Nabigla ako sa kanyang ginawa pero mabilis din akong nakabawi. Kaya agad ko siyang tinulak para maghiwalay ang katawan namin at matigil siya sa paghalik sa akin. "Ano bang ginagawa mo!" Pasinghal kong sita sa kanya at matalim ko siyang tinitigan. Malakas ang pagkakasabi ko pero sa tingin ko ay hindi naman siguro ako naririnig dahil maingay ang bubong nila sanhi ng malakas na ulan. Kaya kahit pa siguro magsigawan kami dito ay hindi kami basta-basta maririnig ng pamilya niya. Hindi siya kumibo pero kasing talim ng punyal ang tinging ibinato sa akin. Kaya alam kong galit siya sa akin ngayon pero hindi ko alam kung bakit. Ano, tapos na sa pakikipagharutan at ako naman ang pinapansin? Pero bakit may galit? Para saan? Para ba kanina sa panenermon ng nanay niya? "Uuwi na ako." ulit ko sa ma