NAPAPA-HEADBANG lang ako habang nakatayo sa isang sulok ng club at nakatingin lang sa mga taong sumasayaw. It's 02:35 AM, kaya kahit papaano ay nakakapagpahinga na ako sa kaka-serve ng mga alak sa customer dahil tapos na silang uminom lahat, katunayan ay mga lasing na. Ngayon ay hihintayin ko na lang mag 04:00 AM para makauwi na ako at makapagpahinga na sa bahay, medyo nakakaramdam na rin kasi ako ng antok.
“Pare!” pagtawag ko kay Homer nang mapadaan ito sa harap ko. Pero dahil malakas ang music sa loob ng club ay hindi ako nito narinig. Kaya napasimangot na lang ako at nilabas na lang ang pera sa loob ng bulsa ko na tip sa akin ng mga customer kanina. Nang bilangin ko lahat ay hindi ko mapigilan ang mapangiti nang umabot ng two thousand three hundred.
“Wow, siguradong makakabili na ako ng mga bagong uniporme at bag ng mga kapatid ko nito,” hindi ko mapigilang sambit nang nakangisi at muli nang binulsa ang pera matapos kong bilangin. Pero akmang aalis na ako sa aking kinatatayuan nang may huminto namang lalaki sa harap ko, walang iba kundi si Edgar na isa ring waiter sa club na 'to.
“Hoy ikaw, ihatid mo 'to sa VIP room 208. Hindi 'yung nakatunganga ka lang diyan na parang tanga!” masungit nitong utos sa akin at binigay ang hawak na tray.
Ang sarap lang bugbugin ng lalaking 'to, hindi ko matukoy kung bakit napakainit lagi ng ulo nito sa akin.
Hindi na lang ako nagreklamo at kinuha na lang ang tray sa kamay nito bago ito tinalikuran.
Pero teka, VIP room ba kamo? So ibig sabihin ay may tip na naman ako nito. Pero nakapagtataka lang, bakit kaya binigay sa akin ng Edgar na 'yon?
Ipinagkibit balikat ko na lang. Baka pagod na ang Edgar na 'yon kaya basta na lang ibinigay sa akin kahit alam niyang VIP.
“Swerte talaga, madadagdagan na naman ang pera ko nito,” pangiti-ngiti kong bulong at marahan na binuksan ang pinto ng VIP room.
Pero pagpasok ko ay agad akong natigilan nang makita ang mga tao sa loob. Puro foreigner na lalaki at matatanda na, at may mga partner na callboy na gumagawa ng malalaswang gawain. Sinusubo lang naman ang kanilang mga ari. Napamura na lang ako sa aking isipan dahil sa pagkagulat. Mga lalaki ang gusto nila kahit lalaki sila. Parang gusto kong umatras at tumakbo na lang palabas. Now I know, kaya naman pala binigay sa akin ng Edgar na 'yon kahit alam niyang VIP.
“Why are you just standing there, young man?” puna sa akin ng isang matanda nang mapansin ako nito.
No, wala akong dapat ikatakot dahil hindi naman ako callboy kundi waiter lang.
Kaya naman kahit kinakabahan ay wala na akong nagawa kundi lumapit sa mahabang table at agad na inilapag ang dala kong alak. Pero nang akmang aalis na ako ay siya namang pagpigil sa braso ko.
“You look fresh and handsome,” rinig kong wika ng boses ng matandang humawak sa akin. Bigla akong dinambol ng matinding ka ba at napalunok. Pero muntik na akong mapatili dahil sa malakas na paghila nito sa braso ko na awtomatiko kong kinaluhod sa harapan nito. “I want you to suck me.”
Nanlaki ang mga mata ko na napaangat ng tingin dito. “B-But sir, I'm just a waiter here.”
“Just shut up and suck me!” iritado nitong sagot sa akin.
“Wendel, sige na isubo mo na. Mahal magbayad 'yang si Mr. Smith kaya suwerte mo at natipuhan ka niya,” rinig kong sabi ni Jim na isang callboy at kasalukuyang sumusubo ngayon ng isa sa mga matandang foreigner dito sa loob ng VIP room na ito.
“P-Pero hindi talaga ako puwede, alam mong waiter lang naman ako,” halos manginig kong sagot na muntik pang magboses babae, buti na lang ay na-adjust ko agad kahit kinakabahan.
“Ano ka ba, puwede ka naman umextra. I'm sure papayag naman 'yon si boss, at baka matanggal ka pa sa trabaho kapag tinanggihan mo ang VIP customer natin.”
Muli akong napalunok at nakatingala lang ng tingin sa matanda na ngayon ay malaki ang ngisi at kasalukuyan nang binabaklas ang belt ng suot nitong slack. At nang matapos baklasin ang belt ay sinunod na ang zipper, ibinaba na nito at mas lalong lumaki ang ngisi.
“I want you to suck my d**k and eat my balls until my c*m coats your throat.”
Kinilabutan ako sa narinig lalo na nang humalakhak ang matanda at binaba na nang tuluyan ang zipper nito sabay dukot ng kamay sa loob ng kanyang slack. Pero nang akmang ilalabas na ang kanyang kargada ay siya namang paglingon ko dahil sa pagbukas ng pinto.
“Oh, Mr. Scott, you're here!” wika ng matanda nang makita kung sino ang pumasok. Hindi na nito naituloy ang paglabas ng ari dahil sa pagpasok ng seryosong lalaki, na walang iba kundi 'yung lalaking may ari ng pato.
Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Pero nang akmang tatayo na ako ay siya namang paghila ng matanda sa braso ko.
“Stay. We're not done yet.”
Napilitan akong maupo sa tabi ng matanda, pero kahit papaano ay nabawasan naman ang kaba ko nang may maisip na plano.
Pumasok ang lalaking may ari ng pato at naupo sa bakanteng na nasa dulo ng table. Pinahinto naman ng ibang matatanda ang pagpapasubo ng kanilang mga ari sa kasamang callboy.
“I'm here for your head,” seryosong wika ng lalaking may ari ng pato nang makaupo.
“My head?” Napahalakhak naman ang matanda sa tabi ko. “Okay. Tell me what you want. A million dollars?”
“I don't want your money, I want your head.”
Biglang sumeryoso ang matanda at napalunok na tila natakot bigla. “Then how about the package? I'll give it to you if you let me live.”
“Deal. Give me the package now.”
Sa narinig ay napangisi na ang matanda at agad na tumayo matapos dukutin ang phone sa suot nitong coat. “Give me a sec, I'll just call my men to bring here the package.” Lumayo ang matanda at may tinawagan sa phone.
Napapasil naman ako sa sarili aking nanginig na kamay. Pagkakataon ko na 'to para makatakas!
Nang mapatingin ako sa lalaki ay agad na nagtama ang mata namin, at tila nagliyab agad ang tingin nito sa akin nang makilala ako, pero nang tila may ma-realize ay agad nitong iniwas ang tingin sa akin at ibinaling sa ibang direksyon, doon sa matandang may kausap sa phone. Medyo nagsalubong naman ang mga kilay ko. Imposibleng hindi niya ako nakilala, eh parang kani-kanina lang ay hinahabol niya pa ako dahil lang sa pato niya. Or maybe he just pretending na hindi niya ako kilala dahil may kaharap siyang importanteng tao.
Pero hindi maaari, kailangan ko siyang gamitin para matakasan ang matandang 'yun. Baka pagbalik nu'n dito ay ipasubo na talaga sa akin ang kanyang nakakadiring ari.
“Yung singsing ibabalik ko sa 'yo ngayon kapag isinama mo ako palabas nitong VIP room.”
Sa sinabi ko ay muli itong napatingin sa akin ng masama, pero hindi na ako nasagot dahil bumalik na ang matanda.
“My men will come here in five minutes,” wika ng matanda at muling naupo.
Napangisi naman ang lalaking may ari ng pato. “Do you think I'm stupid, Mr. Smith?” Mabilis itong bumunot ng baril at tinutok sa matanda.
Nanlaki naman ang mga mata ko. May baril siya!
“Oh no, calm down, Mr. Scott. I'm not lying,” marahan na pagtawa ng matanda na agad itinaas ang kamay. “They will just bring here the package, you don't have to worry.”
Pero hindi pa rin binaba ng lalaki ang baril. “I'll give you three seconds. One, two—”
“Okay, here's the package!” Mabilis na inilabas ng matanda sa kanyang suit ang isang maliit na black pouch.
Ibinaba naman ng lalaki ang baril at inagaw ang pouch sa matanda, nang makita nito ang laman ng pouch ay tumayo na. “Enjoy your night, Mr. Smith. Until we meet again.”
Nataranta naman ako at hindi na alam kung tatayo ba para sumama sa lalaki o mananatili sa loob ng VIP room. Kung sasama ako sa lalaki ay matatakasan ko ang matandang ito, pero hindi ko naman alam kung ano ang kahihitnan ko dahil may baril pala ang lalaking may ari ng pato, at wala naman talaga sa akin ang singsing na hinahanap niya dahil naibenta ko na. At kung mananatili naman ako rito sa loob ng VIP room ay mabababoy naman ako ng matandang 'to.
“This is bullshit!” inis na sambit ng matanda at nabigla na lang ako nang malakas na hinila ang batok ko papunta sa kanyang hita. “Suck me now, so I can calm down. Hurry up!” he shouted at me. Mabilis nitong ibinaba ang zipper ng suot na slacks.
Pero saktong lumabas na ang nakatayo nitong alaga ay siya namang paghawak sa braso ko at mabilis akong hinaklit na kinatayo ko bigla at kinalayo sa matanda.
“I also want him,” wika ng lalaking may ari ng pato sa matanda at hinila na ako palabas ng VIP room.
“Hey, he's mine!” pahabol na sigaw pa ng matanda na may halong inis. Pero hindi pa pinansin pa ng lalaki at hinila na lang ako.
Pagkalabas namin ng club ay saka patapon na binitiwan ng lalaki ang braso ko at inis akong hinarap.
“Give me the ring.” Inilahad nito sa akin ang isang kamay.
Napakamot naman ako sa likod ng ulo ko. “Ah kasi ang t-totoo niyan, Pare, naibenta ko na sa shop 'yung singsing sa halagang two hundred. Pagpasensyahan mo na, kapos kasi ako, eh,” labas sa ilong kong sagot nang nakangiwi at itinaas ang aking kamay tanda ng pagsuko. Baka kasi barilin na lang niya ako bigla lalo't hawak pa rin niya sa kanyang isang kamay ang baril. “Pero huwag kang mag-alala, pare. Sasamahan na lang kita roon sa shop para mabawi mo ang singsing.”
Napaigik na lang ako nang haklitin na ako nito sa kuwelyo ng suot kong uniform at kinaladkad ako patawid sa kabilang kalsada, hanggang sa huminto kami sa harap ng itim na kotse. At pagkabukas niya ng pinto sa front seat ay malakas na akong itinulak papasok at sinara ang pinto.
Napasimangot na lang ako pero umayos na lang ng upo sa loob.
“Saang shop mo binenta?” seryoso nitong tanong sa akin nang makaupo na sa driver seat.
“Doon sa may kanto ng tinitirahan ko, sa may Ame's Shop.”
Mabilis na nitong pinatakbo ang sasakyan at hindi na nagtanong pa, pero 'yung baril ay hawak pa rin sa kamay kahit nagmamaneho.
Hindi ko naman mapigilan ang kabahan. Paano kung wala na roon sa shop ang singsing? Siguradong patay ako sa lalaking 'to. Pero bakit kaya 'to may baril? Isa ba siyang pulis o kaya sundalo? O baka naman criminal? Nakakatakot naman kung criminal nga, siguradong mapapahamak ako nito.
“Ayan, diyan nga sa shop na 'yan!” pagturo ko sa labas nang huminto na ang sasakyan namin sa tabi ng tahimik na kalsada. Pero nagulat na lang ako nang pagkababa nito ng bintana ay bigla na lang binaril ang dalawang ilaw malapit sa shop, kaya biglang dumilim sa paligid.
Nang bumaba na ito ay bumaba na rin ako at sumunod sa kanya. Pero pagdating sa harap ng shop ay nagulat na lang ako ng malakas niyang pinalo ang padlock ng pinto gamit ang malaking bato na nadampot niya lang sa kalsada.
“Ano ka ba, bakit mo sinira? Baka mahuli tayo at mapagalitan, o baka makulong pa!”
Pero imbes na pansinin ang sinabi ko ay bigla na lang nitong hinaklit ang braso ko papasok sa maliit na shop.
“Bilisan mo maghanap!” maawtoridad nitong utos sa akin.
“Pare naman, paano ako maghahanap eh kita mong madilim,” reklamo ko na napakamot pa sa ulo.
“Bullshit. Sige, iilawan kita kaya bilisan mo!” Agad nitong binuhay ang flashlight ng kanyang phone.
“Bakit kasi hindi na lang natin buhayin ang ilaw para maliwanag at makapaghanap ka rin—”
“Hindi puwede, baka may cctv dito. Mas mabuti na ang madilim.”
Wow, mukhang sanay na sanay, ah. Hindi kaya manggagantso ang lalaking 'to kaya may baril? O kaya kidnaper?
“Sige, mas mabuti nga na patay ang ilaw para safe,” sang-ayon ko na lang at wala nang nagawa kundi sumunod. Mabilis ko nang hinalughog ang bawat drawer habang iniilawan naman niya ako mula sa likuran.
Maliit lang ang shop kaya madali lang halughugin. Pero makalipas ang ilang minuto ay nahalughog ko na lahat ng mga drawer at bawat lalagyan, hindi ko pa rin makita 'yung singsing.
“T-Tingin ko ay n-nabenta na nila 'yung singsing mo. Hehe.” Sinabayan ko ng pilit na tawa na may halong kaba.
Napatango-tango naman ito at tumawa rin, ng peke, halatang pilit lang. “Tama ka, mukhang naibenta na nga nila dahil wala na rito.” Inakbayan na ako nito palabas ng shop.
Medyo napangiti naman ako kahit nagtataka. Hindi ba siya galit dahil hindi nahanap ang singsing niya?
“Huwag kang mag-alala, kahit nawala na 'yung singsing mo ay babayaran na lang kita.”
“What is your name again?” tanong nito imbes na pansinin ang sinabi ko. At matapos isara ang pinto ng shop ay muli akong inakbayan.
“Wendel… ang pangalan ko.”
“Ah, Wendel. So how old are you?”
“Twenty one, bakit?”
“Okay…” Muli itong tumango-tango at dinala na ako tumawid papunta sa kabilang kalsada kung saan naroon ang sasakyan. “So, matagal ka na rin palang nabubuhay sa mundo. Pero matanong ko lang, sa bente uno na taong pananatili mo rito sa mundo, nasubukan mo na bang maihagis kahit minsan.”
“M-Maihagis? Anong ibig mong sabihin, pare?” Medyo kumunot ang noo ko.
Napahinto naman ito sa paghakbang, kaya napahinto rin ako at napatingin sa kanya nang harapin ako.
“Hindi mo alam?”
“Alam ko ang salitang ihagis, tagalog 'yun eh, syempre alam ko. Pero anong ibig mong sabihin do'n?” Hindi ko mapigilan ang magtaka.
Hinawakan naman nito ang isa kong pulsuhan. “What I mean is… just like this!” Nabigla na lang ako nang malakas nitong hinala ang braso ko at mabilis akong inikot-ikot.
Sa kanyang mabilis na pag-ikot sa akin ay parang umikot din ang mundo ko. Basta naramdaman ko na lang ang paghagis ng katawan ko papunta sa tabing kalsada at ang pagbagsak ko sa mga nakaipon na basura. Sumubsob ang mukha ko sa itim na naglalakihang plastic bags na naglalaman ng mabahong basura.
Pakiramdam ko ay nagkaroon ng star-star sa paningin ko dahil sa pagkahilo.
“A-Aray ang sakit naman…” ungol ko at nakasimangot na bumangon. Buti na lang hindi matigas ang binagsakan ko kundi ay baka nagkandabali-bali na ang mga buto sa katawan ko.
“Yan ang ibig kong sabihin sa hagis. So ano, nagustuhan mo ba?”
Parang naglingas ang loob ng tainga ko sa narinig kaya mabilis akong napalingon sa kanya. “Hoy ikaw! Napakawalanghiya mo! Maghintay ka riyan at uupakan kitang gago ka!” gigil kong sigaw. Pagkatayo ko at agad akong tumakbo palapit sa kanya.
Pero agad din akong napahinto pagkalapit sa harap niya nang salubungin niya ako ng dulo ng kanyang baril.
“Apat pa ang natitirang bala nitong baril ko, kapag hindi mo pa sinabi sa akin kung nasaan ba talaga ang singsing, mapipilitan akong iputok 'to sa 'yo; dalawa sa kamay, at dalawa naman sa paa. Kaya habang nakakapagtimpi pa ako, pwes sabihin mo na sa akin kung nasaan talaga ang singsing!”
Napalunok na lang ako at mabilis na itinaas ang dalawa kong mga kamay. Parang biglang umurong ang init ng ulo ko. Pinilit ko na lang tumawa sa kanya para hindi magalit lalo.
“A-Ano ka ba naman, pare, hinanap na nga natin kanina 'di ba? Pero wala tayong makita. Hayaan mo bukas itatanong ko na lang sa may ari—” Hindi ko na natuloy ang pagsasalita ko nang bigla na lang akong napasigaw sa gulat dahil sunod-sunod na putok ng baril papunta sa amin mula sa paparating na sasakyan. Buti na lang ay mabilis akong nahila ng lalaki sa likod ng malaking poste kundi ay baka tinamaan na ako.
“s**t!” rinig kong sambit nito at gumanti rin ng putok bago hinila ang braso ko. “Sakay na dali!”
Sa pagkataranta ko ay wala na akong inaksaya pang oras at muli nang sumakay sa kanyang sasakyan, pero hindi pa ako nakakaupo nang maayos nang mabilis na niya itong pinaharurot ng takbo.
Pero talagang humabol pa rin sa amin ang sasakyan at pinaputukan pa rin kami.
“Teka, sino ba ang mga 'yan? Bakit nila tayo binabaril?!” taranta kong tanong na napapasigaw na lang tuwing may putok ng baril.
“Mga kalaban sila,” maiksing sagot niya sa akin at mas lalong binilisan ang pagmamaneho. Sa sobrang bilis ay nanlalaki na lang ang mga mata ko tuwing nauunahan namin ang mga sasakyan. At napapahigpit na lang ang kapit ko sa seatbelt.
“T-Teka, kung mga kalaban mo sila, pwes huwag mo akong idamay! Ayoko pang mamatay! Kaya mas mabuting ihatid mo na ako sa amin ngayon din!”
“Shut up! Manahimik ka kung ayaw mong ipain kita sa kanila! Nasisiguro kong hindi ka nila bubuhayin!” he shouted at me.
Natahimik na lang ako at natakot naman sa kanyang sinabi. Mukhang hindi siya nagbibiro.
Pero agad akong napasigaw nang may malakas na bumangga sa likuran ng sasakyan namin. At nang lingunin ko ay nanlaki bigla ang mga nang makita na 'yung itim na van na humahabol sa amin ang bumangga, naabutan na pala kami. Hanggang sa muli akong napasigaw nang magpaputok uli ito papunta sa amin, pero agad akong natigilan natigilan sa pagsigaw ko at namangha bigla nang makitang hindi tumagos ang bala sa sasakyan. Saka ko lang na-realize na bulletproof pala.
“Wow, pare, ang astig nitong sasakyan mo ah!” nasambit ko na lang sa pagkamangha.
And he just grinned while driving fast.