Tahimik na pumasok sa loob ng kotse si Peach habang inilalagay ni Louie ang mga pinamili niya sa compartment ng kotse. Nang matapos ay nagmadali ng pumasok si Louie at umupo sa driver's seat at saka inistart ang makina ng sasakyan. Nakasimangot ito at halatang hindi nito nagustuhan ang nasaksihan kanina. “Sa susunod nga pag lalabas ka, magsasabi ka, hindi yung mag isa ka na lang basta basta lumalabas,” saad ni Louie na mainit ang ulo habang nagda-drive. “Nagpaalam naman ako kay Ate Gina eh,” saad ni Peach. “Kahit na, pag may nangyaring masama sayo kami ang malilintikan kay Adriano,” saad ni Louie. “Dahil ba ‘to sa lalaking nakilala ko kanina? Nabangga niya lang ako, iyon lang iyon, kung makapagsalita ka naman, akala mo ni-rape ako nung tao,” saad ni Peach at saka nag taray at u