YOONA: NAPAYAKAP AKO sa sarili na dahan-dahang tumayo. Hinubad ko rin ang mataas kong sandal dahil natitisod ako lalo na't hindi ko maaninag ang daan at rough road pa. Tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan. Natatakot na tahimik akong umiiyak pero kailangan kong magpakatatag. Ilang beses akong natitisod at nadadapa sa sobrang dilim ng nilalakaran ko. Maya pa'y may paparating na sasakyan na ikinakabog ng dibdib kong nanigas sa kinatatayuan! Gusto kong magtago dahil nangangamba ako na baka ikapahamak ko pero nananaig sa puso ko na sumugal at humingi ng tulong dito! Mariin akong napapikit na kagat ang ibabang labi. Para akong napako sa kinatatayuan sa gilid nitong kalsada. Pagkatapat sa akin ng kotse ay huminto ito. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatayo lang na hinihintay