KINAUMAGAHAN ay nagising si Peach na nakaupo sa gilid ng kama niya si Adriano. “Tart, pasok na ako sa work,” saad nito at saka hinalikan siya ng mabilis sa labi ngunit hinila niya ito upang mas lalong dumikit ang mga labi nito sa kanya, ibinuka niya pa ang kanyang labi at tinanggap naman iyon ni Adriano hanggang sa si Peach na ang sumunod agos sa malalim nitong paghalik ngunit nang magkalas sila sa paghalik ay tila nagulat si Adriano. “What’s that Tart? You’re so aggressive this morning,” saad ni adriano. “Wala lang, ang sabi mo kasi sa akin kagabi ay nagustuhan mo ang ayos ko pero hindi ka naman sumiping sakin,” saad ni Peach. “Oh, I’m sorry tart, sobrang pagod lang talaga kagabi, sige, mamaya let’s make love, promise, I’m gonna be late,” saad ni Adriano na kinuha na ang suitcase