13 "Maaaaamiiiiii!!!" daig pa ni Keiko ang nasa roller coaster sa tindi ng bilis ng takbo ng sasakyan ni Lyeon. Mabilis na nga ang sasakyan. Mabilis pa ang driver. "Stop it! Ang ingay mo! Para kang sirena ng bombero." singhal sa kanya nito habang patuloy sa pagmamaneho nang walang kasing bilis. "Itigil mo naaaaa! Pleeease!" aniya na halos maputol na ang kamay niya sa pagkakahawak sa hawakan ng kotse. "I thought matapang ka. Bilis ng sagot mo kanina." tila nang-iinsulto pang sabi nito na nakukuha pang ngumiti kahit halos ang takbo nila ay parang dumadaan lang na hangin. "Kanina ‘yon! nagbago na isip ko! Ngayon lang! Maammiiii! Baba na ko!" tili pa rin niya. Pero tinawanan lang siya ng binata. "Masasanay ka rin Kei. Just trust me di tayo babangga. Promise. I won't let your head hit the