Mag isang kinakain ni Peach sa kwarto niya ang peach flavored cake na binili niya. Nakasalampak siya sa sahig habang nakasandal sa kama at nasa harap niya ang cake. Hindi na siya nag abala pang ilagay iyon sa plato at kumuha na lamang ng tinidor at doon na mismo kinain at pagkatapos ay tinungga ang vodka na hiningi niya kay Mang Ronnie. "Bakit ganon? Tang 'ina, ang sarap sarap naman nito, bakit allergic ka?" saad ni Peach sa sarili habang kinakain ang cake, ninanamnam niya bawat subo niya non, kasabay non ang walang tigil niyang luha na dumadaloy sa kanyang pisngi. Ginawa niyang tubig ang vodka dahil kada mabubulunan siya ay iyon ang iniinom niya. Napatingin siya sa pinto dahil nakabukas iyon ngunit wala siyang pakialam, wala namang tao doon at isa pa ay nahihilo na siya at nagdadala