Kinaumagahan ay naabutan pa rin ni Peach si Adriano na nakahiga pa sa tabi niya. Nakayakap pa ito at animo’y ayaw siyang pakawalan kung kaya’t dahan dahan siyang bumangon ngunit nagulat siya ng bigla siyang higitin nito dahilan upang mapahiga siya ulit at magtama ang mga mukha nila. “Where are you going? dito ka lang,” saad ni Adriano na nakapikit pa. “Ikaw! gising ka na pala, nagtutulog-tulugan ka pa,” saad ni Peach dahil nagulat siya dito, dahil kanina ay tulog na tulog pa ito at nagulat na lang siya ng bigla siyang higitin nito. “Dito muna tayo, maaga pa naman…” saad ni Adriano na mas lalo pa siyang hinigit, idinantay pa nito ang binti sa kanya. “Ganitong oras nagbibihis ka na ah, bakit ngayon parang hindi ka aligaga? wala ka bang pasok?” tanong ni Peach. “Meron. May meetings