Chapter One

2161 Words
Chapter one MON "NAY, aalis na ako," paalam ko kay nanay na kasalukuyang naghahain ng almusal. Bumubusina na kasi ang bus sa tapat ng bahay. "Mamaya anak, mag-almusal ka muna," saad niya. "Huwag na nay, may baon naman akong skyflakes dito. Pambatibay ng loob," natatawang wika ko. "Hindi pwede, kumain ka muna," aniya saka ako hinila sa kusina. Binilisan ko na lang ang kumain dahil baka naghihintay na si Boy. Nang matapos ako ay inabutan pa ako ni nanay ng bimpo. "Mag-ingat ka anak," aniya. "Oo nay, " sagot ko saka mabilis na sumakay sa bus. "Magandang umaga tol, ang aga mo naman yata ngayon," "Gano'n talaga tol, it's better to be early than never," Humagalpak ako sa kanyang sinabi. "Hindi yata ganyan iyon tol, it's better to be late than early yata yun tol," "Gano'n ba yun tol, sorry na. Pangalan ko nga hindi pinag-isipan, yang joke ko pa kaya," natatawa ring saad niya. "Oo nga tol no? Bakit naman Boy Abuna ang ipinangalan sa'yo ng mga magulang mo? Boy kang ipinanganak at ang apelyido mo pa ay Abuna. Magkano ka ba tol? Pinanganak ka yatang mag abuna eh," natatawang saad ko. "Heh, kung ako ay Boy Abuna, ikaw naman ay Ramon Malaya. Parang si Ramon Revilla na nakalaya na," "Hanep tol, lumebel up na yang joke mo," "Sira, umayos ka na diyan dahil may mga pasahero," Pumitada na ang bus at ilang sandali pa ay lumapit na ang ilang estudyanteng naka uniporme. Napangiti ako nang makita ang babaeng matangkad na may morenang balat. Ang ganda niya ngunit likas na masungit ito. Isa siyang regular na pasahero ng bus kaya madalas ko siyang masilayan. Hinintay ko siyang makasakay dahil hirap siyang umakyat sa hagdan ng bus sa taas ng kanyang sapatos at iksi ng kanyang palda. "Umayos na kayo ng upo dahil aarangkada na tayo!" sigaw ko. Maya-maya pa ay nakapa ko ang biscuit na nasa bulsa ng suot kong polo. "Sino sa inyo ang hindi ang almusal?" tanong ko. "Ako! Ako!" "Wow, halos lahat kayo ay hindi nag-almusal. Marahil ay nagugutom na kayo," saad ko. "Sinong may gusto nitong skyflakes? Itaas lang ang inyong paa," biro lang iyon ngunit natawa ako nang makitang may mga sumunod sa sinabi kong iyon. "Paano ba yan, iisa na lang pala ang natira. Ngayon ay naghahanap ako ng mukhang PG (patay gutom) sa inyo," Bumaling ako sa babaeng kanina pa tahimik. "Ayun! Si miss ganda ang napili ko!" SANYA "ATE! Bilisan mo! Nariyan na ang bus!" sigaw ni Sally mula sa labas ng kwarto ko. "Oo na, heto na!" Masyado naman kasing excited 'yong driver. 5:30 pa lang ng umaga ay bumubusina na. Nakakainis. Sinuot ko ang 3 inches pointed black shoes ko saka inayos ang suot kong palda. "Oh, Sanya, medyo nakusot ang palda mo. Hindi mo ba 'yan plinantsa?" si mama. "Plinantsa ko ito ma. Umupo kasi ako kaya medyo nakusot," Nagmadali na akong lumabas sa takot na maiwan ako ng bus. "Narinig ko pa ang sigaw ni mama. Tandaaan niyo ang bilin namin ng tatay niyo! Uulitin ko-" pinutol ka na siya sa kanyang sasabihin dahil memoryado ko na ang linyahan niya. "Oo na ma, no graduate, no boyfriend!" sigaw ko habang si Sally naman ay nakasakay na sa bus. Iniwan na ako ng gaga. Mabilis akong sumakay. "Umayos na kayo ng upo dahil aarangkada na tayo!" sigaw ng kundoktor. Inayos ko naman ang sarili mula sa pagkakaupo. Nasa tabi ako ng bintana kaya kitang kita ko ang ganda ng Villa Hermoso. "Sino sa inyo ang hindi ang almusal?" sigaw ng kundoktor. Hindi ako nag almusal ngunit hindi na lang ako umimik dahil wala naman akong pakielam. "Ako, ako!" nag-uunahan pa ang iba pang kapwa ko pasahero na animo'y recitation ang kanilang ginagawa. "Wow, halos lahat kayo ay hindi nag-almusal. Marahil ay nagugutom na kayo," saad niya saka may kinuha sa kanyang bulsa. Kagaya ng dati ay hindi ko siya pinapansin. Naiilang kasi ako sa tuwing mahuhuli ko siyang nakatitig sa akin nang malalim. "Sinong may gusto nitong skyflakes? Itaas lang ang inyong paa," aba'y m******s pala itong lalaking ito. Kumunot ang noo ko nang makita ang ilang kababaihang sumunod sa sinabi ng kundoktor. "Paano ba yan, iisa na lang pala ang natira. Ngayon ay naghahanap ako ng mukhang PG sa inyo," Maya-maya pa ay bumaling siya sa akin. "Ayun! Si miss ganda ang napili ko!" nakangiti pa siyang nilapitan ako. "Mukha na ba akong patay gutom sa paningin mo?" inis na wika ko. "Oo, heto oh, biscuit para sa binibining marikit," wow, smooth. Inabot niya sa akin ang isang piraso ng skyflakes. Tiningnan ko lamang iyon at hindi tinanggap. "Sis! Gora na! Grasya na ang lumalapit sa'yo!" makahulugang saad ni Sally. Tiningnan ko ang lalaking nasa harapan ko. "Excuse me, hindi ako interesado diyan sa skyflakes na yan. Mukhang hindi kasi masarap dahil galing sa'yo," "Ikaw naman miss, baka naman ayaw mo sa aking biscuit at hiling mo ay kiss," kumindat pa siya. Tskk, playboy. "Wow, ang kapal din pala ng apog mo noh?" Natatawa naman siyang nagsalita at muling inabot ang biscuit sa akin. "Sanya Angel Tacalan, anong inaarte arte mo diyan? Jusko, kung ako na yan ay mangingisay na ako sa kilig gorl," sabad ni Sally. Maya maya pa ay siya na mismo ang humawak sa kamay ko saka binigay ang biscuit na iyon. Bumulong pa ito, "Kung ayaw mong kainin yan, nakahanda naman akong magpakain sa'yo. Rawr," saad niya pa bago ako iniwang tulala at hindi makapaniwala sa inasal. "Hoy! Hindi ako magpapamanyak sa'yo! Excuse me," masungit na wika ko. Ngumisi ang kundoktor, "Mas maganda ka pala kapag nagsusungit ka." Umirap lang ako at hindi ko maikakailang nagustuhan ko ang sinabi niyang maganda raw ako. Pero wala akong pakielam. My goal is to study smart and achieve my dreams. Not to flirt with him. NAKARATING na kami sa Monteverde University kaya nagsibabaan na rin ang ibang estudyante. Sinadya kong magpahuli sa pagbaba dahil mataas ang suot kong sapatos. Nakita ko namang nauna na si Sally at hindi na ako hinintay pa. "Ahh, Mon, patulong naman ako sa pagbaba," maarteng saad ng kapatid kong pababa sa hagdan bus. Ngumiti ang kundoktor, "Ayan, dahan-dahan lang ma'am upang hindi ka matapilok." Aba'y ke aga aga ay naglalandian na. Lagot ka sa akin mamayang Sally ka. Lapastangang bata. Hindi man lang ako hinintay. Ang bigat pa naman ng mga dala kong libro nakakainis. Tumayo na ako at rinig na rinig ko pa ang tunog ng aking sapatos. Pababa na ako sa hagdan ng bus nang bigla akong natapilok. Mabuti na lang at nasalo ako ng isang lalaki na may mga matitigas na braso. Nanlaki ang mata ko nang dumapo sa aking puwitan ang kanyang kamay. Nilingon ko kung sino ang lalaking sumalo sa akin. Parang lalabas na ang puso ko nang makitang ang kundoktor iyon. "Miss Sanya, ayos ka lang ma'am?" may multong ngisi pa ito sa kanyang labi. Maingat niya akong ibinaba. Tinaas ko ang isang kilay ko saka siya sinagot. "Ayos lang ako pero huwag mo akong tawaging Sanya, hindi tayo close," "Okay miss sungit," Umirap naman ako nang makita ang mapuputi at pantay niyang ngipin. Wow, hah? Toothpaste model yata 'to. Ah basta, ayaw ko pa rin sa kanya. Masyado siyang confident sa sarili niya. Inabot niya ang kanyang kanang kamay sa akin. "Ako nga pala si Ramon Malaya, 23 anyos, miss sungit. Maaari mo akong tawaging Mon o di kaya naman ay mine," Ang bilis niya! Pinagmasdan ko lamang ang kamay niya. Iyang kamay na yan ang nakahawak sa pwit ko kaya nararapat lamang na parusahan ito. Tinanggap ko ang kamay niya hindi para makipag shake hands kundi para pilipitin ito kagaya ng naisip ko. Ngunit ako ang talo sa aking ginawa dahil imbes na masaktan siya ay mabilis niya akong sinandal sa bus habang nakahawak pa sa aking kamay. Ginamit ko naman ang buong lakas ko ngunit hindi ko nagawang parusahan ang kamay niyang nanggapang sa aking puwit. "Mag ingat ka miss sungit, kita na lang tayo mamayang hapon," bulong niya pa bago ako pinakawalan. "Tang… inis ka!" tumawa lang ito at confident pang sumakay sa bus. Lalo tuloy akong nanggigil. "Mon! Huwag mong takutin yan! Ikaw rin, baka mawalan tayo ng isang magandang pasahero," natatawang saad ng driver na kalbo. Nakakainis. Inirapan ko silang pareho at nagmamadaling naglakad patungo sa entrance ng gate. Muli akong nainis nang makitang tumakbo ito papalapit sa kinaroroonan ko. "Ano pa bang kailangan mo, hah? Bakit ba ang kulit ng lahi mo? Stalker ka no?" "Sa'yo na to oh," saad niya habang inaabot ang hawak na skyflakes. Ano bang mayroon sa biscuit na yan at kanina niya pa pinagpipilitan sa akin. Naiinis na ako. "Gusto mo?" muling aniya. Akmang kukunin ko na iyon ngunit nagulat ako nang may babaeng kumuha sa ino-offer niyang biscuit mula sa aking likuran. Tila ba sinadya niya iyon para ipahiya ako. Tang… inis talaga. Bahagya akong nakaramdam ng hiya. "Thank you Mon, ang sweet sweet mo naman. Kaya bagay na bagay tayo eh," saad pa ng babae. Samantalang ako ay di makapaniwala sa inasal ni Ramon. "Walang anuman Sweety, sige na, babyahe na kami," Parang na-estatwa ako sa aking pwesto. Nakakainis. Nakakarami na siya. Sa susunod na lapitan niya ako ay ipaparamdam ko ring para siyang hangin. "LINTIK lang ang walang ganti, Ramon Malaya," bulong ko sa sarili habang inaalala ang pangyayari sa bus kaninang umaga. "Huy, beshy, anong pinagsasabi mo diyan? Wait, who's this Ramon Malaya?" litong sabad ni Cindy habang naningkit pa ang kanyang mata sa akin. Binalik ko sa loob ng bag ko ang pinagsulatan kong notebook saka hinarap ang kaibigan ko. "Hayssss, kung alam mo lang beshy. Nakakabwisit ang taong iyon. Akala mo naman ay gwapo kung umasta ay sobrang presko," inis na reklamo ko. "Wehh? Paano 'yong inis beshy?" pang-aasar niya. "Ewan ko sa'yo, Cindy Miranda," Natatawa naman siyang hinabol ako sa paglalakad. It's already 5:30 pm kaya nag-uunahan nang lumabas ang mga estudyante sa gate at kanya-kanyang abang ang mga ito ng masasakyan. Maya-maya pa ay narinig ko ang ugong ng bus at tumigil naman ito sa tapat ng gate. Ayaw ko mang sumakay dahil sa inis ko kay Mon na mukha namang mamon ay wala akong choice. Nakangiti na naman siya. Kainis. Ang sarap niyang gawing putok na mamon. Argggh! "Narito na si SuperMon! Humanda na ang sasakay, masisilayan niyo na naman ang kanyang kakisigan," kilalang kilala ko ang boses na iyon. Gano'n siya lagi sa tuwing magpaparada sila sa tapat ng eskwelahan bago muling umarangkada. Napairap ako nang maghagikhikan ang mga kababaihan. "Shocks, ang cute cute talaga ni Mon-mon. Kung pwede lang na iuwi siya ay matagal ko nang ginawa," rinig ko pang sabi ng isa sa mga ito. Iuwi raw, ang harot hah. Alam ba ng papa mo yan bhe? "Sige lang girl, landi now, kawawa kay papa later," bulong ko sa sarili. Maya-maya pa ay tinampal ni Cindy ang balikat ko. "Anong nangyayari sa'yo beshy? Bakit sobrang laki ng galit mo sa paligid ngayon?" hagalpak niya. Maya-maya pa ay bumaling sa pwesto ko si Ramon. "Miss sungit, sakay na!" Inirapan ko lang siya, "Kahit hindi mo sabihin, Ramon Malaya, sasakay talaga ako." "OMG," biglang impit ni Cindy. "Huy, beshy, ayos ka lang?" tanong ko. "Akala ko ba ay pangit ang sinasabi mong Ramon Malaya? Eh sobrang hot pala niya beshy! OMG!" "Whatever. Hindi ko pa rin gusto ang ugali niya," "Girl! Baka siya na ang the one!" tumawa pa siya habang nakahawak sa aking balikat. "Ang ingay mo beshy. Baka may makarinig sa'yo at makarating ito kila mama. Siguradong pagsasabihan na naman ako," saad ko. "Hmmp, ang OA naman nila tita. Wala namang masama kung maranasan mo naman ang mag-jowa eh," aniya. "Hayaan mo na beshy, at least nilalayo ako mula sa mga lalaking may masama ang intensyon sa akin," saad ko habang nakatingin kay Joey Bersola. "Teka, akala ko ba ay manliligaw mo yan beshy? Bakit may ibang kasama na naman?" "Hayaan mo na beshy, kahit pa ligawan niya ang lahat ng babae sa Pilipinas ay wala akong pakialam sa taong iyan," "Well, ikaw ba naman ang mapansin ng isang hot na kundoktor ay talagang mababaling sa kanya ang atensiyon mo," sinusundot sundot pa niya ang aking tagiliran. "Ano na miss sungit sasakay ka pa ba? O baka naman ako ang gusto mong sakyan?" sabad ni Mon-Mon na tumaas baba pa ang kilay niya. Natawa lang si Cindy at nagpaalam na rin dahil dumating na ang sundo niya. Padabog naman akong nagtungo sa entrance ng bus. Si Sally, ayun, nakasakay na. Lapastangang kapatid kong hindi marunong maghintay. Nahirapan pa akong umakyat dahil mataas ang hagdanan nito. Muli kong nakita ang ngisi ng lalaking animo'y naka laklak ng sandamakmak na bawal na gamot. Parang baliw. Parang alam ko na rin kung ano ang iniisip niya. Nakakainis. I hate him. End of chapter 1.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD