Nakasimangot na si Blessy na inikot ang paningin sa paligid ng kuwarto nila bakit lahat ng evil scheme n'ya na lampasan ni Saitan. Nag e-effort pa naman s'ya na gantihan si Saitan pero lahat ng plano n'ya palpak na para bang nakikita nito lahat ng ginagawa n'ya. Tulad kanina todo dikdik pa s'ya ng sili at ipinahid n'ya sa underwear ni Saitan na susuotin sana nito after nitong maligo pero hindi nito sinuot masikip na daw ang brief na iyon kaya hindi na nito sinu-suot. Kaya ang ending sayang nanaman ang effort n'ya, nung nakaraan naman nag lagay s'ya ng pamurga sa pagkain nito hindi naman ito kumain dahil nag mamadali. Kaya na sawa na s'ya at sinusukan na pag iisip ng pag ganti sa asawa. Na kakagigil lang talaga, napalingon s'ya ng mag ring ang phone n'yang nasa kama. Nakita n'ya ang panga