PROBLEMA

2378 Words
CHAPTER 11 Biglang may nag-pop-up na message. Isang message na biglang nagpalambot sa puso niyang sawi at galit. “Sayang, hindi ikaw siya, sayang hindi ka naging totoo, una pa lang, sana hindi mo ako niloko, sana hindi ka nagpanggap…sana tayo ang magkasama ngayon…” reply ni Leigh. “Sorry uli.” “Okey lang. Iniisip ko na lang na siya ikaw muna ngayon. Gusto ko isipin na totoo ka.” “Totoo ako, yung mukha lang na ginamit ko ang hindi.” “Maaring ikaw nga yung naramndaman ko pero ibang tao, ibang mukha ang nasa isip ko at hindi ikaw. Bakit mo iyon ginawa? Bakit mo kailangang manloko? Iyon ang pilit ko pa ring ipinapaunawa sa sarili ko hanggang ngayon na hindi ka manloloko. Gusto kong isiping mabuti kang tao sa kabila ng lahat.” “Naintindihan kita, pero I am, Leigh. I am real. My feelings is real and I love you still.” “Pwede bang kahit ngayon lang tawagin muna kitang Culver? Dito naman tayo nagsimula hindi ba? Baka pwedeng dito na rin natin tatapusin ang lahat.” “Siguro nga, kailangan nating tapusin lahat dito.” “Gusto ko kasing matapos ang lahat ng kahibangan ko sa’yo na ikaw ay si Culver pa rin at si Klein na ikaw talaga ay kapatid o kaibigan mo lang? Okey lang ba?” “Kung iyan ang makapagpapagaan sa nararamdaman mo ngayon.” “Can I call you Culver, now?” “Sure.” “Culver, sana maisip mong hindi naman talaga ako masamang tao.” “Alam ko.” “Pasensiya ka na kanina kung kinuha ko ang pera ni Klein ha? Gusto ko kasing makabawi. Hindi ko siya kayang saktan. Hindi ko siya kayang pagbuhatan ng kamay. Alam kong hindi ko kayang manapak ng kasimbait niya kaya iyon na lang ang naisip kong paraan.” “Humingi naman na siya ng pang-unawa at tawad sa’yo, hindi ba?” “Oo pero wala kasi ako makitang kahit anong pwede kong makuha na mahalaga sa kanya para maisip niya kung gaano kasakit ang mawalan. Yung akala mo iyong-iyo na, ‘yon pala, binigyan ka lang ng pag-asa sa wala. Gusto ko sana kunin lahat-lahat pati cellphone niya e, pero baka ako ang mademanda. Galit kaya siya sa akin?” “Bakit mo natanong?” “Kahit ganito ako, nakokonsensiya pa rin kasi ako. Nakainom ako pero, alam ko lahat ang nangyari kanina at nagi-guilty din naman ako.” “Siya din naman. Humihingi raw siya ng tawad sa ginawa niya sa’yo.” “Okey na. Naiintindihan ko na siya. Pero sabihin mo sa kanya siya na lang ang mam-block sa akin sa totoong account niya para makaganti rin siya sa akin kanina.” “Ayaw mo ba siyang maging kaibigan? Willing siyang makaibigan ka. Kasi sobra ka na raw mahalaga sa kanya.” “Huwag na. Kung mahal niya ako, kailangan niyang unawain na hindi talaga kami pwede at habang magkaibigan kami at mahal pa niya ako, hinding-hindi siya makakamove-on.” “Sabagay.” “Magiging magulo lang kasi ang pagkakaibigan namin. Matutulungan ko lang siyang kalimutan ako, kung tulungan niya ang sarili niya sa paraang iwasan at kalimutan niya ako.” “Kahit daw masakit, iyon ang gagawin niya.” “Paalam na din sa’yo, Culver. Para makaganti ako, ako naman ang mamblock sa’yo rito.” “Naiintindihan kita.” “Minahal ko yung Culver na ‘to e, kahit ngayon na alam kong hindi totoo? Kahit alam kong poser lang ito. Kung sana ikaw na lang siya at lahat ay hindi lang pala pangarap lang. Sayang lang Culver kasui hindi ka totoo at hindi tayo magkakatotoo.” “Sana balang araw, mahanap mo rin ang totoo.” “Oo, di ba ibinigay ni Klein sa akin yung totoo? Bukas, susubukan ko. Sana kasing-ugali ng Culver na totoo ang nakilala kong si Klein. Sana pareho sila para naman magiging totoong masaya na ako at ipagpapasalamat ko na nakilala ko si Klein.” “Kahit pa masakit, hangad kong mangyayari sana ang pangarap mong ‘yan kay Kleine.” “Okey. Bye.” “Bye po.” “Salamat at goodnight. Pahabol niya ngunit hindi na niya na-send pa iyon. Kailangan niya nang tapusin dahil sobrang sakit na. Ansakit-sakit na. Lumuluha siya habang nagta-type siya kanina. Luha sa pagkabigo. Kung sana naging si Culver na lang siya, may pag-asa pa sanang maging sila talaga ni Leigh. Ngunit hindi kailan magiging posible ang isang matagal nang imposible. Hindi naman talaga totoo lagi ang sinasabing “nothing is impossible.” Ngayon lang siya naiyak sa isang babae. Ngayon lang siya pinanghinaan ng loob. Binuksan niya ang kanyang account at tigib ng luha ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan niya ang mga mga pictures ni Leigh sa huling sandali. Hanggang sa tuluyan na niyang pinindot ang block. Alam at tanggap niyang iyon na ang huli nilang pag-uusap ni Leigh. Isinasara na niya nag bahaging iyon ng kanyang buhay. *********************************************************** Saudi Arabia. Kasalukuyan. Bumangon si Klein. Kumuha siya ng maiinom na tubig sa ref niyang maliit. Hindi niya alam kung matutuwa siya sa nabasa niya sa f******k ni Leigh na papunta na siya sa Saudi. Naaalala niya kasi na ayaw nitong pumunta sa Riyadh? Anong nangyari at dito pa drin pala sa Riyadh ang bagsak niya? “Tok! Tok! Tok!” Naputol ang pagbabalik tanaw niya dahil sa mga katok na iyon sa pintuan ng kanyang apartment sa Riyadh, Saudi Arabia. “Sino kaya ‘to?” napakamot siya. Tinungo niya ang pintuan. Humihikab siyang pinagbuksan ang kumakatok. “Oh Nicole, bakit?” Si Nicole ang pangalawang babae na minahal niya. Una si Leigh at akala niya si Nicole na ang pupuno sa naghahanap niyang puso pero tulad nang nauna, sawi pa rin siya. Sa Saudi mahirap pa ring magkasama sa iisang bahay ang babae at lalaki na hindi naman mag-asawa. Hindi rin pwedeng kumain sa labas na hindi pamilya. Iyon ang batas. Kaya ang ganitong pagbisita ng babaeng kaibigan sa lalaki ay patago. “Dinalhan kitang niluto kong caldereta.” “Naku, nag-abala ka pa.” “Saka babayaran ko na rin sana yung hiniram ko sa’yo nong nakaraan.” “E, kung sinagot mo na ako noon, sana libre na ‘yan,” biro niya. “Para namang hindi mo pa tanggap.” “O siya. Sige na. Sigurado ka bang hindi mo na kailangan ‘to? Okey lang sa akin kung may pagkakagastusan ka pang iba.” “Okey na, uutang na lang uli ako sa’yo kapag kailangan ko.” “Sige lang. Magsabi ka kung gipit ka.” “Heto na ang 1000 Riyals at ang tubong beef caldereta.” “Kainis ka naman.” “Bakit?” “Inagahan mo sana nang di ako nagtiis sa kabsa na binili ko sa baba. Di kasi muna ako nakakapagluto ngayon sa panay naming overtime e.” “E, di baunin mo bukas.” “Tama. Gagawin ko talaga ‘yon.” “O paano, tuloy na ako ha? Baka may makakita pa sa akin, sa atin.” “Sige salamat sa pagdaan. Alam ko namang di mo ako sasamahan dito mamayang gabi.” “Baliw ka talaga! Para kang ano…” natatawang sagot ni Nicole. “Naglalandi lang ano ka ba. O siya… siya.... Alam ko di tayo pwede kasi nga may asawa ka nang naiwan sa Pinas. Sana lang lahat g kababayan natin kagaya mo.” “Tama. Paano, salamat uli sa pagpapahiram ha? Sana makaulit.” “Anytime bestfriend.” Hinatid niya si Nicole sa pintuan at kumaway pa siya bago niya isinara ang pintuan. Binuksan niya ang pitaka niya at isiniksik niya ang dalawang 500. Napabuntong hininga siya. Pera ang dahilan kung bakit nasa Saudi siya ngayon. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi pa siya nakakauwi sa Pilipinas magmula nang dumating siya dito ilang taon na ang nakakaraan. Muli siyang humiga at ipinagpatuloy ang kanyang nahintong pagbabalik-tanaw sa nakaraan nila ni Leigh. ************************************************************************ Kinabukasan nang araw nang kinunan siya ni Leigh ng pera sa isang bar ay humingi ng pera ang kapatid niya sa kanya. Allowance nito na dapat kapagabi pa sana niya naiabot ngunit isandaan lang ang kanyang naibigay ganoon din sa isa pa niyang kapatid. Yung sobrang pera niya iniabot niya sa mama niya pamalengke ng pagkain nila. Alam niyang kulang na kulang iyon na pamalengke ng Mama niya. Naluluha siya sa hirap ng kanilang buhay. Hindi na niya alam kung saan siya kukuha ng pang-maintenance ng kanyang mga magulang. Sumasakit na ang kanyang ulo sa kaiisip nasasaktan pa siya na sa kabila ng kawalan ng pera nila, hayon siya at wasak pa ang kanyang puso. Ang sakit. Ang hirap hirap. “Kumusta ang inyong meet-up kahapon? Pasasalamatan mo na ba ako sa ginawa kong set-up?” biro ng katrabaho niyang si Dario na naging dahilan ng pagkabuking ng kanyang munting sikreto kay Leigh. “Ayaw kong pag-usapan,” sagot niya. Dahil sa totoo lang sinusubukan niyang kalimutan na lang ang lahat. Gusto na talaga niyang mag-focus sa kanyang pamilya. Napakahirap na nang kanyang pinagdadaanan. Lubog pa siya sa utang. “Naku mukhang hindi naging maganda ang ending. Sabi ko naman kasi sa’yo…” “Pwede ba, bro? Tumigil ka na?” “Eto nga oh, natigil na?” humarap ito sa kanyang computer nakangisi. “Grabe, andami kong iniisip.” “Tulad ng?” ibinaba ni Dario ang salamin niya sa kanyang bibig. “Wala akong pambayad ng bills ko ngayong buwan na ‘to, baka naman…” Biglang tumayo si Dario at akmang aalis. “Tignan mo ‘to,” hinawakan niya ang braso ni Dario para pigilan. “Nagpaparinig palang ako para namang umutot ako sa bilis mong umiwas na maamoy ang binuga kong masamang hangin.” “Bro, mas masama pa sa utot ang entrada mo. Anlaki na nang hiniram mo sa akin. Hindi na kita mabibigyan ngayong buwan. Subukan mo uli mag-advance dito sa opisina.” “Wala na. Hindi na sila pumayag. Kung aadvance pa raw ako, wala na ako sasahurin. Baka negative pa.” “Anong gagawin mo ngayon?” “Hindi ko na alam. Gusto kong magbenta ng kidney o katawan.” “Kidney, delikado mahilig ka pa naman sa maaalat. Sa katawan, hmmnnnn…” tinigan niya pataas pababa si Klein, “Tama, Katawan na lang. Subukan mo sa Quezon circle, marami kang magogoyong bakla. Sa gwapo mong ‘yan mabilis ang singko-mil gabi-gabi.” “Baliw. Gwapo ka diyan. Hindi nga ako nagustuhan saka tingin mo gagawin ko ‘yon?” “Bro eto ha, may pinsan akong moreno kagaya mo, gwapo, lalaking-lalaki. Hayon panay ang travel dahil lang sa mga sponsors niya. Nakatira na siya sa magarang condo na hindi siya ang nagbabayad. Sabi ko sa’yo, hindi talaga masasabing sumpa ang pagiging sunog. Kung mukha kang artista plus astig at gwapo ka, isa itong malaking blessings na kailangan ipagpasalamat.” “Baliw! Alam mong di ko kayang sikmurain ‘yan. Ngayon pa na matanda na ako para riyan?” “Well, wala naman mawawala sa’yo. Lalaki ka naman e. Nasasarapan ka na, kumikita ka pa.” “Tumigil ka na nga. Ikaw na lang bro kung kaya ng sikmura mo.” “Bakit? Ako ba ang nangangailangan? Hindi naman di ba? Ikaw ang walang-wala. Promose, pipilaan ka ng mga gustong magbayad na kagaya mong moreno. Aarte ka pa ba ba?” “Iba yung moreno bro sa sunog saka tignan mo naman ang katawan ko. Isang pitik lang ng langaw, tumba na ako. Hindi na kagaya dati ang katawan at karisma ko. Kaya nga basted ako kay Leigh kasi hindi na ako gwapo.” “Hayon, lumabas din. Basted ka nga. Dapat pag-praktisan mo muna mga bakla tapos magpabayad ka.” “Buwiset! Nag-aral pa ako at nagtapos kung yun lang din naman pala ang gagawin ko?” “Sabagay, pero di ba kailangan mo ng pera?” Bumuntong-hininga si Klein. Ngunit sa hirap ng pinapasan niya ngayon, hindi na niya alam kung tama bang makinig siya kay Dario. Maghapon siyang wala sa kanyang sarili. Pinag-isipan niya ang sinabi ni Dario. Lahat kasi nautangan na niya. Nagsasabi pa lang siya ng problema niya, tumatanggi o umiiwas na agad ang mga kaibigan at katrabaho niya. Ang hirap pala talaga ng walang-wala at wala ring matakbuhan pang iba. Matagal nang due ang kuryente nila. Baka isang araw, uuwi siyang wala na silang tubig at ilaw. Problema pa niya kung saan siya kukuha ng pampa-check up ng papa niya at maintenance na mga gamot ng mama niya. Nauna nang umalis si Dario sa kanya. Nag-oovertime na rin siya kahit hindi sana kailangan dahil gusto lang niyang madagdagan sana ang kanyang sasahurin. Ngunit alam niyang kahit 24 hours pa siya sa opisina nila, hindi na kakayaning tugunan pa ang mga pangangailangan. Maliit din lang kasi ang kanyang sinasahod. Pumasok muna siya sa CR ng office nila bago uuwi . Nagtanggal siya ng longsleeve. Inilagay niya iyon sa kanyang backpack. Tinanggal niya ang pagkaka-tuck-in ng kanyang may kahapitang puting t-shirt. Inilabas niya ang gunting na pinangpa-trim niya sa kanyang bigote at balbas. Tinignan niya ang kanyang sarili sa salamin nang na-trim na niya ang kanyang balbas at bigote. Naghilamos na muna siya at nagpunas. Hindi naman niya kailangan ng kahit anong ilalagay pa sa kanyang mukha dahil likas na siyang makinis iyon nga lang sunog siya. Kinagat-kagat niya ang kanyang labi para mamula itong muli. Hindi na siya kasing-fresh noong wala pa siyang pinagdadaanan pero dahil likas naman ang kanyang kaguwapuhan, kusang nalabas na lang din iyon kung ang hinahanap nila ay moreno. Huminga siya nang malalim. Ayaw niyang gawin ito pero kinakailangan na. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng parokyano. Pero naaalala niya, marami sa kanyang nagpapalipad hangin na hindi na lang niya pinapansin din. Marami-rami na din ang nagtatanong kung pwede ba siya ngunit lahat iyon nasa ignore at hidden chats. Hindi naman niya dapat gagawin ito ngunit wala na siyang pamimilian pa. Magugutom na ang kanyang pamilya. Sa buong buhay niya, hindi niya alam na papasukin niya ito, kung kailan nakatapos na siya at nagtatrabaho. Paano ba ‘to? Papasukin ba niya ang pagbebenta ng katawan dahil lang sa kahirapan? Bakit ngayon pa niya ginawa kung kailan na siya titulado?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD