YOONA: TAHIMIK AKONG nakasunod kay Jonathan habang palabas na kami ng presinto. Mabuti na lang at naawa din ito sa akin na inilabas ako sa kulungan. Hanggang ngayon ay nangangatog pa rin ang mga tuhod ko. Hindi ko lubos akalaing mararanasan kong maisilid ng bilangguan! Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa tulong nito dahil alam ko namang may kapalit ang pagtulong niya sa akin. At iyon ang ikinakabahala ko ngayon. "Hop in" malamig nitong turan. "Am I your, driver?" sarkastikong tanong nito na kunot ang noong malingunan akong akmang sasakay sa likurang bahagi ng kotse. "S-sorry" napapangiwing paumanhin ko. Kaagad na akong sumakay sa front seat nang sumakay na rin ito. Napakabit ako ng seatbelt nang kaagad nitong pinaharurot ang kotse pagkaupo ko. Napakapit ako sa seatbe