Chapter 4: Stripper

1519 Words
Dahan dahang tumayo si Peach sa kama niya at naligo. Medyo gumaan ang pakiramdam niya dahil sa pagligo niya kung kaya’t nagbihis na siya upang pumasok at nagsuot ng makapal na jacket. Tahimik niyang binabaybay ang daan niya papasok ng humangin ng malamig kung kaya’t nangatog siya ngunit binalewala niya lang iyon at saka dumiretso na sa paglakad. Habang naglalakad siya ay nakasalubong niya ang isang batang babae at ang tatay nito. Kapwa masaya ang dalawa habang naglalakad. Bigla niyang naisip ang yumaong ama. Siguro ay kung nabubuhay pa ito ay ganon rin sila kasaya at hindi nito hahayaan na mapunta siya sa kinaroroonan niyang lugar at sitwasyon ng buhay ngayon. “Hays.. Daddy… I miss you, sana bantayan mo po ako palagi,” saad niya sa isip habang nakatingin sa kalangitan na punung puno ng mga bituin. MARIPOSA STRIP CLUB Sinimulang make upan ni Baklang Patricia si Peach, “Hoy Dai! Sure ka ba na magpeperform ka tignan mo nga ‘yang histura mo mukha ka ng pinaglalamayan dahil sa lagnat mo, ang putla mo oh!” “Oo Patty, okay lang ako, sige na make upan mo na ako, gandahan mo ah, lagyan mo ng buhay, itago mo ang pamumutla ko,” saad ni Peach sa bakla nilang make up artist. “Sureness! Ako pa ba Dai? Keribells ko yan! Lalagyan kita ng bonggang airbrush, pati kilay mo gagandahan ko yan para plakado diba?! Para pag tumingin ka sa mga manyakis mong customer ay luluhod ang mga tala! Oh diba?! Ang taray!” singhal ni Patricia na napalakas pa ang boses at sinimulan ng lagyan ng kolorete ang kanyang mukha. Ramdam niya na naman ang labis na pagka aba sa sarili ngunit wala siyang magagawa. Ang trabaho ay trabaho. “Oh, nasaan na si Peach?!” singhal ni Quince, nakatayo na kasi sila sa backstage at nag re ready na para sa performance nila ngunit hanggang ngayon ay wala pa ito. “Hindi ko alam pero sabi niya susunod siya diba?” saad naman ni Lychee. “Hays, mukhang masama nga talaga ang pakiramdam niya,” saad naman ni Apple Berry. Narinig niya ang lahat ng pagkabahala ng tatlo kung kaya’t nagpakita na siya sa mga ito at nilapitan sila sa backstage. “PEACH!” singhal ng tatlo sa kanya na sinalubong siya ng yakap. Napangiti naman siya dahil kahit papaano ay mahal siya ng mga katrabaho niya. Nang mag hudyat ang stage manager ay kaagad na silang pumwesto at sinuot ang kani kanilang mga maskara at sinimulang maglakad ng dahan dahan. Ang antensyon ng mga manunuod ay nasa kanilang apat. Humilera sila sa pole at hinawakan ito. Nagsimula silang gumiling sa pole at sumayaw sa saliw ng mabagal na tugtugin. “Whoo! Putang ina niyo!” “Sige pa! Sayaw pa!” “Whoo! Ang gaganda ng legs puta, panalo!” “Hoy puta! Ang laki ng s**o mo!” “Ang sarap! Sige pa galingan niyo pa ang pag giling, putang ina niyo!” Maya maya ay nagpalit palit sila ng pwesto ng pole upang mas lalo silang makita at mahantad ang mga katawan nila sa mga manunuod. Kapwa maninipis at maiikli ang kanilang mga suot kung kaya’t kitang kita ng mga manyakis na customer ang kanilang katawan. Si Apple Berry ay mas lalong iniharap ang kanyang malaking hinaharap sa madla “Whoo! Puta ang sarap mo baby!” sigaw ng isang customer kay Apple Berry. Habang si Lychee naman ay todo pa sexy at pinapakita pa sa kanila ang legs, si Quince naman ay lumuhod na sa stage at bumukaka. Lahat sila ay magaganda ang performance pwera kay Peach dahil masama talaga ang pakiramdam niya. Ginawa niya na lamang ang dati niyang ginagawa at hinubad ang suot niyang top. Sisiw na lamang sa kanya iyon dahil halos lahat naman na ng mga customer sa Bar ay nakita na ang dibdib niya. Lumiyad pa siya sa pole at saka hinagod ang kanyang buong katawan dito. Mariin niyang ikinikiskis ang kanyang dibdib at pwetan upang mas lalong mag init ang mga malilibog na manunuod. Nang matapos ang performance nila ay tuwang tuwa ang apat dahil sa nakuha nilang pera. Maya maya ay tinawag na naman si Peach ni Madam Leah. “Ano po iyon Madam?” tanong niya na kaagad lumapit. Masama ang loob niya rito dahil sa nangyari noong nakaraang gabi na binigla na lamang siya ni Madam Leah na ibigay sa isang customer na pinaghubad siya pero wala siyang magagawa, malaki ang pagkakautang niya sa ginang kung kaya’t susundin niya lang ang bawat utos sa kanya. “Naikwento sa akin ni Adriano ang nangyari noong nakaraang gabi, ayos ka lang ba?” tanong nito. “Uhm, opo okay lang po ako,” saad ni Peach na habang nakayuko. “Kung pagsasayawin ba kita ngayon ng halos wala ng damit, makakasayaw ka ba?” tanong ni Madam Leah na siyang ikinabingi niya, hindi niya alam ang isasagot rito, napatingin siya sa mga guests sa Bar. “Sige, kung hindi mo kaya sa iba ko na lang ipagagawa,” saad ni Madam Leah na akmang aalis na ngunit pinigilan niya ito. “Kaya ko ho Madam… kaya ko ho,” wala sa sariling tugon niya. “Sige, doon ulit sa VIP Room, sige na, naghihintay na sila Adriano sayo,” saad ni Madam Leah at saka umalis. Napatingin siya sa VIP room at puno ng lakas ng loob na inakyat ito. Nang makaakyat siya ay nasalubong niya doon ang bouncer na si Jorelle. “Ikaw ang inassign ni Madam Leah dito?” tanong nito. “Oo eh..” tugon niya na parang halos napipilitan. “Alam mo, ayoko sanang makialam pero kung sakaling saktan ka nila, sabihin mo lang sa akin,” saad ni Jorelle. “Oo sige, salamat Jorelle,” saad niya sa bouncer at saka muling sinuot ang kanyang maskara, kaagad namang binuksan nito ang pinto ng VIP room. Pagdating niya doon ay nagsusugal ang mga kasama ni Adriano at nag iinuman ngunit lahat sila ay napatingin pagpasok niya, lalo na si Adriano. “Boss! Nandito na yung request mo!” singhal ng isa sa mga lalaki, tinawag niyang boss si Adriano. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kay Peach kung ano ang propesyon ni Adriano ngunit hindi na siya nag abala pang malaman iyon dahil naroon lamang siya para magsayaw. “Are you ready, boys?” malanding tanong niya sa mga kalalakihan na naroon napa smirk naman si Adriano sa sinabi nito na tila naghahamon pa. “Come here, Pumpkin,” utos ni Adriano sa kanya na sinunod niya naman, alam niyang lasing na si Adriano sa mga oras na iyon, pati na rin ang mga kasamahan nito. “This is my slut, her name is Peach, do you hear what I’m saying huh?!” singhal ni Adriano na lasing na. “Yes Boss, Peach, nakakatawa ang pangalan niya!” singhal ng isang lalaki na sinabayan naman nilang lahat ng paghagalpak ng tawa, maging si Adriano ay natawa rin. “Alam niyo ba kung ano pa ang nakakatawa bukod sa pangalan niya? Sinabi niya sa akin na virgin pa raw siya!” singhal ni Adriano na humagalpak pa ulit ng tawa. “Wow! Puta ang sarap naman non!” singhal ng isa sa mga kalalakihan na tumawa rin ng malakas. Nagulat naman silang lahat ng tumawa rin si Peach. “Alam niyo kung anong mas nakakatawa? Kayo, kayo na mga halang ang kaluluwa na walang magawa sa pera kundi lustayin sa ganitong klase ng lugar! Para saan? Pansamantalang aliw? Mga uhaw sa atensyon ng mga babae, wala kasing pumapatol sa inyo dahil ang papangit ninyo!” singhal ni Peach. “Aba! Hindi ko gusto ‘yang tabas ng dila mo huh!” singhal ng isa sa mga lalaki na akmang sasampalin na si Peach ngunit pinigilan ito ni Adriano. “Hey! Jon! Take it easy, man, she’s here to entertain us, come on Sweetheart, give us your best shot,” saad ni Adriano at saka tinanggal ang pagkakaakbay niya kay Peach. Sinimulan ni Peach na hawakan ang pole na para bang sa bawat paghaplos niya non ay tila sinasaniban siya at nag iiba ang kanyang katauhan. Siya’y nagiging mabagsik at tila pinaka matapang na tao sa buong mundo na ang tanging nais lamang ay ipakita ang kanyang kakayahang taglay sa madla. Sumampa siya doon at naglambitin patiwarik habang tinatanggal ang suot niyang top. Tumambad sa harapan ng mga kalalakihan ang kanyang malulusog na dibdib, lalo na ng mabilis niyang tinanggal ang suot niyang sarong na nahulog sa sahig. Tila nabusog ang mga mata ng mga parokyano niya ngunit napatayo si Adriano, hindi niya alam kung bakit tila galit ang pagmumukha nito. “Leave! Leave us right now!” singhal ni Adriano sa kanyang mga kasama, umiigting pa ang panga niya sa sobrang inis ngunit hindi niya malaman kung bakit ganito ito umasta. Nagsilabasan ang mga kasama ni Adriano at sila na lamang ni Peach ang naiwan sa VIP Room. Galit na galit siyang hinigit nito sa braso. “Adriano, ano ba!” singhal niya rito ngunit tila bingi ito at nagdidilim ang paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD