YOONA: NANGINGINIG AKO habang hinihintay sina Mommy Sydney at Nanay Gwen na dalhin ng mga jail guard dito sa waiting area ng pihitan. Kinakabahan ako na hindi ko maiwasan. Matapos naming mag-almusal ni Jonathan ay naki-usap ako ditong dumalaw kami kina Mommy. Mis na mis ko na rin kasi ang mga ito. Ilang oras din ang nilakbay namin ni Jonathan pauwi dito sa Batangas dahil pinakulong pala talaga nila Mommy Cathleen ang mga ito. Naaawa at nakukunsensya naman ako. Naging mabuti naman kasi sila sa akin sa tanang buhay ko. Pinakain, inalagaan, binihisan at pinag-aral nila ako. Higit sa lahat? Binusog ng kanilang pagmamahal. Tinuring nila akong totoong anak nila. Kaya kahit gaano pa kalaki ang atraso nila ay hindi ko sila matitiis. Mahal na mahal ko sila at itinuturing ko pa ring mga magulang