"Ano ba! Bitiwan mo na ako! Kaya ko naman maglakad mag isa eh!" pagrereklamo ni Peach. Dahan dahan siyang ibinaba ni Adriano sa kama pagpasok nila ng kwarto, napaupo naman si Peach dahil paliramdam niya ay umiikot ang paningin niya. Napalingon si Peach sa paligid dahil hindi naman iyon ang kwarto niya kundi kwarto ni Adriano. "Bakit lasing ka, ah?! What the f**k do you want?! Huh?! Gusto mo ng atensyon?! Oh ayan, nakuha mo na!" singhal ni Adriano na galit habang nagtatanggal ng polo. Nakayuko lang si Peach na para bang batang pinapagalitan nito. "Hindi ko naman intensyon maglasing eh," saad ni Peach na naiiyak na dahil masama pa rin ang loob niya kay Adriano. "Anong hindi?! Eh ginawa mo na nga, ano bang gusto mo, huh?! Is this about the ten million check again?! Kaya ka nagkakagan