PINAGPAHINGA lang ako saglit ni Yael sa room, at makalipas ang mahigit isang oras lang ay pinatawag na ako dahil uumpisahan na raw namin ang training. Akala ko kung anong klaseng training na ang gagawin namin, pero pinatakbo lang pala niya ako; pabalik-balik naman akong tumakbo sa dalampasigan. At talagang naligo ako sa sarili kong pawis dahil sa labis na pagod, pinatigil niya lang ako nang tuluyan nang lumubog ang araw. Nang sumapit ang dinner time ay kumain ulit kami sa restaurant, I mean, dining room pala, 'yun nga lang ay parang nagmistulang restaurant dahil sa laki at daming table sa loob. Tahimik naman ako habang kumakain ng dinner, at hindi naman ako napag-initan o mapagtripan na agawan ng pagkain, siguro ay dahil katabi ko si Yael. Tungkol naman sa babae na nambintang sa akin