Isang linggo na ang dumaan magmula nang umamin sa akin si Berdugo at may mangyari sa amin. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala dahil ang sungit niya kasi. Nang pagbintangan ko kasi siya ay sobrang suplado niya at bastos pa noong humingi ako ng tulong sa kanya. Imbes na tulungan ako, nilayasan niya ako para gantihan. Pero hindi ko akalain na iligtas niya pa ako noong gabing akala ko'y huling gabing hininga ko na. Ayos na sana, e. Kaso, sinungitan niya pa rin ako at ang masaklap pa ay ininsulto at nilait-it niya pa ang kaseksihan ko. My god! Doon ako na-stress na hindi raw ako kaakit-akit sa kanya. Sa sexy kong ito? Bakla lang ang hindi maglalaway! Naalala ko pa noong araw na sinubukan ko siyang asarin para pikunin. Pikon ako noon kaya sinubukan ko siyang landiin para maasar