Cristy
"Cristy, kain na,'' wika sa akin ni Tita Jean habang nakatunghay lang ako sa mesa. Kalilibing lang ng magulang ko dahil nalunod ang barko na sinasakyan nila mula sa Mindanao. Pauwi na sana sina Papa at Mama noon dahil galing sila sa business trip nila at doon napili ng kompanya nila na mag-outing sila. Ngunit sa kasamaang palad ay nawala sila sa akin na parang bula. Dese-sais pa lamang ako nang nawalan ako ng mga magulang at ulilang lubos.
"Gusto ko pumunta kay Mama at Papa,'' iyak kong wika kay Tita. Wala akong ganang kumain at buong araw lang akong umiiyak. Para akong sinakluban ng langit at lupa sa nangyari sa buhay ko.
Sa pagkawala ng aking mga magulang ay para na rin nawala ang mga pangarap ko. Hindi ko alam kung paano magsisimula na wala sila. Hindi ko rin alam kung makapagpatuloy pa ako sa pag-aaral.
Makalipas pa ang mga aral ay hindi na ako pumasaok sa eskwela. Nasa pangatlong baitang na ako sa high school at parang blangko lang ang isip ko habang nagmumukmok sa aking silid.
Isang katok ang nagpagising sa akin nang umaga ng Lunes.
''Cristy, tanghali na hindi ka ba papasok sa paaralan?'' tanong ni Tito Danny sa akin; ang aking tiyuhin na kapatid ni Papa.
Bumangon ako na mabigat ang aking katawan. Para na rin akong patay nang mawala ang mga magulang ko sa akin. Binuksan ko ang pintuan ng aking silid at hinarap ang aking tiyuhin ko.
"Maligo ka na at ihahatid na kita sa paaralan mo. Ang pinsan mo nakaalis na," utos niya sa akin
"Wala po akong pangtustos sa aking pag-aaral Tito. Maghahanap na lang po ako ng trabaho,'' naiiyak kong wika sa aking tiyuhin.
''Hindi puwede na huminto ka, Cristy! Matalino ka, maganda, kaya sayang kapag huminto ka sa pag-aaral,'' sabat ni Tita Jean na nasa likuran ni Tito.
''Huwag mong alalahanin ang gastusin mo sa paaralan. Matalino ka naman, at pagdating mo sa college ay kumuha ka ng scholar, at kami na ang bahala sa iba mo pang kakailanganin. Kaya ang isipin mo ngayon ay pumasok ka na at baka malate ka na sa klase.''
Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Tito Danny. Ngumiti ako sa kanila at nagpasalamat bago sinarado ang pintuan. Sinimulan kong ayusin ang sarili ko para makapasok sa ekwela.
Tama sila, puwede naman ako maging scholar kapag nagka-college ako. Pagbubutihin ko na lang ang aking pag-aaral ngayon pa lang.
LUMIPAS pa ang isang taon at isang buwan ay graduation ko na sa high school, kasama ko ang pinsan ko na si Sybe na nakapagtapos nito.
Kaso simula nang lumipat ako sa bahay nila ay hindi niya na ako iniimik. Lalo na kapag binilhan ako ni Tita ng mga bagong damit at binigyan ako ni Tito ng pera.
''Sybe, congratulation dahil nakapagtapos na tayo ng high school. Ito ang regalo ko para sa'yo,'' masayang bati ko sa aking pinsan sabay abot ko sa kaniya ng isang box.
Binilhan ko siya ng bag na gusto niya at kinuha ko iyon sa mga baon ko na iniipon ko na bigay ni Tito Danny at Tita Jean.
Hinablot niya sa akin ang box at taas kilay niya itong tinitigan. "Ano 'to?''
''Buksan mo na lang. Tiyak na magugustuhan mo iyan,'' wika ko sa kaniya.
''K, Fine! Galing din naman 'to sa pera ni Mommy at Daddy,'' mataray na tugon niya sabay taas ng kilay sa akin.
Kahit ganoon ang pakikitungo sa akin ni Sybe ay mahal ko pa rin siya at tinuturing ko pa rin itong tunay na kapatid. Masuwerte siya dahil may mga magulang pa siya na nagmamahal sa kaniya. Habang ako ay nakikihati na lamang sa pagmamahal ng mga magulang niya na dapat para lang sana sa kaniya.
Isang nurse sa pribadong ospital si Tita Jean at isang engineer sa malaking construction company naman si Tito Danny, kaya lahat ng luho ni Sybe ay nabibigay nila.
Pagkatapos ng graduation namin ng high school ay may kaunting salo-salo sa bahay, naghanda kasi sina Tito at Tita sa amin ni Sybe. Bihira lang ako magkaroon ng kaibigan maliban kay Kristine. Tahimik lang kasi ako sa paaralan. At naka-focus lamang ako sa aking pag-aaral.
May mga kaibigan na dinala si Sybe sa bahay para makasalo sa okasyon na inihanda ng mga magulang niya para sa aming dalawa. Ngunit ako ay wala akong kaibigan na inimbita dahil si Kristine ay may sarili din itong handa sa kanila.
Masayang nag-video-ok sina Sybe at mga kaibigan niya pagkatapos ng kainan. Habang ako naman ay abala na sa paghuhugas ng pinggan at pagliligpit ng mga gamit sa kusina.
''Iha, hayaan mo muna ang mga hugasan riyan at mag-injoy ka roon kasama ang pinsan mo,'' wika sa akin ni Tita Jean.
Umiling lang ako kay Tita at nginitaan siya. ''Huwag na po, Tita. Gusto ko ng tapusin ang mga ito para wala na akong gagawin mamaya. Magre-review po ako para sa entrance exam ko sa susunod na araw sa Rizaleniaz University.''
''Sige, ikaw ang bahala, iha. Oh, tanggapin mo itong regalo ko para sa'yo,'' aniya at may inabot siyang maliit na box para sa akin.
''Maraming salamat po. Nag-abala ka pa, Tita. Marami ka na po ibinigay sa akin. Hayaan niyo po kapag nakapagtapos ako sa pag-aaral ay masusuklian ko rin kayo sa kabutihan ninyo ni Tito sa akin,'' pasalamat ko kay Tita.
''Walang ano man iyon, Iha. Wala kaming ibang hihingiin sa'yo ng Tito Danny mo kundi tapusin mo ang pag-aaral mo sa kolehiyo. Kumuha ka ng gusto mong kurso at mag-aral ng mabuti. Wala kaming pakialam na kung ano ang gagawin mo sa buhay basat tapusin mo lang ang pag-aaral mo ano man ang mangyari.''
Lalong lumakas ang loob ko na makapagtapos sa pag-aaral, kaya magre-review ako mamaya para maipasa ko ang entrance exam at makapag-aral sa kurso na aking kukunin.
"Salamat sa lahat sa inyo ni Tito, Tita. Paano na lang ako kapag wala kayo?'' madamdamin kong sabi sa kanya
Hinaplos ni Tita ang aking buhok at matamis niya akong nginitian.
''Matalik kong kaibigan ang Mama mo simula noong high school kami. Kaya, hindi ka namin puwede pabayaan at ang Papa mo rin ang nagpaaral sa Tito mo noon. Nang dahil sa mga magulang mo ay naging matagumpay ang Tito Danny mo bilang Engineer. Side na! Buksan mo na ang regalo ko sa'yo.''
Excited akong binuksan ang box na ibinigay ni Tita sa akin. At laking tuwa ko nang makita na isa itong bracelet na ginto. Sobra ang aking tuwa dahil mukhang mamahalin ang bracelet na ito.
''Wow, ang ganda, Tita!'' Niyakap ko si Tita ng mahigpit.
''Isuot mo na iyan. Alam mo ba na ang tagal kong iningatan iyan? Kahit hinihingi iyan ni Sybe ay hindi ko ibinibigay dahil galing iyan sa ina mo. Regalo niya iyan sa akin noong nag-graduate kami sa high school. Kaya, gusto ko rin ito iregalo sa'yo para may ala-ala ka sa'yong ina.''
Naluluha tuloy ako dahil kahit paano ay may bagay na magpapaala-ala sa akin mula sa namayapa kong ina kahit sa isang bagay lamang.
Isinuot iyon ni Tita sa aking mga kamay kaya muli akong nagpasalamat sa kanya.
Pagkatapos naming mag-usap ni Tita ay tinapos ko na rin ang mga hugasan at pumasok sa aking silid upang magreview.
Dumaan pa ang mga araw ay sariwa pa rin sa mga alaala ko ang larawan ng aking mga magulang. Ngunit heto ako ngayon nagpapakatatag at handang harapin ang bukas na matibay ang loob.