YOONA: KINABUKASAN AY maaga akong gumising para ipaghanda ang almusal namin. Mabuti na lang at hindi naman kinuha ni Jonathan ang cellphone ko kaya natawagan ko si Nanay sa Batangas na hindi na muna ako makakauwi ng ilang araw. Nasabi ko rin sa kanya na na kay Jonathan ako. Ang anak ni Tito Nathan at nag-alibi na kinakasundo ko ito para kina Mommy at Tito. Matapos kong gawin ang morning routine ko ay lumabas na ako ng silid. Sarado pa naman ang silid ni Jonathan at napakatahimik ng buong unit nito. Nagtungo ako sa kusina na nagsimulang ihanda ang mga lulutuin ko mula sa kaning lamig na gawin kong fried rice at frozen food. Madali lang naman lutuin ang mga inihanda ko kaya mabilis ko lang naihain sa mesa. Pasado alassais na ng umaga nang bumalik ako ng silid para makaligo. Wala pa.akong