12 "Saan tayo pupunta ADP?" tanong ni Keiko kay Lyeon matapos nilang makalabas ng bahay at papunta sila sa race school, just steps away. Hahabol habol ito sa kanya dahil sa laki ng hakbang niya at gusto niyang matawa dahil maya't maya ang linga nito sa paligid dahil kay Jumper. At parang nakahinga lang ito ay nang makalabas na sila ng gate at makatawid sa race school. "Just here. Magre race ako." aniya na nakangiti rito na tila ba nagpatulala na naman sa dalaga. "Wanna have a ride?" alok niya rito. "Yes!" mabilis pa sa tilaok ng manok na sagot nito habang nanginginang na naman ang mga mata, at ang ngiti ay lagpas tenga. Kagat ni Keiko ang sariling labi nang magsuot ng racing suit si Lyeon. Gwapong gwapo na naman siya sa lalaki habang yakap ang helmet tapos ay lumapit ito sa kanya. S