Dinner Party

1752 Words
Kabanata 2 “ALAS-OTSO NA, HONEY…” Parang batang umungot si Arthur bago nito inangat ang ulo mula sa pagkakasiksik sa leeg niya. Natawa si Agnes dahil sa reaksyon ng asawa. “Honey naman, ayaw mo bang nilalambing kita?” nakangusong tanong ni Arthur habang bakas sa mukha nito ang pagtatampo. “Honey, alas-otso na, baka ma-late ka na. Sabi mo magiging busy ko today, pero nakahilata ka pa kahit may 30 minutes ka na lang mag-prepare.” Walang nagawa si Arthur kundi ang tumango. “Ganito na lang, sabayan mo na lang ako maligo tutal at aalis ka rin naman.” Natawa na naman si Agnes dahil sa tinuran ng asawa. Pero wala siyang nagawa kundi ibigay ang hiling nito. Bumangon na siya kaya naman nagtungo na sila sa banyo kung saan sila sabay naligo. Hubo't-hubad silang dalawa habang si Arthur ay nasa likuran niya at sinasabunan ang likod niya. At habang abala si Arthur, ang pagkálalaki naman niya ay kanina pang nagngangalit habang natatakam na nakatitig sa maumbok na pang-upo ng asawa. “Ano nang nangyari sa iyo, hon—” Napasinghap si Agnes nang maramdaman niyang dumikit sa púwetan niya ang kárgada ng asawa. Napalunok siya bago humarap dito. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang tayong-tayo iyon. “Arth—” “Shhh, hindi pa raw enough ang isang round. He wants more,” nakangising lintaya ni Arthur bago nito nilukumos ang mga labi niya. Mapusok silang naghalikan ng sandaling iyon at walang nagawa si Agnes kundi ang hayaan ang asawa niya. Matapos ang malalim na paghahalikan ay itinalikod siya ni Arthur at ipinasok ang kahabaan nito sa kalooban niya mula sa likuran. Nakaharap siya sa pader habang nakatuon ang mga palad niya roon at ang asawa naman niya ay walang humpay sa pag-ulos sa likuran niya. Napuno ng ungol ang banyo ng mga oras na iyon at nang matapos ay nagpatuloy na sila sa pagligo. Nang lumabas sila ng kanilang silid, bihis na sila. Naka-uniporme na si Arthur samantalang si Agnes ay naka-blouse at skirt. Ang sapin naman niya sa kaniyang paa ay dalawang pulgadang heels. Nagpaalam na sila sa kanilang mga anak para umalis na. Sabado ngayon kaya nasa bahay ang mga ito. Lulan na sila ng sasakyan at minamaneho iyon ni Arthur patungo sa restaurant na pagmamay-ari Agnes. “Honey, malapit na ang 11th anniversary natin. May gusto ka bang puntahan o pagbakasyunan? Puwede akong mag-file ng leave,” sambit ni Arthur sa gitna nang byahe nila. “Simpleng selebrasyon ay okay na sa akin. Intimate party sa mga pamilya at close friends natin,” nakangiting tugon ni Agnes sa asawa. “Sure, honey. Ikaw lang naman ang iniisip ko. If magbago ang desisyon mo, just let me know.” Nakangiting tumango si Agnes. Makalipas pa ang ilang minuto, nakarating na rin sila sa restaurant niya. Naghiwalay sila ni Arthur pagkatapos nilang magbeso kaya tumalima na si Agnes papasok sa loob at napangiti siya nang makitang naglilinis ang mga staff niya. “Nice work, everyone!” bungad niya sa mga ito. Nakangiting tumango ang mga ito kaya naman nagtungo si Agnes sa kitchen upang silipin kung malinis din ba iyon at napangiti muli siya dahil hindi siya nabigo. Bilang owner ng restaurant, ganito na ang routine ni Agnes. Pumupunta siya rito para silipin kung maayos ba ang restaurant kahit na may manager naman. Ayaw niya kasing may mag-complain na customer kaya araw-araw siyang bumibisita. Sa gitna nang ginagawa ni Agnes, biglang dumating si Matilda. At inimbitahan siya nito para sa dinner party sa bahay nito mamayang gabi. “Anong okasyon, kumare?” nagtatakang tanong ni Agnes kay Matilda. “Ugh, Agnes, puwede bang huwag mo na akong tawaging kumare? Feeling ko kasi nasa 50 na ang edad ko. Pero wala namang okasyon. Dinner lang talaga,” anang Matilda bago sumimsim sa juice nito. “Nasanay na ako, Matilda,” tumatawag sagot ni Agnes. “Pero sige, pupunta kami mamayang gabi,” dagdag niya pa. Tumango si Matilda. Sandali pa silang nag-usap bago nagpaalam si Matilda kay Agnes. Nagpatuloy na si Agnes sa napurnadang gawain at nang sumapit ang kinagabihan, nagtungo na silang mag-asawa sa bahay nina Matilda at Bernard kasama sina Inigo at Abigail. Nasa swimming pool area sila ng sandaling iyon at nag-iihaw ng barbeque habang ang mga anak nila ay naglalaro. “Papasok lang ako sa loob, iche-check ko lang kung luto na ba ang roasted chicken ko,” mayamaya pa'y wika ni Matilda bago ito nagpatiuna papasok sa loob. “Babe, kunin mo na rin iyong itinabi kong wine sa ref. Gusto kong matikman iyon ni kumpare. Galing pa iyong France,” pahabol ni Bernard habang abala ito sa pag-iihaw ng barbeque. “Seriously, babe? Hindi ko madadala iyo—” “Let me do it,” nakangiting wika ni Arthur. Kumibit-balikat si Matilda bago ito naglakad papasok sa loob samantalang si Arthur naman ay sumunod dito. Parehong napailing sina Agnes at Bernard habang tinatanaw nila ang mga asawa nilang papalayo. Sa kabilang dako naman, nang makapasok sina Matilda at Arthur sa kusina, dumiretso sila ref kung saan kinuha ni Matilda ang wine na sinasabi ni Bernard. Palabas na sana si Arthur nang biglang tumikhim si Matilda. Bumakas ang kunot sa noo ni Arthur bago ito hinarap. At napamulagat siya nang maaaktuhang nakatúwad ito habang tinitingnan ang niluluto nitong manok sa oven. “Mukhang luto na,” may pang-aakit na saad ni Matilda bago nito kinuha ang tray sa loob ng oven gamit ang pot holder at ipinatong iyon sa island counter. Napalunok si Arthur. “What are you doing, Matilda?” naiiling na tanong niya sa babae. “What?” kagat-labing tugon ni Matilda. Muling lumunok si Arthur. “W-Wala…” Tumalikod na si Arthur para bumalik sa labas nang biglang unahan siya ni Matilda sa pinto ng kusina at sinarado iyon, pagdakay pa-sexy itong lumapit sa kaniya at marahan siyang itinulak dahilan para mapasandal siya sa island counter. Nakangiting kinuha ni Matilda ang boteng hawak ni Arthur bago iyon ipinatong sa counter. “Anong ginawa mo, Matilda? This is… this is wro—” “Wala namang makakakita sa atin, eh, Arthur. Huwag kang matakot, walang CCTV dito sa kusina. At saka sarado ang pint—” “What are you doing?” seryoso at may galit na tanong ni Arthur sa babae. “May tanong lang ako, Arthur.” Umangat ang isang kamay ni Matilda at hinaplos nito ang leeg ni Arthur pababa sa butones ng suot nitong polo shirt. Tinanggal niya ang mga butones ng suot nito kaya bumalandra sa kaniya ang maskuladong katawan ni Arthur. Isama pa ang mga abs nag-uumbukan nitong abs. Hindi makakibo si Arthur ng sandaling iyon habang hinihintay ang susunod na gagawin ni Matilda. At makalipas ang ilang segundo, tumingkayad ito at isinubsob ang mukha sa leeg niya bago iyon sininghot. Sininghot ni Matilda ang balat ni Arthur sa leeg pababa sa mga abs nito. Gulat at lalong hindi makagalaw si Arthur ng mga oras na iyon. Naestatwa siya at hindi makakurap kahit nakamulagat na ang mga mata niya. “Ang bango mo, Arthur… mas mabango ka kaysa sa asawa k—” “Ano bang sinasabi mo, Matilda?” Bumalik si Arthur sa reyalidad. Bahagya niyang itinulak si Matilda palayo sa kaniya bago ibinalik ang pagkakabutones ng suot niyang polo shirt. “Hindi na kami active ni Bernard, Arthur. Wala na siyang oras sa akin. Nan—nanlalamig na sa akin ang asawa ko. Please, let's do it. Matagal na kitang pinagnanasahan. I want… I want to feel you inside me. Don't worry, walang makakaalam nito. I'll keep it a sec—” “Nababaliw ka na ba, Matilda? Pareho tayong kasal kaya imposible iyang sinasabi mo. At isa pa, hindi ako magloloko sa asawa ko. Kung may pagkukulang man si Bernard sa iyo, kausapin mo siya nang maayos. Huwag mo akong idamay sa init na nararamdaman mo!” madiing lintaya ni Arthur. “Mahal kita, Arthur,” lumuluhang usal ni Matilda bago ito walang pagdadalawang-isip na nilukumos ang mga labi ni Arthur. Sa gulat ni Arthur, naitulak niya nang malakas si Matilda dahilan para matumba ito sa sahig. Sandali niya pang tinitigan ang babae bago kinuha ang wine at tuluyang lumabas ng kusina. “Bakit naman ang tagal niyo? Nasaan na si Matilda?” takang tanong ni Agnes sa asawa ng ito lang ang bumalik. Lumunok si Arthur bago ipinatong sa lamesa ang bote. “Inaayos niya lang ang manok,” wala sa sariling tugon niya bago umupo sa harap ni Agnes. Napakunot-noo si Agnes. “Namutla ka yata, Arthur. Ayos ka lang?” Nag-aalalang nilapitan ni Agnes ang asawa at inangat ang mukha nito. “Bakit mapula ang mga labi mo, honey?” Mabilis na pinunasan ni Arthur ang mga labi niya gamit ang palad at nanlaki ang mga mata niya nang makitang may mantsa ang palad niya. Nahintatakutang nag-angat ng mukha si Arthur sa asawa bago sunod-sunod na lumunok. “I… I… I…” “Oo nga pala, hinalikan kita kanina. Bakit ngayon ko lang napansin?” Tumawa si Agnes bago kumuha ng tissue sa bag niya at ginamit iyon pangtanggal ng mantsa sa mga labi ni Arthur. Nakahinga nang maluwag si Arthur. Bahagyang nawala ang takot niya ngayon, pero malakas ang kutob niya na habang-buhay nang nakabaon sa kaniya ang ginawang kapangahasan ni Matilda sa kaniya. Mayamaya pa ay dumating na rin si Matilda dala ang roasted chicken nito. At dahil luto na rin naman ang barbeque, kumain na rin sila. Masaya silang kumain habang nagkukuwentuhan. Pero si Arthur, tulala at minsan lang umiimik. “Honey, are you okay?” takang tanong ni Agnes sa asawa. Ngumiti si Arthur. “I'm fine, honey. Don't mind me. Puwede bang pumunta muna ako sa CR?” Nakakunot-noo si Agnes. Kanina pang balisa si Arthur. Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari rito. “Sure, hon—sandali, bakit… bakit kulang ang butones mo?” “W-What?” Nagbaba si Arthur ng tingin sa kaniyang damit at nagulat siya nang makitang nawawala ang butones niya sa dulo. “Kumpleto ito kanina, honey. Sigurado ako na kumpleto ito.” “Nahulog yata,” tugon ni Arthur. Doon ay hindi na niya napigilan ang sarili. Tumayo siya at nagtatakbo patungo sa banyo. Pumasok siya sa loob bago sunod-sunod na sumagap ng hangin dahil pakiwari niya ay naso-suffocate siya. At habang ganoon ang lagay ni Arthur, ay siya namang pagkalampag ni Agnes ng pinto dahil sa matinding pag-aalala sa asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD