Hindi na ako naihatid ni Berdugo dahil lumakas pa lalo ang ulan at bumaha agad sa daraanan namin. Kaya muli kaming bumalik sa liquidDoze Bar para i-park lang ang kotse ko at kahit ayaw ko man ay wala akong nagawa nang pilitin niya akong sa bahay muna nila mag-stay hanggat tumila ang ulan. Pero sa tingin ko ay malabo at dahil lumakas pa ito lalo. "Ayos lang po ako." Simple kong sagot sa nanay ni Berdugo at tiningnan ko muli ang suot kong duster na pinahiram niya sa akin dahil basang-basa ako noong sinuong namin ang malakas na ulan papunta sa bahay nila. Kahit may payong naman kasi ay nababasa pa rin ako. Walang bagyo pero may heavy rain pala ngayong gabi. As in heavy talaga dahil isang oras kaming na-stuck sa baha bago magdesisyong bumalik at sa kanila muna kami magpapalipas ng oras. "