CHAPTER 14 NAPANGITI AGAD si Casey nang makita ang pinsan na si Aubrey na papasok ng coffeeshop na katabi ng The Alchemist. Alas nueve lang nang umaga pero heto siya ngayon at nakipagkita na agad sa pinsan. Kukuhanin niya kasi ang mga gamit niya pati na si Shimmer. Mabuti na lang at may pinsan siya na kahit na may pagkamasunigit ay maaasahan sa ganitong bagay. Lumapit sa kaniya si Aubrey. Gaya ng nakasanayan ni Casey ay mataray na naman ang aura nito habang nakataas ang isang kilay. Ang suot nito ngayon ay kakaiba sa kadalasan niyang nakikitang outfit nito. Nakapantalon ito ngayon sakat-shirt na kulay asul. Ang kulot nitong buhok at nakatali habang may suot na sumbrero. May make-up ito ngunit hindi ganoon kakapal. “Oh,” anito kaagad na hinagis sa mesa ang kaniyang bag. Hindi