Ms. MTIU

2111 Words
(Regina POV)                 Lately parang ang weird ng kinikilos ni Gio, bakit parang ang bait na niya yata sa akin?               “Akin na ‘yang mga libro mo, ako na lang ang magdadala.”               Syempre naman bilang shock ako sa sinabi niya, hindi na ako naka-palag nang agawin niya sa akin ang mga libro ko. “Natulala ka na, may sakit ka ba?” tapos sinalat niya ang noo ko. Naku naman!                       “O-okay lang ako, may naalala lang. Sige Gio, punta muna ako sa library.”               Dali-dali akong humakbang palayo sa kanya dahil baka mamaya bigla pa siyang sumama, ayoko lang dahil talagang ang weird niya! “Ay kalabaw!” napasigaw ako nang naramdaman ko na bumangga ako sa isang medyo malambot na matigas na bagay. “S-sorry po!” di-diretso na sana ako sa library ng biglang magsalita iyong nabunggo ko.               “Ikaw si Regina Reynolds ng Management 3A diba?” Sino ba ang isang ‘to, bakit kilala niya ako? “I’m Drake Yamato of Management 4C, and I’ll be your partner on the upcoming Mr. and Ms. Mother Theresa International University.” Ano daw, kasali ako sa Mr. and Ms. MTIU? “Please to meet you Ms. Reynolds.”               Tinitigan ko lang ang palad niya na nakalahad sa harapan ko. “Excuse me lang ha, nagmamadali kasi ako.” Tapos bigla naman niya akong hinawakan sa braso ko.               “Hey Drake!” teka lang, boses ni Gio ‘yon ah! “Back-off, she’s mine!”               Anu ang sinabi ni Gio, teka nabingi na yata ako. Grabe, ano ba kasi ang nangyayari dito, bakit may ganitong mga eksena? Alam mo yung titigan nung dalawang weird na lalake na ‘to, parang may kuryenteng nag spark sa pagitan ng mga mata nila, holy cow!               “A-ah eh, ano ba kasi ang problema n’yong dalawa?” ang pakelamera ko lang diba? “Saka b-bakit magka-kilala kayo?”               “Gina!” eto pa isa, si Cody. “Pupunta ka ba ng library, sabay na tayo?!”               Eh ‘di ikaw na ang maraming boys Gina, it’s you already! Ay leche, bahala silang lahat sa buhay nila. “Sorry Cody but I want to be alone, bye!” at naglakad na ako paalis sa eskandalosong lugar na ‘yon ng biglang…               “Hoy, bakit ba? Saan mo ba ako dadalhin at kailangan mo pa akong kaladkarin?” jusko naman talaga, naiinis na ako. “Gio ano ba?!” at hinila ko ang braso ko na hawak-hawak niya sabay sampal sa kanya.                “Kailangan mo pa ba talaga akong sampalin?” at natigilan naman ako sa tanong niya na ‘yon.               Malakas ba ang sampal na naibigay ko sa kanya at nagti-teary eyes siya? “Eh gago ka kasi, sa tingin mo ba tama ang ginawa mo na basta mo na lang akong hinila? Eh kung itulak kaya kita dito sa building?”               “Sige nga Ms. Regina Reynolds, kung hindi ba kita hihilahin o kakaladkarin palayo sa lugar na ‘yon sa tingin mo aabot ka sa first subject natin? In five minutes magsisimula na ang Stat313 natin at nasa kabilang building pa ang room natin. Oh ngayon, dapat mo ba akong sampalin dahil sa ginawa ko?”               At literal na napa-nganga ako dahil sa sinabi niya sabay tingin sa wrist watch ko. Tinamaan ka ng magaling Gina, paano mong nakalimutan ang oras ng first subject mo?               Ngayon ako naman ang kumaladkad kay Gio para lang hindi kami ma-late sa Stat. “Bilisan mo Gio, huwag ka ng magpabigat, nagmamadali na nga tayo.” Sige Gina, takbo pa! Kasalanan lahat ni Gio ‘to eh.               Mabuti na lang at late ng nakapasok si Ma’am Armel, kung nagkataon na-award na kaming dalawa. Pero kahit na hindi kami na-award ni Ma’am nakamamatay naman ang tingin ng mga classmates naming babae sa akin.               “Saan kayo galing at talagang magka-holding hands pa kayong dumating? Care to share the story para naman hindi ako OP?” kinikilig na tanong ni Lalaine sa amin ni Gio. “Hey, kanina pa kayo magkasama and yet hindi pa rin kayo nagsasawa na tingnan ang isa’t-isa. Pag-ibig nga naman!” syempre pa wagas akong nag-iwas ng tingin kay Gio.               “Naiinggit ka ba sa kanila Lala, gusto mo gawin din natin ang ginawa nila?”               “You know what Jules, hindi mortal sin ang manahimik kung minsan. Kaya pwede ba manahimik ka kahit ngayon lang!” kahit parang laging asa’t-pusa ang dalawang best friends ni Gio, they look good together. “Ay nako, magkwento ka na kasi Gina.”               “Ano kasi eh---ahmm…” sasabihin ko ba sa kanila ang nangyari kanina?  “Ano kasi…”               “Ano? Anong nangyari kanina Regina?” Halata bang hindi siya excited? “Hey, anong nangyare!”                “Nabunggo ko kasi si Drake Yamato ng Management 4C papuntang library, tapos sabi niya ako daw ang makaka-partner niya para sa upcoming Mr. & Ms. MTIU. Hello, wala naman akong sinasalihan na kahit na anong contest.” Okay na ‘yon, hindi ko na sasabihin ang ginawa ni Gio baka magalit pa siya.               “Iyon ba? I write your name sa bulletin board ng Management kaya siguro ikaw ang napili nila. Huwag mo akong tingnan ng masama. I just want her to have my crown as Ms. MTIU.”               Hindi ko alam kung anong gagawin ko dito sa kaibigan ni Gio, ang sarap lang pilipitin ng leeg. Ano bang alam ko sa mga beauty contest na ‘yan? Never pa akong sumali sa kahit na anong klaseng beauty contest dahil sa bansa na pinanggalingan ako, ako ang judge. I can’t imagine myself being judged by others.               “Hindi ako sasali sa contest na ‘yon! AYOKO!”               “Kahit si Gio na ang magiging partner mo?” as if naman sasali si Gio sa ganitong klaseng contest. Pwedeng-pwede na nga siyang i-declare as Mr. MTIU kahit na wala ng contest. “Ano Regina, sasali ka na ba if Gio will be your partner?”               Pero hindi pa rin talaga ako sasali kahit pa si Gio ang partner ko. “Hindi pa rin, ayoko talagang sumali.” Kahit na si Brad Pitt o si Justin Timberlake pa ang i-partner niyo sa akin, HINDI AKO SASALI!               “Kung ayaw mong sumali, then magba-backout na lang din ako.”               “Ano Gina, hindi ka pa rin talaga sasali? Here’s a fast fact Gina, never pang sumali sa kahit na anong contest si Gio na walang kinalaman sa academic subjects, ngayon lang. Actually, last year I asked him if he can be my partner for this contest too, pero tumanggi siya.”                Seryoso, sasali talaga siya sa search dahil sa akin? Sure ba ‘yon? “You mean sasali siya dahil sa akin? But I never asked him to join that contest in the first place.” Wala nga akong balak na sumali sa contest na ‘yon.               “Maybe because ayaw niya na mapalapit ka sa playboy at malanding Drake na ‘yon. Oh baka naman…”               “Baka naman ano?” tama bang mambitin?               “Dahil ayoko na mapabilang ka sa mga tatanga-tangang babae na nagpaloko at nagpaka-gullible ng dahil sa kanya, he’s not worth it.”               Kung minsan hindi ko talaga maintindihan ang bwisit na lalake na ‘to, kanina lang mabait ngayon, masungit ulit. Saka anong akala niya sa akin, tanga at may balak magpaka-tanga para lang sa mestisong nawawalan ng mata kapag ngumingiti? Siya kaya ang tanga, dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya alam na sa kanya lang ako nagpapaka-tanga at magpapaka-tanga pa.               “You don’t have to worry anything Mr. Lopez dahil wala akong balak na mapabilang sa mga uto-u***g babae para lang sa singkit na iyon!”               This time talagang pupunta na ako ng library dahil naiinis na talaga ako sa mga ipinapakita at ginagawa ni Gio.               “Saan ka pupunta?” nakuha pa niya talagang magtanong, ibato ko sa kanya ‘tong mga libro na hawak ko eh! “Hoy!”               “It’s none of your business so shatap!!!”               Nakaka-inis lang talaga. Uuwi na nga lang ako at magkukulong sa kwarto ko, o kaya naman makikipag-laro na lang ako kay Ran at kay Ate Billy. Pero sana naman this time hindi na drawing-an ng kung ano-ano ni Ran ang mukha ko kapag nakatulog ako.               “Bumalik ka nga dito, meron pa tayong isang klase baka nakakalimutan mo. PolSci ang next subject natin, baka kapag nag-absent ka wala ka ng maisagot sa exam kahit isa.”               Wala akong pakelam kahit na wala na akong maisagot sa mga susunod na exam sa PolSci dahil kahit ma-perfect ko pa lahat ng mga susunod na exam, hindi na mababago na pasang-awa lang ang nakuha ko noong mid-term. Mas gugustuhin ko pa na umuwi ngayon at makipag-kulitan sa dalawang tao sa bahay kaysa mabwisit minu-minuto dahil sa kanya.               “Hi Ms. Regina Reynolds, see you later at the rehearsals.” Eto pa isang impakto sa buhay ko, at talagang nakuha pa niyang kumindat. Tusukin ko kaya mata niya ng hindi na siya makakita para naman matapat siya sa panget na nagmamaganda. “Anyway, ang cute mo pala kapag salubong ang kilay. Bye!” ahhh…leche lang talaga, ang landi niya!               Feeling close naman siya masyado! Anong akala niya, madadaan ako sa kindat? Lalo lang niyang sinisira ang araw ko, uuwi na lang talaga ako!               Kalalabas ko pa lang ng gate pero biglang may kotseng huminto sa gilid ko, pero dahil nga badtrip ako, dedma lang. “Tara na, sabay na tayong umuwi.” So si Gio pala ang laman ng kotse na ‘to? Ayoko! Hindi ako sasabay sa kanya, maaga pa naman kaya hindi pa delikado na mag-commute.               “Ayoko, may pupuntahan pa ako!” at naglakad na ulit ako papunta sa sakayan ng jeep.               Bakit ba bigla na lang din naisipan nitong si Gio na umuwi na rin, may PolSci pa nga kami diba? Kung uuwi siya, useless din kung uuwi ako kasi nandoon lang din siya, maguguluhan pa rin ako. Pero saan ako pupunta?               “Hey ano ba, walang PolSci kaya uwian na rin. Mapapagalitan na naman ako ni Mommy kapag hindi tayo sabay umuwi. Maawa ka naman sa tenga ko, lagi na lang akong sinesermonan at napipingot.”               Si Tita kasi ayaw pang sumuko sa pagma-match sa aming dalawa ni Gio hindi nga ako gusto ng gunggong na ‘to. “Huwag kang mag-alala tatawag ako kay Tita at sasabihin sa kanya na hindi tayo sabay uuwi ngayon.” Kinuha ko ang phone ko at nag-dial pero hindi sinasagot ni Tita ang tawag kaya nag-iwan na lang ako ng message.               “Tita si Gina po ito, inform ko lang po kayo na hindi po kami sabay uuwi ni Gio ngayon dahil may pupun…”               Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko ng biglang agawin ni Gio ang cellphone ko. “Ang bastos mo talaga, ano ba kasi ang problema mo ha? Sinabi ko ng hindi ako sasabay sa ‘yo ang nangungulit ka pa rin! Hindi ka ba marunong umintindi?” pero hindi man lang siya nag-abala na tingnan ako at makinig dahil pinakekelaman niya ang phone ko.               “Hello Ma, the first message from Regina was a big joke. Sabay kaming uuwi dahil ayoko ng makatikim ng pingot from you, nade-deform na ang tenga ko. Paano pa ako magugustuhan ng gusto ko kung pangit na ang tenga ko?! Sige na Ma, pauwi na kami.”               Regina wala ka na talagang pag-asa kay Gio, may nagugustuhan na siyang iba. That’s the problem, may gusto na siyang iba pero ginugulo pa niya ang buhay ko. Inagaw ko sa kanya ang phone ko at naglakad palayo sa kanya.               “Gina, get back in here. Huwag mong ubusin ang konting pasensya na meron ako!”               Sino ba naman kasing gago ang may sabi sa kanya na sundan niya ako? Tinawagan ko na nga si Tita Glenda para sabihin na hindi kami sabay na uuwi tapos nag-iwan  pasiya ng ganong klaseng message. Tapos ngayon sasabihin niya sa akin na inuubos ko ang pasensya niya, pwes inuubos na rin niya ang katiting na pasensya na meron ako!               “Pwede ba Gio tigilan mo na ako! Noong kinukulit kita pilit mo akong pinalalayo sa ’yo, ngayon naman na nilalayuan na kita at hindi ginugulo, ikaw naman ‘tong lumalapit at nagpapapansin. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo. Minsan mabait ka sa akin, pero kadalasan sinusungitan mo ako. Gio marunong din naman akong masaktan at magsawa sa mga ginagawa mo sa akin. Kaya nga nilalayuan na kita para hindi ko na maramdaman ang nararamdaman ko. Pero anong ginagawa mo, nananahimik na ako dito pero pilit ka naman na nangugulo, pilit ka naman pumapasok sa mundo ko na isinasara ko na sa iyo mula nang ipagduldulan mo sa pagmumukha ko na hindi mo ako gusto. T*ngina Gio, tigilan mo na ako!”               “G-Gina! I’m sorry, hindi ko alam na nasasaktan na pala kita.”               “Bakit ano ba ang akala mo sa akin? Robot? Manyika o laruan na walang pakiramdam? But don’t worry, babalik na ako sa bansang pinanggalingan ko after ng semester na ‘to, kaya wala ka ng magiging problema sa akin.”               Uuwi na talaga ako para naman ‘tong lecheng nararamdaman ko para sa kanya ay mawala na at makalimutan ko na! Ayoko na kasi, masyadong ng masakit ang nangyayari sa lovelife ko, ayoko na ng ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD