Chapter 10

2003 Words

At dahil maagang natapos ang training ko ay bumalik na lang ako sa room namin. Tamang-tama naman pagpasok ko walang katao-tao dahil nasa training lahat. Saglit akong naupo sa papag at napasandal sa pader, pinahinga ko muna ang sarili ko dahil talagang pagod na pagod ako sa kakatakbo ng mabilis kanina dahil sa paghabol ng mga lintik na asong 'yun. Nakakaasar lang dahil may mga punit na pala ang dulo ng jogger ko at manggas ng t-shirt ko. Ang talas ng pangil ng mga hayop na 'yun, mabuti na lang ay hindi ako kinagat. Napag-alaman ko na para pala talaga sa training ang mga asong 'yun, hindi nangangagat, panakot lang daw sa mga baguhan na tulad ko. Nakakainis lang, hindi lang ako sa aso nainis kundi pati na rin kay Yael. Tama ba namang ipahabol niya ako sa aso? Nakakainis siya sa totoo lang.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD