Nagmamadali akong tumayo para kahit papaano ay makalayo sa mga kapatid kong nag-uusap. Abot-abot ang kabog ng dibdib ko.
“Babe, are you there?”
Napapikit ako nang mariin nang marinig muli ang boses niya. Ilang araw. Dalawa na lang at mag-iisang lingo na siyang walang paramdam. Gusto kong maiyak at hindi ko alam ang dahilan noon. Sa sobrang pagkasabik ba sa paramdam niya, sa inis sa hindi niya pagpaparamdam o sa pagkakaalam na buhay siya at hindi katulad ng mga naisip ko sa bawat gabing wala akong naririnig na kahit ano sa kaniya.
“Babe, I know you’re mad but–“ I cut him off.
“H-hans?” nanginginig ang boses ko. Namumuo na rin ang mumunting luha sa mata.
“Is this really you?” I heard him sigh.
“I’m so sorry. Baby. Something happened and Dad needs me. I promise you tomorrow I’ll see you…”
Someone on the other line hissed.
“Hans? Who’s there?”
Kahit na narinig ko na ang boses niya, hindi pa rin ako tuluyang nakakampante. Nag-aalala pa rin ako kung bakit siya nawala nang ganoon katagal.
“Babe, I am fine. That’s my assistant. He’s asking me about something related to business,” aniya.
Marami akong katanungan pero walang mamutawi sa bibig ko.
“Ate, hindi ka na po kakain?”
Nilingon ko si Abus at sinenyasan na sandali lang.
“You’re with someone?” Dinig ko ang pagbabago ng tono ng boses ni Hans.
Napangiti ako. Hans is a very jealous man. He admitted it at siya mismo ang nakiusap sa akin na hanggat maari ay iwasan ko ang kahit na sinong lalaki.
“I am with Abus and Abra. Kumakain kami…”
Mukhang nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ko. Bumuntong hininga ako.
“You sure you are fine, Hans? I mean…” tumikhim ako. “Wala bang problema sa business or any personal?” pagpapatuloy ko.
I heard him chuckled.
“No. Walang problema. Mayroon lang ipinaasikaso sa akin si Dad. Alam mo naman, matanda na…”
Both of us fell silent after that. All I can hear is his breathing.
“Ash, I am really sorry for my absence and for not imforming you. Am I forgiven?”
I don’t know why but I giggled at that. I can see him pouting now and with his paawa effect.
“Yes po. Forgiven na…”
We talked about how our week. What did we miss. Natapos na ang mga kapatid ko sa pagkain at ngayon naman ay naglalaro ng iilang laruan na nairegalo ko sa kanila. While me, I am still talking to Hans. Minuto din ang itinagal namin sa pag-uusap at sa huli, his assistant called for his presence. Sa tingin ko ay nasa opisina siya.
“I’m going to call you later. My assistant wants me to check everything,” aniya.
“Ayos na ako. At least alam ko na kung ayos ba ang kalagayan mo.”
“Don’t worry. That won’t happen again.”
I laughed at that and snored after.
“Babe?” Umupo ako sa papag.
“Hmm?”
“Whatever happens, don’t talk to any man, okay?”
Humagikgik ako habang naiisip ang itsura niya ngayon. He’s really a jealous guy. Kung hindi ko siya mahal, baka nasakal na ako.
“Opo. Huwag kang mag-aalala at hindi ako nakikipag-usap sa kahit na sinong lalaki. Of course maliban na lang kung mga driver ng tricycle. Baka kapag hindi ako nagsalita at kinausap sila, baka saan ako umabot,” pagbibiro ko.
I heard him chuckled.
“Hala, sige na at baka naiinip na ang assistant mo.”
We both said goodbye bago ako nakangiting humiga.
“Ate, sino po iyon?” Nilingon ko ang kapatid kong si Abra.
“Boyfriend ni ate,” sambit ko. Humarap sa akin si Abus.
“Love ni ate?” Tumango ako at pinisil ang pisngi niya.
“Opo! Love ni ate…”
Kapwa kami humagikgik tatlo.
Alas sinco ng hapon, nakakarinig na ako ng malakas na ingay sa labas. Alam ko na kaagad kung ano ‘yon. It’s Tisoy trying to hurt Mama again. Kanina pa ako nagpipigil na lumabas dahil pilit kong isinasaksak sa isip ko na kung tutulungan ko na naman si Mama, hindi siya madadala. Na kagustuhan niya lahat ng dinadanas niya. Kung matigas lang ang puso ko. Kung matigas lang.
“Makinig kayo. Kapag labas ko, i-lock agad ang pinto, ha?”
Parang robot sila na sabay na tumango. Isang ngiti ang ipinakita ko para ipakita sa kanilang ayos lang ang lahat. Nag-dial ako ng number ng tanod at humingi ng tulong sa kanila. Pakiramdam ko, sa oras na makita nila ang number ko na nagfa-flash sa screen ng cellphone nila, alam na nila ang dahilan ng pagtawag ko.
Nilingon ko sandali ang dalawa kong kapatid bago ako nagpasyang lumabas na. I heard the sound of door locking when I step outside of my room.
Sinalubong agad ako ng mga kasamahan ni Tisoy na inaawat siya at iniaaalis ang kamay niyang nakasabunot sa buhok ni Mama. Mama did not nothing but to say sorry and asked for him to let go of her.
Pinagmasdan kong mabuti ang luhaang mukha ng aking ina. Puro pighati ang naroon at siyempre, bumabalatay ang sakit gawa ng mahigpit na kapit ng isang kamay sa kaniyang buhok.
“Pre, tama na iyan. Babae iyan…” ani isang kasamahan ni Tisoy na sa tingin ko ay bata pa kumpara sa kanila.
Nasa pintuan silang lahat, bukanang-bukana.
Naglakad ako palapit at dahil nakaharap si Mama sa banda ko, natanawan niya agad ako. Sa namumulang mukha at nagluluhang mata, sinenyasan niya ako na huwag na. Lasing na lasing si Tisoy at kapag ganito, hindi kami pinalalabas ni Mama dahil sa ganitong estado mahirap siyang pigilan. Langong-lango na sa alak. Kung kaya naman siya ang nagdurusa. Nangyayari ang ganito kapag halo-halo ang alak na ininom niya.
“Punyeta ‘tong babae na ‘to, e. Nagrereklamo na. Kesyo walang pera at pagod na sa kakabigay sa akin!” Galit na galit ang boses niyang ‘yon.
Bumaling siya sa mga kasamahang aalalay-alalay ang katawan niya.
“Bakit?!” Iwinasiwas niya ang brasong may hawak kay Mama kaya lalo pa itong dumaing sa sakit.
“Para saan ba at nabubuhay siya, hindi ba? Para paglingkuran ako!”
Nakita ko na ang halos pagbagsak ng katawan ni Mama kaya dali-dali ko siyang dinaluhan. Natanawan din ako ng ibang kasamahan ni Tisoy at bago pa ako makalapit, humihingi na sila ng pasensya. Hindi sila lasing katulad ni Tisoy kaya batid kong nagagawa pa nilang pigilan ito.
Ako ang pwersahang nag-alis sa kamay ni Tisoy sa buhok ni Mama. Hindi na niya magawang magsalita dahil puro iyak na lamang ito. Binalingan ako ni Tisoy at umasik kaagad.
“N-narito pala ang akala mo ay butihing anak!” Malakas na sambit niya, lalong umani ng atensyon sa mga kapitbahay kong manonood.
Inangkla ko ang braso ni Mama sa akin bago ko siya inihatid sa upuan sa loob. Kumuha ako ng tubig at nang papunta na ako kay Mama ay isang kamay ang humalot sa aking braso. Hindi ko lang iniintindi pero alam kong lalong nagalit si Tisoy at nagwawawala sa labas. Pinipigilan man pero nakaalpas pa rin.
“Sinong nagbigay sa iyo ng karapatan na suwayin ako, huh?!” nangagagalaiti niyang sigaw.
Bumabaon ang matutulis niyang kuko sa akin at nang nagpupumilit akong makawala, ang isang kamay naman niya ang humaklit sa buhok ko.
Pumasag ako at nakitang si Mama ay nagbabalak na lumapit pero sapilitan kong umiling para pigilan siya.
Ginamit ko ang buong lakas ko para masaktan siya at lalo ko pang magalit. Nang hinaklit niya ako nang tuluyan palabas ng bahay at itinapon pabagsak sa lupa ay hindi na ako nagdalawang isip na gawin ang nasa isip ko. Tumayo ako agad at sumugod palapit sa kaniya at naging tama ang hinala ko dahil bago pa ako makalapit inambaan niya na agad ako ng sampal na siyang yumanig sa akin.
Hindi ko na naunawaan pa ang ibang detalye ng pangyayari. Ang alam ko na lang lumapit sa akin si Mama na umiiyak at inalo agad ako sa pamamagitan ng yakap. Hindi ko ginustong umiyak at magpakita ng kahinaan sa kahit na sino roon pero nang maramdaman ko ang pagyugyog ng katawan ni Mama habang yakap ako, doon na rin bumuhas ang luha ko.
Nag-iyakan lang kami doon at bawat isa ay humihingi ng kapatawaran. She must be really sorry for us because of her choices and I feel sorry because I know that she is the one who suffered the most. Hindi man perpektong ina pero alam kong mahal niya kami. I didn’t know that she is trying her best not to give money to Tisoy. Na binalak na niyang talikuran ito.
“Miss Ramires, you have bruises in your arms and face. Your sculp also has bruises, You have a lot ot witness and you can sue Mr. Roberto Catigday. Let us know your decision.”
Iniwan na ako roon ng babae at ng ilang kapulisang dumalo sa amin kanina. Lumapit sa akin si Mama at hinaplos ang pisngi kong batid kong maga pa rin dahil sa pagkakasampal. Namumugto kapwa ang mga mata namin. Mama smiled at me. Ngiting puno ng pag-asa.
“Kahit anong desisyon mo, anak…” mahinang sambit niya na siyang nagpatibay ng loob ko.