"Ang sabi mo, maaga ka uuwi ngayon?" Basa ko ulit sa pangalawang text ni Vina kay Berdugo. Nag-init agad ang ulo dahil halatang may usapan na silang dalawa. At kahit ayaw ko mang mag-isip ng hindi maganda, ay kung anu-ano na naman ang iniisip ko ngayon sa kanila na gagawin nilang dalawa sa oras na magkasama sila. Kagaya ng kung anong ginagawa namin ngayon. Malay ko bang labas ilong lang ang isinagot niya sa akin kanina na ako ang gusto niya at hindi si Vina. Kaya ngayon kami magkaalaman kung totoo ba ang sinabi niya sa akin kanina. Huminga ako nang malalim para kumalma. Ayokong mag-demand sa kanya at kagaya ng ginawa niya kanina ay gustong kong tahimik ko lang siyang hihintayin kung ano ang magiging sagot niya kay Vina. Tumingin siya sa akin nang mabasa niya ang pangalawang text ni pin