"And where do you think you're going?" Tanong ng isang boses mula sa likuran namin. We jolted in surprise. Nang mapaharap kami ni Gino, nanlaki ang mga mata ko na parang nakakita ng multo. "Goldrich," sambit ni Gino sa pangalan ng taong nasa harapan namin. Siya yung investigator noon na pumunta sa University, wala ng iba. Siya ang may pakana ng lahat ng ito? Kumuyom ang aking kamay, nanginginig ang katawan ko sa galit. Hindi ko lubos maisip na siya pala ang leader. Siya pala ang naninira sa mga buhay namin. Hinawakan ni Gino ang kamay ko at tumayo kami. "Are you surprised, Sweetie?" Baling ni Goldrich sa akin. Gusto kong lamutakin ang ngisi niya sa mukha. "Ano bang kailangan mo? Bakit mo 'to ginagawa sa amin? Pera ba? Ibibigay namin," nanlilisik ko siyang tiningnan. Pakunwaring nal