Chapter Two

1968 Words
Chapter Two MON "MUKHA na ba akong patay gutom sa paningin mo?" Nakatingin lang ako sa kanyang labi. At sa bawat salita niya ay tila ba nakakahalina. Kahit siguro murahin niya ako ay mapapangiti pa rin ako. "Oo, heto oh, biscuit para sa binibining marikit," "Excuse me, hindi ako interesado diyan sa skyflakes na yan. Mukhang hindi kasi masarap dahil galing sa'yo," Savage. "Ikaw naman miss, baka naman ayaw mo sa aking biscuit at hiling mo ay kiss," "Wow, ang kapal din pala ng apog mo noh?" Aray ulit. "Sanya Angel Tacalan, anong inaarte arte mo diyan? Jusko, kung ako na yan ay mangingisay na ako sa kilig gorl," sabad ng kasama nito. Marahil ay kapatid niya. Bumulong pa ako, "Kung ayaw mong kainin yan, nakahanda naman akong magpakain sa'yo." ILANG sandali pa ay tinigilan ko na siya dahil umuusok na ang kanyang ilong sa inis. Gusto ko lang naman maging close kami katulad ng ibang pasahero dito. Nang bumaba siya ay mabuti na lang nakatayo ako sa entrance ng bus kaya nasalo ko siya. Kung hindi ay tanggal ang ilong nito. Natawa pa ako nang aksidente kong nahawakan ang puwit niya. Malambot tol. Matapos ang pang-aasar ko ay kinuha ko ang pagkakataong iyon para magpakilala. "Ako nga pala si Ramon Malaya, 23 anyos, miss sungit. Maaari mo akong tawaging Mon o di kaya naman ay mine," Akala ko ay magkikipag kamay na siya. Bigla niyang pinilipit ako ngunit mabilis naman akong nakabawi. Sinandal ko siya sa bus saka deretso sa kanyang mata ang aking paningin,"Mag ingat ka miss sungit, kita na lang tayo mamayang hapon." "Mon! Huwag mong takutin yan! Ikaw rin, baka mawalan tayo ng isang magandang pasahero," natatawang sabad ni Boy. Pinakawalan ko siya at nangingiting pinanood ang papalayong likod nito. Maya-maya pa ay nakaisip ako ng kalokohan. Sinundan ko siya at sakto namang nakita ko si Sweety sa kanyang likod. "Ano pa bang kailangan mo, hah? Bakit ba ang kulit ng lahi mo? Stalker ka no?" masungit na aniya. "Sa'yo na to oh," nakatingin ako sa kanya habang ngiting ngiti naman si Sweety sa kanyang likod. "Gusto mo?" Tumango si Sweety na nasa kanyang likod samantalang si Sanya naman ay parang sumuko na at kukunin na ang inaabot kong biscuit. Akmang kukunin na niya iyon nang biglang sumulpot si Sweety saka iyon kinuha. "Thank you Mon, ang sweet sweet mo naman. Kaya bagay na bagay tayo eh," saad pa niya. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Sanya. Nagtagumpay ako sa araw na ito na magpapansin sapagkat kitang kita ko ang pagkainis sa kanyang mukha. "Walang anuman Sweety, sige na, ba-byahe na kami," paalam ko saka siya matamis na nginitian. Umalis na ako saka sumabit na sa entrance ng bus. Kinawayan ko pa siya bago kami umarangkada. NATAPOS ang araw na iyon nang masaya para sa akin. Matagal akong hindi pinapansin ni Sanya ngunit kanina lang umepekto ang mga banat ko. Kahit na nainis siya sa akin ay ayos lang. Ang mahalaga ay alam na niya ang pangalan ko. Natatawa kong nilingon ang isang pack ng skyflakes sa ibabaw ng mesa. Ito lang pala ang magiging daan para mapansin niya ako. Kung alam ko lang ay matagal ko na iyon ginawa. UMAGA na naman kaya maaga akong naghanda para sa trabaho. "Naks naman tol, blooming ka ngayon ah," bungad ni Boy. "Gago, mas bagay ang salitang iyon sa babae," natatawang saad ko. "Oo na, sorry naman," aniya saka pinaandar na ang bus. Tumigil ito sa paborito kong lugar. Sa tapat ng bahay nila Sanya. Masasabi kong simple ang kanilang pamumuhay kagaya ko ngunit maswerte siya nagagawa niyang pumasok sa eskwelahan. Ang totoo'y pangarap kong maging pulis ngunit hanggang dito na lang yata ako. Maya-maya pa ay sumakay na ang kapatid niya habang siya naman ay hirap na hirap sa pag-akyat. Nginitian pa niya ako kaya nahiwagaan ako doon. Nagulat ako nang bigla niya akong tinuhod. Ngayon ay namimilpit ako sa sakit ng kanyang ginawa. "Yan ang nababagay sa'yo, SuperMon! Sige nga, lipad," "Arayyy," namimilipit ako sa sakit ng kanyang ginawa. Pakiramdam ko ay nabasag ang aking dragon balls. "Putakte namang babae ka, paano na ang future natin," mahinang reklamo ko. Ilang sandali pa ay iika ika akong lumapit sa kanyang kinauupuan sa tabi ng bintana. "Psst, miss sungit!" gusto ko siyang parusahan dahil sa kaniyang ginawa. "Ano? Kulang pa ba?" sabad niya. Doon pa lang ay tiklop na ako. Umupo ako sa kanya kanyang tabi, "Basag yata ang itlog ko men." Mahina siyang tumawa na animo'y iniinsulto ako. "Buti nga sa'yo," Natigilan siya nang lalo akong umurong sa kanyang tabi. Magkadikit na ang aming katawan. Nakakabakla mang pakinggan ngunit totoo nga pala 'yong sinasabi nilang kuryente na dumadaloy sa katawan. Tang…ina men. May spark kami. Sa susunod ay weldingan na ang magaganap. Natawa na lang ako sa aking naisip. Maya-maya pa ay napahawak ako sa aking tagiliran dahil kinurot niya lang naman ako gamit ang kanyang mahahabang kuko. "Ang kapal ng mukha mo, lumayo ka sa aking manyak ka," inis na aniya. Napangiti ako saka lalo kong siniksik ang sarili sa kanya. Halos hindi na rin ito makagalaw dahil nakasiksik na rin ang katawan niya sa tabi ng bintana. "Lagi mo na lang akong sinusungitan, Sanya. Ayaw mo bang maging kaibigan ang tulad kong gwapo at mabango?" kumikindat kong wika. "Epal! Lumayo ka sa akin. Unang-una sa lahat ay hindi ka gwapo, sadyang malakas lang ang apog mo. At higit sa lahat ay hindi ka mabango, ang aga aga, amoy suka ka na. Yuck," maarteng aniya. Natawa ako sa kanyang inasta. "Huwag ka ng mag inarte miss, ikaw rin, baka ligawan ako ng ibang chicks diyan. Baka umiyak ka kapag iba ang nalahian ko," natatawang wika ko saka iniwan siyang nakatingin sa akin gamit ang gulat na reaksiyon at magkasalubong sa kilay nito. "Arghhh, bwisit. Sobrang makapal ang mukha," nanggigigil na aniya. Naglakad na ako sa pinto ng bus saka sumabit habang nakangiti dahil matagumpay ako sa misyon kong magpapansin sa pinaka masungit na pasahero namin. Tumitigil ang bus sa isang waiting shed. Sumakay naman ang tatlong estudyanteng lalaki at isang babaeng nakasuot ng skirt katulad ng suot ni Sanya. "Hi, Mon," matamis niya akong nginitian. "Hello, Andy," bati ko naman. Kapatid siya ni Andrei. Isa sa mga kaibigan ko. Kagaya ng dati kong ginagawa, hinawakan ko ang kamay niya habang paakyat ito sa hagdan ng bus. "Awww, napaka gentleman mo talaga. Thank you," Magsasalita pa sana ako ngunit narinig ko ang masungit na boses mula sa likuran. "Kuya, magtagal pa ba tayo? Baka ma late kami," Nilingon ko ito at umirap pa sa hangin saka sinaksak sa kanyang tenga ang hawak na earphones. "Maganda nga, napaka sungit naman," bulalas ko. Narinig ko ang tawa ni Boy. "Pre, huwag mong pagnasaan yan. Kanina pa badtrip yan sa'yo. Baka gusto mong mabasag yang dragon balls mo," natatawang aniya saka muling pinaandar ang bus. "Ayaw ko na pre, sayang lang ang lahi ko kung hahayaan ko siyang basagin niya ito," "Ingat ka lang tol. Sobrang sungit," Nakatayo lang ako sa tabi nito at paglingon ko sa likod ay namataan kong katabi ni Sanya ang isang lalaking payat at may salamin. Mukha naman itong totoy kaya sigurado akong hindi ito mapapansin ni Sanya. Sa ganda niya kasi, kahit sino ay talagang mapapalingon. Ako nga ay hirap na kunin ang kanyang atensiyon. Kailangan ko pa siyang asarin, makuha lang ang atensiyon niya. Natigilan ako sa pag-iisip nang makitang sinadya ng lalaking katabi ni Sanya na ihulog ang libro nito. Tila ba kumulo ang dugo ko nang makitang tinitigan nito pataas ang hita ni Sanya na ngayon ay nakatingin sa labas ng bintana habang nakikinig ng musika mula sa bagay na nakasaksak sa kanyang tenga. Mabilis kong nilapitan ang lalaki at natigilan ito nang mapansin ang presensya ko. "Masyado naman yatang malaki yang libro para hindi mo makita," seryosong wika ko. Mabilis niyang pinulot ang libro at umayos ng upo. Sinandal ko ang kamay ko sa kanyang upuan saka nilapit ang aking bibig sa kanyang tenga. "Sa susunod ay dudukutin ko iyang mata mo. Baka hindi mo kilala ang binabangga mo bata. Nobya ko yan," bulong ko. Nanlaki ang mata nito at, "Pa-pasensiya na boss." Bumaling sa akin si Sanya at nagtataka itong tiningnan ang nakayukong m******s. Tinaasan niya ako ng isang kilay na animo'y may ginawa akong mali. Umiling na lang ako at bago ko siya tinalikuran ay ginawaran ko muna ng masamang tingin ang katabi nito maging siya. Ako na nga lang itong nagmamalasakit, ako pa itong masama sa paningin niya. SANYA HINDI ko mawari kung bakit nakayuko itong katabi ko habang nagbabanta naman ang tingin ni Mon-mon dito. Tinanggal ko ang nakasaksak na earphones sa tenga ko at tiningnan siya ng masama. Ang kapal ng face niya para balingan ako ng masama. "Okay ka lang?" saad ko sa katabi kong estudyanteng payat na nakasuot pa ng salamin. Mukha kasi itong inapi ni Mon. Hindi niya ako nilingon ngunit sumagot naman ito habang nakayuko, "Ahh, opo ate." Bahagya akong nairita noong mapansing nakatingin ito sa aking hita. Kaya naman kinuha ko ang shoulder bag ko saka tinakpan iyon. Hindi na lamang ako umimik baka mahampas ko pa ito ng leather kong bag. Masyado pa namang payat, baka hindi niya kayanin at ikamatay niya agad. Malapit na kami sa MU (Monteverde University) kaya nagsimula na ring mangolekta ng pamasahe ang masungit na mukha ni Mon. Nilabas ko na ang pouch ko at dumukot ng kinse pesos. Nang nasa tapat na namin siya ng katabi ko ay inabot ko na ang barya ngunit hindi niya iyon kinuha. Animo'y hindi niya ako nakita. Ang sungit niya. Nakakainis. Pero kahit na gano'n ay lalo namang tumingkad ang kanyang kagwapuhan. Wait, sinabi ko bang gwapo siya? Well, oo nga gwapo, pero ngayon ay nagsusuplado. Nilingon ko siya at ngayon ay nasa dulo na siya ng bus at pabalik na sa harap. Kaya naman bago pa niya ako madaanan ay tinawag ko siya. "Mon! Pamasahe ko, oh!" medyo malakas ang pagkakasabi ko dahil malakas ang ugong ng bus. Tiningnan lang niya ang kamay ko at iniwan iyon sa ere. Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko dahil sa pagkapahiya. Hindi ko alam kung bakit ako pa ang nahihiya. "Pst, ate! Mukha kang tanga. Ibulsa mo na lang iyan. Buti ka pa, nakalibre ng pamasahe," ani ng kapatid kong nasa likuran ko lang. Umirap na lang ako saka umayos sa pagkakaupo. Ah basta, ibibigay ko itong pamasahe ko. Baka isipin ng iba na may namamagitan sa amin ni Mon. Matapos ang ilang sandali ay nagsibabaan na ang ibang pasahero sa tapat ng MU. Kagaya ng dati ay nagpahuli ako sa pagbaba dahil nahihirapan akong bumaba sa hagdan ng bus. Masyadong mataas ito. Idagdag pa ang mataas na takong ng aking sapatos. "Ehemm, excuse me," kako dahil nakaharang si Mon sa pinto. Tumagilid naman ito para bigyan ako ng espasyo kaya tinaasan ko siya ng isang kilay. Kung dadaan ako doon ay sigurado akong masasagi ko ang katawan niya. "Oo nga pala, ito, pamasahe ko. Ayaw kong nililibre ako dahil baka kung ano pa ang isipin ng iba diyan," muli kong inabot ang barya. Tiningnan niya ito saka ngumisi. "Ano bang iisipin nila kung nilibre kita ng pamasahe?" tumaas ang balahibo ko. "Teka, lumayo ka nga!" amoy na amoy ko ang natural na bango ng kanyang katawan. Pa flex flex pa ang kanyang muscles nang isandal nito ang isang kamay sa pinto. Nakangisi lang siya na tila ba interesado sa susunod kong sasabihin. Kaya naman nilingon ko ang driver at nagulat ako dahil nakangiti rin ito. "Kuya, ikaw na nga ang kumuha nito. Ang sama ng ugali ng kundoktor mo," masungit na wika ko saka inabot ang pera. End of chapter 2.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD