Chapter 24 “Si Albert nga pala, Iho. Ito naman si Sybe ang anak namin ng Tita mo. Magpinsan sila ni Cristy, at si Albert boyfriend naman ni Sybe,’’ pakilala ni Tito Danny kay Janzel sa dalawa. ‘’I’m glad to meet you two, I’m Janzel,’’ pakilala ni Janzel at nakipagkamay ito kay Albert. Inabot naman ni Albert ang palad ni Janzel. ‘’I’m glad to meet you, too. Have a sit,’’ alok ni Albert sa asawa ko. Bumaling naman ang tingin ni Janzel kay Sybe at nginitian ito. ‘’If I'm not mistaken, you're Cristy's husband, right?’’ tanong ni Sybe kay Janzel. Tumango lang ng bahagya si Janzel sa kaniya. ‘’I have something to tell you later,’’ maarte pang saad ni Sybe sa asawa ko. At tumingin ito sa akin ng nakakainsulto, parang may gusto na naman itong gawin na hindi ko magustuhan. Halos magkasing tan