang sincere.
"Rafe, sinasabi ko sa iyo baka may iniisip kay kababalan tigilan mo." Sinamaan ko sya ng tingin.
Tumawa at umiling iling. "Kabalbalan? Yun agad? Gentleman ako noh!"
The side of my lips turned up. He is a gentleman alright. Until mag take over and libog nya sa katawan then he lose control and become insatiable in bed and in every corner of his house.
"O sige na, aakyat ako pero sandali lang at hahanapin ako sa bahay." Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumayag akong pumanhik.
Naglalakad na kami sa lobby at ng tumapat sa elevator ay pinindot ang button.
"Dati rati naman kapag nalaman nilang ako ang kasama mo ay hindi ka na nila hinahanap." Tudyo nya sa akin
"Noon yun. Huwag ka ngang magbanggit ng nakaraan na. Pwede ba?" Sabi ko na lang sa kanya. Parang hindi ako makahinga sa sensasyon na pumupukaw sa katawan ko. He can't be this close to me. Kapag hinawakan pa nya ako ay magliliyab na ako.
"Nakaraan?"
"Past is past Rafe Julian." Umiwas ako ng tingin.
But he caged me from where I was standing. "It was never over between us, love. And I'll prove that to you. Tonight." He sounded so sure. I'm f*cked.
***