Chapter 23 Pagdating namin sa bahay nila Tito Danny at Tita Jean ay hindi pa nga nainitan ang puwet ni Janzel sa upuan ay nagpaalam na itong umalis. ‘’Tito, Tita, kayo na muna ang bahala kay Cristy. Kapag may problema tawagan ninyo agad ako,’’ paalam ni Jnazel sa dalawa. ‘’Sige, Iho. Mag-ingat ka. Mabuti nga at dito muna si Cristy para may tao rito sa bahay habang nasa trabaho kami,’’ ngiting sabi ni Tito Danny sa kaniya at tinapik ang kaniyang balikat. Ngumiti si Jnazel ng bahagya kay Tito at bumaling sa akin. ‘’Aalis na ako. Susunduin na lang kita rito sa Lunes ng hapon,’’ wika niya sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi bago umalis. Syempre pakitang tao lang ang halik niyang iyon dahil nasa harap kami ng kamag-anak ko. Kailangan kasi na magpakita kami na ayos lang sa harap nila