Tatayo sana si Sweetie ngunit pinigilan siya ni Tristan. “Baka mabinat ka. Careful,” wika niya habang tinutulungan niyang makaupo at makasandal sa headboard ng kama si Sweetie. Nasa kwarto siya sa malaking bahay ng lalaki na unang kumausap sa kaya. “Matagal na ba akong nandito? Sino kayo?” nag-aalinlangan si Sweetie sa mga taong nasa harapan niya. Pilit nitong inaalala kung sino ang mga taong ito ngunit hindi niya talaga mapiga ang kanyang utak. Kahit si Tristan ay hindi niya maalala. Nagkatinginan sina Tristan at ang matandang lalaki sa tabi nito. “I’m your real father, Sweetie. Hendrick took you from me.” “Who’s Hendrick?” kunot noo na tanong ni Sweetie. Lumipat ang tingin niya kay Tristan pero umiwas ito ng tingin kay Sweetie. Hindi alam ni Sweetie kung anong nangyayari. Gus