DELIKADO

2146 Words

THE CALL GIRL BY: JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 30 Masama man ang kanyang loob, wala na siyang magagawa pa. Tinanggap na lang niya ang masakit na kapalaran niya sa Saudi Arabia. Agad siyang isinabak sa trabaho. Nagsimula siya sa panonood na muna sa ginagawa nina Amy at Elena. Matiyaga naman ang mga itong ituro kung paano ang tamang hagod ng hard at soft. Kahit wala siyang alam at interes sa pagmamasahe, kailangan niyang aralin at piliting magustuhan para hindi mabigat masyado sa kanya ang buhay niya sa Saudi. Kailangan niyang magpaturo kina Elena at Amy kung paano rin ang pag-i-spa. Hindi madali. Masakit sa kamay isama pa ang hindi kaaya-ayang kakaibang amoy ng kanyang minamasahe. Kainaman ay mga babae lang ang kanilang mga minamasahe at ini-spa. Ngunit ayon kay Elena at Amy ay may

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD