Kabanata 19

1594 Words
Pabiling-biling ako sa higaan. Hindi mapakali. Bukod sa ilang araw ng hindi kami nag-uusap ni Mama, hindi rin ako nakakatanggap ng kahit anong tawag kay Hans. Sa umaga, nawawaglit sa isip ko ang mga iyon dahil abala ako sa trabaho pero ngayong nakahiga na ako at nag-iisa sa tahimik na gabi, binabagabag na naman ng isip ko. Ilang sandali pa akong tulala sa kawalan bago ako bumangon muli at inabot ang cellphone. Nagmamadali akong i-type ang password noon. I immediately dialed Hans’s number at nagbakasaling may sumagot na roon. Gayunpaman, umabot na ako sa pang-apat na tawag, wala pa rin. Pagod kong ibinagsak muli ang katawan sa higaan. Sa totoo lang ay gusto ko nang magalit pero mas nangingibabaw ang kaba sa akin. Sa dami ng iniisip, hindi ko na namalayan na hinila ako ng antok. Nagising na lang ako sa walang sawang pagtunog ng cellphone ko tanda ng alarm. Nagmamadali akong kumilos at inayos ang sarili. I still have a job today. Hindi naman ako nawawalan dahil hindi maari. Kailangan kong kumayod para sa pamilya ko dahil wala naman akong maasahang iba. I have siblings to take care of kasi kung si mama lang, alam kong kaya niya ang sarili niya. Nagagawa niyang magtrabaho para may panluho siya sa lalaking walang ibang ginawa kundi ang huthutan siya. Sinilip ko sandali ang sarili sa salamin bago ako lumabas ng pinto. Madilim pa ang kabuoan ng bahay dahil wala pa namang gising maliban sa akin. Gamit-gamit ko ang flashlight ng cellphone ko hanggang sa makalabas ng iskinita. May kadiliman sa lugar namin dahil masyadong dikit-dikit ang bahay dito at hindi na tumatagos ang ilaw mula sa bukana. Limang minute pa ang nilakad ko bago makarating sa sakayan ng tricycle. I arrived at six o’clock. Naroon na ang iba ko pang kasamahan. Ngayon, we’re doing a sampling. Magpapakilala kami ng bagong produkto ng frozen goods. Raket ko lamang ‘to. Kalahating araw lang pero isang libo rin ang kita. “Good morning! Alam kong lahat tayo ay antok at pagod pa pero hindi dapat ‘yong antok ang isaksak sa isip natin kundi iyong perang kikitain. Naiintindihan ba?” Magkakapanabay kaming sumagot na may sigla sa boses. A woman on her twenties smiled at me. Sinuklian ko rin ‘yon ng isang ngiti. “Bago ka lang sa ganito?” marahan kong tanong habang iniaayos ang tarpaulin sa L300 na sasakyan. Tumango siya sa akin. “Kailangan ko lang po ng pangbili ng project sa school kaya…” Tumango ako. “Ganiyan din naman ako. Lahat tayo dito. Kahit may trabaho o nag-aaral, raraket pa rin kasi easy money na ‘to, e.” Kapwa kami nailing at miski ang driver na nakikinig ay natawa sa sinambit ko. “Wala, e. Mahirap tayo.” At seven sharp, nagsimula na kami. Sa una, hindi gaanong matao pero siguro iyong mga naunang nakabili sa amin, nagtawag na rin. Mayroon kaming percent off at ‘di hamak na mas mura kaysa sa regular na presyo noon kaya naman bandang alas diyes ay dumagsa na ang tao. Isa akong cashier kaya naman wala na akong masyadong naiintindihan sa pangyayari. Tutok ako sa pera dahil sa oras na magkamali ako, kaltas iyon sa sahod ko. “Ate Ash, kain na po muna kayo. Ako na po ang bahala.” Nilingon ko si Erin, ang isa sa kasamahan ko. Siya ang estudyanteng kausap ko rin kanina. “Ako na po. Nakakain na ho ako,” aniya pa bago ako ginawaran ng isang ngiti. Umiling naman ako. “Hindi na, be. Kaya ko pa naman. Isa pa, isang oras na lang ay cut-off na. Busog pa naman ako.” Ngumiwi siya at nagkamot ng ulo. “Eh, baka ho mag-extend tayo?” Natawa ako. Bago nga lang pala siya sa ganito. “Hindi. Kapag sinabi na ganito ang oras ng cut-off, ganito ang oras ng cut-off. Hindi mag-e-extend kasi naipangako na at may lakad pa rin ang iba rito,” paliwanag ko. Umawang ang labi niya at saka tumango-tango. “Ah, sige po.” Tumalikod na siya at nagtungo sa pwesto niya kung saan nagba-bag ng mga nabili. Dama ko ang pawis na bumabasa sa likurang parte ng damit ko. Kahit nasa covered court kami nakapwesto, maalinsangan pa rin ang paligid at matindi ang singaw ng init. “Oh, cut niyo na iyong sa three hundred forty, ha? Mag-aayos na tayo,” pahayag ng coordinator namin. Nagtanguan kami ng kapwa ko trabahador. Nagpapasalamat ako doon dahil bukod sa gutom, ngalay na ngalay na ang mga binti ko sa pagtayo. “An gaga niyo namang aalis. Marami pa ang bibili…” dinig kong sambit ng isa sa mga taong siguro ay ‘di na mapagbibilhan. “Huwag ho kayong mag-alala dahil kapag ganito po na maraming tumatangkilik, posible ho na masundan pa ang event natin at siguradong mas marami na ho kaming dala at buong araw na po ang event,” sagot ng isang coordinator pa. Twelve forty five, nakatapos din kami. Kaniya-kaniyang ligpit para mapabilis. At one thirty, nakasakay na kami sa L300 para magtungo uli sa may bahay ng coordinator at doon magdi-distribute ng sahod. All in all, alas dos y media ako nakauwi. As usual, maingay at magulo pa rin sa lugar namin. Iskwater nga kung tawagin. Nariyan ang mga lasing na lasing sa tanghaling tapat, mga binatang nagba-basketball kahit mainit at mga nagtitindang turo-turo. “Aling Melba, limang isaw nga at saka limang hotdog.” Tumalima naman ang agad ang anak nito na katu-katulong sa pagtitinda dahil nag-aayos pa ito ng palamig. “Buena mano ka, Asha,” sambit ni Aling Melba, nakangiti. “Ganoon po ba?” binilang ko ang barya ko at saka nag-angat ng tingin. “Isang palamig na nga rin ho.” Isang ngiti ang itinugon nito at saka kumuha ng baso. Kinatikot ko ang cellphone ko at tinignan kung may kahit na anong text man lang ba roon galing sa taong hinihintay kong magparamdam pero ang tanging naroon lang ay mga text ng Globe. Bumuntong-hininga ako. “Ate, ito na ho. One hundred thirty po lahat, Ate.” Inabot ko muna ang bayad bago tinanggap ang plastic ng pinamili. “Nakahiwalay ang sauce niyan,” ani Aling Melba. Kinuha ko na rin sa kaniyang hawak ang baso ng palamig at saka tumalikod. Nakasalubong ko pa ang iilang mga lasing na nagsasayawan. Normal na sa lugar namin iyon kaya naman hindi na ako nagugulat pa. Kahit pa nga maghabulan sila ng taga at saksak dito ay hindi gaanong nakakabahala. Dalawang bahay na lang ang layo ko sa amin nang mapansin ko ang isang kumpulan ng inuman doon sa harap ng bahay. Agad kong namukhaan ang mukha ng lalaking buong buhay ko yatang kamumuhian. Nagmamadali ang bawat hakbang ko. Bago pa ako makalapit, si Mama naman ang lumitaw mula sa pintuan. p**o dang mukha niya at bitbit ang plato na naglalaman ng pritong itlog. “Ma!” malakas na tawag ko sa kaniya. Tila nagulat siya na humarap sa akin. Natanaw ko rin ang paglingon sa akin ng mga nag-iinom doon kasama na si Tisoy. Ang lalaking hindi maitaboy-taboy ni Mama sa kabila ng pananakit nito sa kaniya at sa mga kapatid ko. “Oh, narito na pala si Asha. Halika at ipakikilala kita sa mga katrabaho ko. Mga libre pa ‘to,” aniya na nakangisi pa sa akin. Tumayo ito at akmang pupunta sa akin. “Huwag ka nang lumapit, Tisoy. Hindi ka nga dapat na narito pero dahil matigas iyang mukha mo, hindi mo tatantanan ang Mama ko.” Bumakas ang inis sa kaniyang mukha. “Siguradong iyang pinagpapasasaan niyong alak at pulutan ay utang na naman.” “Hoy, hoy! Hindi ‘to utang, ha,” pagtatanggol niya sa sarili. Nilingon ko agad si Mama. “Binayaran mo, Ma? Naglabada ka tapos ibinayad mo sa mga walang kwentang bagay na iyan?” puno ng panggigil ang salita ko. Nagyuko ng ulo si Mama. “Hayaan mo na, anak. Huwag kang mag-alala at may natira pa naman akong pera diyan. Ako na ang bahala sa ulam natin bukas,” aniya pa na animo’y nakakalubag-loob ang sinabi. Isang mariing pikit at malalim na buntong hininga ang kailangan kong gawin para mapakalma ang sarili. Naririnig ko pa ang pagtawag sa akin ni Tisoy na akala mo ay close na close kaming dalawa. Pagod kong nilakad ang pagitan namin ni Mama. “Huwag na ho kayong aakto na parang hirap na hirap ka, Ma. Hindi na kasi nakakapaniwala,” sambit ko bago ako tuluyang pumasok sa loob. Nagtungo ako sa kwarto. Alam kong ang mga kapatid ko ay naroon at ‘di ako nagkamali. Kapwa sila tulog na tulog. Nagpapasalamat akong walang kahit na anong latay sa katawan. Bago kumain, nag-asikaso muna ako ng katawan dahil lagkit na lagkit na rin ako. Matapos maging presko, ginising ko ang mga kapatid ko para magkakasabay kaming kumain. “Ate, dami naman ng hotdog,” ani Abra na natutuwa at dalawa ang hotdog nila. “Siyempre. Pasalubong ni Ate iyan, e,” tugon kong natatawa pa. May mga ingay akong naririnig sa labas pero ‘di koi yon iniintindi dahil ang importante naman sa akin ay nasa ayos ang dalawa kong kapatid. Nasa gitna kami ng pagkain nang pumailanlang ang tunog ng cellphone ko. Nagmamadali kong kinuha iyon at sinagot nang ‘di tinitignan ang caller. “Hello?” Kinagat ko ang isaw at saka muling tumuon sa tawag. “Hello?” pag-uulit ko. Ilang kaluskos pa muna bago sumagot ang caller. “Babe… how are you? It’s me…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD