START

602 Words
SALUBONG ang mga kilay ni Yael habang nakatitig sa screen ng kanyang tumutunog na phone kung saan nakikita niya na director ng ahensya ang tumatawag. Ayaw niya sanang sagutin ito dahil alam niyang babawiin na naman nito ang binigay nito sa kanya na one week vacation, pero nang muli itong tumawag ay napilitan na siyang sagutin. “Yes, sir?” “Agent 0092, Yael Scott, you have an important mission.” Napapikit na lang siya sa narinig at napamura sa kanyang isip. Damn it. Hindi nga siya nagkamali ng hinala. “But, sir— “This will be your last mission. And after this, I will make your vacation one month instead of one week.” Tila bigla naman siyang nabuhayan. “Sure, sir, just send it to my email.” Pagkatapos ng tawag ay may email nga dumating sa kanya galing sa kanyang boss. Pero napamura na lang siya nang mabasa ang buong details ng kanyang magiging mission, akala niya ay sa Pilipinas lang, pero hindi niya inaasahan na sa Hungry na naman. Nakalagay sa email na kailangan niya munang kunin sa isang farm ang isang secret key na isang singsing kung saan naka-indicate doon ang password na kakailanganin niya sa misyon pagdating niya sa Hungary. Kaya naman matapos niyang basahin ang email ay agad niyang pinuntahan ang nasabing farm. Pero pagdating niya ay hindi niya inaasahan na isang malaking pato ang ibibigay sa kanya ng kanyang co-agent. “Nasa loob ng lalamunan ng pato na 'to ang singsing. Pasensya ka na, hindi ko namalayan na kinuha ng pamangkin ko ang singsing at pinaglaruan kanina, huli na nang makita ko, bago ko pa madampot ay naunahan na ako ng pato na ito sa paglunok. Alam mo namang hindi ko pa kayang tumayo mula sa wheelchair na 'to, nakakainis na nga eh. Kaya ikaw na ang bahalang magkuha sa lalamunan ng pato, basta hanapin mo na lang kung sa lalamunan pa ba o nasa tiyan na. Ibibigay ko na lang 'to ng libre sa 'yo.” Napamura na lang siya sa isip, kahit gusto niya itong sermunan ay nagpigil na lang siya at wala nang nagawa kundi tanggapin na lang ang inahing pato na tinuka pa talaga ang kamay niya pagkahawak niya rito. Hindi na siya nagreklamo pa sa co-agent niya dahil naka-wheelchair lang ito gawa ng pumalpak na mission last week, nabaril kasi ito sa paa, at hindi pa kayang tumayo. Lumabas na lang siya ng farm dala ang pato. At pagkasakay sa loob ng kanyang sasakyan ay agad niyang tinawagan ang isa sa mga matalik niyang kaibigan. “Ax bro, pupuntahan kita riyan ngayon sa inuupahan mong kubo. Itatali ko muna riyan sa bahay mo pansamantala itong pato ko.” “What? What do you mean? Anong pato ba 'yang sinasabi mo?” iritadong sagot ng kanyang kaibigan mula sa kabilang linya. “It's a duck, bro. Wala kasi akong matalian pansamantala dahil baka magdumi sa apartment ko, kaya diyan ko muna itatali sa labas ng inuupahan mo. Kukunin ko na lang bukas kapag kailangan ko na.” “Tsk. Okay, pumunta ka na lang doon at itali mo. I'm here at the office, mamaya pa ang uwi ko, but I'm not sure kung doon ba ako uuwi ngayon, depende kung tatawag ang girlfriend ko. Kaya huwag kang umasa na mababantayan ko 'yang pato mo, marami pa namang manggagantso sa lugar na 'yun.” “Tsk. Kaya nga itatali para hindi manakaw. At isa pa, malalagot sa akin kung sakaling may magnakaw man, dahil nasisiguro kong tuturuan ko siya ng leksyon. Oh siya, sige na, pupunta na lang ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD