Sumpa ni Saitan

2401 Words
Palipat-lipat ang tingin ni Blessy sa pamilya n'ya habang kumakain sila sa isang fine dining restaurant parang walang may gustong mag salita sa mga ito. Ang papa n'ya halatang tamad na tamad na kumain at patingin-tingin lang kay Bryan. Napalingon naman s'ya sa Ate Megan n'ya na nasa tabi n'ya kasama ang asawa nito na tahimik lang na kumakain ng kulbitin s'ya sa hinta ng kapatid. "Sabi ng Kuya Rai mo, marami daw s'yang kakilalang mag kukulam sa Mindoro baka daw matulungan ka n'yang ipatawas." bulong ni Megan. "Ate naman." maktol ni Blessy. "Excuse me lang po restroom lang po." 'di na nakatiis na usal ni Megan na tumayo na. "Samahan mo ako baka may maligno sa banyo." ani Megan na hinila na sa braso si Blessy na napilitan ng sumama sa kapatid. Pag dating sa banyo, itinulak pa s'ya ng Ate n'ya. "Silipin mo bilis ang loob baka meron masamang elemento sa loob na sumama sa jowa mo." "Ate naman."napapadyak pang wika ni Blessy na pumasok na sa loob ng banyo. "Ano meron ba?" "S'yempre wala." inis na wika ni Blessy. "Buti naman wala kang nakikita akala ko kasi nakakakita ka na ng masasamang elemento sapol ng patulan mo ang impakto na yun." "Ate naman ang sama mo." "Aba alangan naman purihin ko ang isang tao na talaga naman pangit." "Be polite naman wala man lang napansin sa inyo kay Bry. "Hello! nag didinner tayo tapos nag sama ka ng maligno tingin mo matutunawan kami kapag pinansin naman s'ya." insi naman na tatawa si Blessy. Sanay na s'ya sa bibig ng Ate n'ya kaso na hihiya s'ya para kay Bry. "Kailangan n'yo s'yang tanggapin ate dahil sooner or later mag papakasal na din kami." "Hoy! ikaw nga e mag pa checkup ng mata, baka ikaw e may katarata na. Mag papakasal ka sa lalaking yun, juicko naman Lordblessy. maawa ka naman sa magiging anak n'yo, okay lang sana kung kamukha mo ang magiging anak n'yo. Eh! paano kung kamukha n'ya edi baka sabihin ng anak n'yo. "Bakit n'yo pa ako binuhay Ma, pa." natawa naman si Blessy sa sinabi ng kapatid. "Hindi yun joke wag kang mag tawa Bless, at ano ipapangalan n'yo sa anak n'yo, Chuckie, Jason, Anabelle, Leonora juice... nakakatakot Blessy." "Alam mo napaka laitera mo porket ang guguwapo ng anak mo at maganda." "Natural, guwapo ang asawa ko. E ikaw imaginine mo naman kapag mag sesex na kayo at nasa ibabaw mo s'ya. OMG! Kakakilabot." natawa naman si Blessy. "Bakit kailangan ba nakadilat kapag nakikipag s*x?" tanong naman ni Blessy. "Aba nalamang. Ang sarap kayang umungol kapag guwapo ang naka ibabaw sa'yo tapos kapag naka cowboy ka makikita mo yung guwapong mukha ng mahal mo kapag nasa ibabaw ka n'ya." "Ang halay mo ate." "Wag kang ipokrita gagawin mo rin yun kapag may asawa ka na pero wag na wag mong gagawin kapag yang si Bry ang kapereha mo. Kapag umibabaw s'ya sa'yo sumigaw ka na agad ng ra*** humingi ka na agad ng saklolo." malakas naman tumawa si Blessy sa kalokohan ng kapatid. "Ikaw tawa ka ng tawa. Pinapayuhan kita kaya mag seryoso ka, kakadiri kaya parang ang baho pa ng laway ng lalaking yun." natatawa na rin wika ni Megan na nag reretouch na nag lipstick. "Grabe ka talaga. Hindi naman." "My god! nakipaglips to lips ka na sa mukhang shokoy na yun. Kakadiri ka." "Nag momouthwash naman si Bry." defensive na sagot ni Blessy napa antanda naman ng krus si Megan at napadasal na tinawanan nanaman ni Blessy. "Umuwi ka sa bahay mamaya, babadan ko ng baking soda ang nguso mo sissy my god." ani Megan na parang diring-diri pang lumabas ng banyo. Napasunod naman si Blessy ng labas na nabali pa ang leeg ng makita ang isang lalaking naka halukipkip na nakasandal sa pader ng pagitan ng men and women toilet. "Stalker ba kita?" "Ang lakas ng boses n'yong dalawa rinig na rinig kayo ni Megan dito sa labas, bumantay lang ako in case na baka may makarinig na kahalayan ng bibig ni Megs." "Ahhhh! die-hard fan ka nga pala ni Ate Megs." "Pero kidding aside, nakipag halikan ka na talaga sa shokoy na yun?" "E ano naman paki-alam mo." "Sabagay doctor ka nga pala sanay ka na sa mga amoy na bubulok na katawan." "Gusto mo tarakan kita ng syringe sa tonsil mo." natawa naman si Saitan. "Bakit ba ang init lagi ng ulo mo sa akin?" "Hindi pa ba obvious?" waring gulat pang tanong ni Blessy. "Obvious naman na niniwala lang kasi ako sa kasabihan na the more you hate, the more you love." nakakaloko naman tumawa si Blessy. "Alam mo payong kakilala lang bawasan mo ang pag gamit ng gluta inject masama tama sa'yo." tinapik pa ni Blessy sa balikat si Saitan na natawa. Isang beses lang sila nag kita sa isang gluta skin clinic inakala na nitong nag papa inject s'ya ng gluta, sinamahan lang naman n'ya ang mama n'ya dun pero hindi s'ya ag pa inject. Likas na s'yang mestizo at mamulamula ang maputing kutis hindi na kailangan ng gluta. "Santita." pinigilan ni Blessy na lumingon at tinigasan ang leeg. "Mahal ko!" "Ano ba! bakit ba tawag ka ng tawag." anggil ni Blessy na huminto at lumingon kay Saitan na malakas naman tumawa saka pa lang na realize ni Blessy ang ginawa n'yang pag lingon kaya inis na napangiwi na lang si Blessy. "Sinasabi ko na e! may gusto ka sa akin e, kunwari ka lang." ani Saitan. "Alam mo try mong uminom ng kape baka sakaling nerbyosin ka." insi na wika ni Blessy. "Hindi ko na kailangan ang kape dahil ikaw pa lang sapat na para mag heart palpitate ako." para naman diring-diri si Blessy na kinilig pa na parang kumain ng manggang hilaw. "Last mo na yan! Nakakaklilabot kang diablo ka." wika ni Blessy saka nag mamadaling tumalikod. ******** Parang gustong maiyak ni Blessy habang nakatingin sa 5 storey building na nasa harapan n'ya. Ito ang lugar na hindi n'ya pinangarap na puntahan pero dahil sa hospital director ng hospital na pinag tatrabahunan n'ya. Isa s'ya sa 5 doctor na mag u-undergo ng training at 10 nurse dahil balak ng hospital sila ang isasabak sa mga emergency outreach program kapag meron mga kalamidad na kakailanganin ng doctor sa mga liblib na probinsya. "Doc Bless tara na po." "Parang gusto ko ng mag quit? puwede kaya." ani Blessy na nilingon ang mga kaibigan na doctor at nurse na kasama nila. "Sana kasi sinagot mo na lang si Doc Aga para wala ka sana sa line-up." "Taken na ako." "Naku not to offend you po pero lamang ng 5 paligo si Doc Aga kesa sa BF n'yo, bukod dun mayaman pa." tumikwas naman ang nguso ni Blessy ng maalala ang nangyari noong nakaraang araw sa team dinner nila. Inilihim na nga lang n'ya ang pang mamanyak sa kanya ni Doc Aga para iwas tsismis. Pinisil kasi nito ang puwet n'ya saktong labas n'ya ng ladies room sabay sabi na kung gusto daw n'ya na tumaas ang posisyon n'ya kaya daw s'ya nitong tulungan. Inilagay pa nito sa kamay n'ya ang isang keycard. Pinag pasensyahan muna n'ya ito dahil akala n'ya lasing lang pero ng ipatawag s'ya sa office nito nagulat pa s'ya ng bigla s'ya nitong sunggaban ng halik. Hindi agad s'ya nakapalag ng una pero ng maka recover s'ya agad n'yang hinubad ang rubber crocs na usually na suot ng isang doctor. Kakalabas lang n'ya sa OR after mag assist ng 2 hours operation kaya pagod pa s'ya tas sasalubungin pa s'ya nito ng ganun kaya ang ending ang rubber crocs n'ya ang pinangsampal dito na talaga naman lumagak sa mukha nitong nabiling ng husto. Nagulat din naman s'ya pero hindi naman pala humingi s'ya ng sorry nag mamadali na lang s'yang umalis. Kaya naman hindi na s'ya nagulat ng magkaroon ng meeting at kumuha ng 5 doctor at 10 na nurse na mag uundergo ng training at napasama s'ya. Akala ata ng Aga na ito makiki-usap s'ya na alisin s'ya sa line-up, kung gusto lang n'ya ng gulo isusumbong n'ya ito sa Bf n'ya. Kaso ayaw nga n'ya ng gulo kaya nanahimik na lang s'ya for the sake of world peace. Agad naman silang sinalubong ng mga member ng rescue team na mag tatrain sa kanila. "Ang ganda n'yo po pala sa personal nakita ko na po kasi kayo sa TV ng minsang mag guess kayo sa isang talk show." "Bakit sa TV ba hindi ako maganda." biro ni Blessy na humawak pa sa pisngi. Sasagot na sana ang isang taga rescue ng makarinig sila ng pag sipol na sabay-sabay na ikinalingon nila. Umasim ang mukha ni Blessy ng makita ang dahilan kung bakit ayaw n'yang tumuntong sa rescue team headquarters dahil kay Saitan na alam n'yang paminsan-minsan na duty doon kapag hindi ito busy sa trabaho. Dating nag tatrabaho sa rescue team ang ina nito si Tita Pipay pero na pilitan na itong umalis dahil sa paki-usap ng asawa na ama naman ni Saitan. 3 lang mag kakapatid ang mga ito at triplets iisa ang mukha kapag hindi mo kilala ang mga ito, malilito ka sa pero madali lang makilala ang triplets dahil mag kakaiba ang personality ng tatlo. Okay sa kanya si Luzi at Dam pero ewan ba n'ya pag dating kay Saitan parang nakakawala ito ng ganang ka bonding. 5 years ang age gap nila ni Saitan at kung tutuusin dapat wala naman s'yang paki-alam rito pero alam na alam nitong kung paano kikilitiin ang anger buttun n'ya. "Line-up according to your age." sigaw pa ni Saitan na parang gustong ikapikon agad ni Blessy. Lumitaw tuloy na s'ya ang pinaka matanda sa grupo. "Hindi kayo pinadala rito para mag bakasyon nandito kayo para sa 6 months training and let me just remind you, 2 beses lang puwede kayong lumabas during training training kada buwan. may sarili kayong barrack at ituturo sa inyo mamaya ang magiging pansamantala n'yong titigilan habang nandito kayo sa headquartes. Maliwanag bo?" pasigaw na tanong ni Saitan. "At oras na mahuli ko kayong tumatakas palabas ng headquarter titiyakin ko sa inyo na walang ng hospital ang tatanggap sa inyo. Malinaw ba." sigaw pang tanong ni Saitan sabay-sabay naman na sumagot ang mga ito pero hindi si Blessy. ` "Naturukan ba ng anestisya ang dila mo Doc Blessy parang lutang ka at hindi makasagot." "Na iintindihan ko." "Ulitin ko ang mga sinabi ko kung na intindihan mo?" awang nama ang bibig ni Blessy sa utos nito. "bawal lumabas habang nasa training, 2 beses lang sa isang buwan puwede kaming lumabas at titiyakin mo na mawawalan kami ng trabaho kapag na huli mo kami. Okay na po ba may nalimutan pa po ba ako?" mataray na sagot ni Blessy. Napatayo naman ng deretso si Blessy ng makitang lalapitan s'ya ni Saitan. Hindi s'ya umatras sa puwesto s'ya pero bahagyang nag bend palikod ang katawan n'ya ng lumapit na ng sobrang lapit si Saitan. Napatingin pa s'ya sa mga kasamahan n'ya na ang titigas ng leeg na halatang ayaw tumingin sa gawi nila pero ang mga mata kitang nasa sulok lahat. Sumenyas ang daliri ni Saitan na lumapit s'ya ngumiti pa ito kaya alangan na inilapit n'ya ang sarili nito na halos wala ng isang dangkal ang layo nila sa isa't-isa. Amoy n'ya ang pabangong gamit nito na ipinag taka n'ya na amoy na n'ya ang pabangong iyon hindi na lang n'ya maalala kung saan. "Let me just remind you kung sino ako sa loob ng headquarters na ito at kung sino ka naman habang nasa loob ka ng teritoryo ko." mariin na bulong ni Saitan. "Habang nasa loob kayo ng training ground wala akong paki-alam sa mga linsensya n'yo doctor ka man o nurse. Nandito kayo para mag training. Kaya wag kayong aarte dito na parang mas mataas ang pinag-aralan n'yo kesa sa amin. At isang tagapagmana dahil wala akong paki-alam." supladong wika ni Saitan saka umatras at bumalik sa unahan. "May mga pinag-aralan kayong mga tao tama?" tanong pa ni Saitan na sinagot naman ng lahat. "So, ini-expect ko na walang bastos sa inyo. Matuto kayong rumespeto at mag pakatao, naging doctor at nurse kayo dahil iyan ang gusto n'yo. Ngayon kung hindi n'yo kayang sumabak sa gera or sa mga outreach program sa bundok or sa mga bayan na sinalanta ng kalamidad, ngayon pa lang your free to go habang wala pang admission na nangyayari. Mabilis pa sa alas-kuwatro umalis sa puwesto si Blessy at aalis na sana ng pare-parehong humawak sa braso n'ya at damit ang mga kasamahan n'ya na pawang pare-parehas na nanlalaki ang mata na nagulat. "Let her go, gusto n'yang umalis." utos naman ni Saitan pero parang walang narinig ang mga kaibigan n'ya. "Doc Blessy naman." "Hindi ko kayang umakyat ng bundok, maraming lamok dun sayang ang skin care ko and beside I'm a Montenegro hindi ko kailangan mag trabaho." wika ni Blessy, sinadya lang n'yang sabihin iyon para ipamukha kay Saitan na hindi s'ya nito kayang manduhan porket nasa teritoryo s'ya nito. Mukha nito makapal gagamitan pa s'ya ng authority tatat nga n'ya hindi s'ya natatakot dito pa kaya. "Hindi ka titigilan ni Doc Aga, tiyak kahit wala kang training ipapadala ka pa rin nun sa bundok or maybe mag uundergo training ka pa rin pero ikaw na lang mag-isa, isipin mo na lang at least ngayon mag kakasama tayo." bulong ng kaibigan napaisip naman s'ya saka napahinga ng malalim na napatingin sa mga kasamahan na pare-pareho na nag susumamo ang tingin. Ngumiti na lang naman si Blessy na nilingon si Saitan na ngumisi. "Ano Doc Blessy aalis ka ba o hindi?" "I change my mind at pag pasensyahan n'yo na ako mga sir ang totoo n'yang meron ako split personality kayo na po ang bahalang mag-adjust. Napag-isip isip ko kasi bakit ako aalis napapalibutan ako dito ng mga nag guguwapuhang tao." ani Blessy na inisa-isa pang tingnan ang mga lalaki na nasa likod ni Saitan. "Kaso para meron ata kayong isang kasama na hindi tao." nagkatinginan naman ang mga lalaki na tumingin sa paligid na parang may hinahanap. Kinindatan naman ni Blessy si Saitan na ngumiti naman habang nakatingin sa kanya na marahil na gets nito na ito ang tinutukoy n'yang hindi tao. "Lordblessy Montenegro, you never failed to amaze me. Wanna marry me!" turan pa ni Saitan na ikinaawang naman ng mga kasamahan nilang lahat na nag palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD