YOONA: NANIGAS AKONG napakapit sa braso nito. Hindi ko mapigilang madala sa sensasyong unti-unting binubuhay nito na ikinanghihina ng mga tuhod ko. "T-tito, please...stop" anas kong muntik pang madulas na pangalan nito ang mabanggit ko. Bumitaw itong ramdam ko ang malalalim na paghinga. Medyo lumuwag din ang pagkakayakap na sumubsob sa balikat ko. Panay ang lunok kong pilit kinakalma ang puso kong sobrang bilis ng t***k! Para akong pinatakbo ng milya-milya sa lakas ng kabog nito. "Let's go, baby girl. I'll tour you around" bulong nitong napahalik sa nakalantad kong balikat. Tumuwid ako ng tayo na pilit ngumiti nang akayin ako nito at inalalayang sumakay sa purong itim na kabayo. Napapayuko pa ang mga tao sa amin na tinatanguan nito. "B-baka mahulog ako" nag-aalalang saad ko nang su