Chapter 3: Hired Dancer

1269 Words
Nang matapos ang gabing iyon ay wala sa sariling umuwi sa apartment na tinutuluyan nila si Peach. Pabalik balik sa isipan niya ang ginawa ni Adriano sa kanya, ito ang kauna unahang nangyari iyon sa tanang buhay niya kung kaya’t hindi niya ito makalimutan. Nakakatakot. Nakakakaba. Paano kung maulit iyon muli? Anong gagawin niya? Natawa pa siya sa sarili dahil hindi niya akalaing hahangaan niya ang lalaking iyon ng dahil lang sa panlabas na anyo nito, hindi niya kasi nakita kaagad ang panloob na ugali nito na halos pagsisihan niya dahil masama pala ang ugali ng lalaki. *** KINABUKASAN ay alas singko na ng hapon ng gisingin siya ni Quince na kasamahan niya na dancer sa Mariposa Strip Club. “Peach, gising na, may pasok pa tayo sa Bar,” saad ni Quince sabay yugyog sa braso nito. Nagising naman si Peach ngunit napakunot ang noo niya at umubo ubo. “Pasabi na lang kay Madam Leah, hindi ako makakapasok ngayon, masama kasi ang pakiramdam ko,” saad ni Peach na hinang hina. “Huh? Masama ang pakiramdam mo?” tanong ni Quince na kaagad na sinapo ang noo ni Peach, nagulat siya dahil para siyang napaso sa init nito. “Hala Peachy, nilalagnat ka!” saad ni Quince na nag aalala. “Ayos lang ako, ipapahinga ko lang ito mawawala na ito,” saad ni Peach. Pumasok naman sa kwarto niya si Lychee at Apple Berry. “b***h, anong nangyari sayo? Bakit nakahiga ka pa?” tanong ni Lychee. “Pechay, anong drama yan?! Tumayo ka nga dyan, wag kang tamad, sasayaw pa tayo, hindi ba’t ngayon ang performance natin,” saad ni Apple Berry. “Nilalagnat siya! Mga mahadera kayo! Masama na nga pakiramdam nung tao ayaw niyo pang lubayan hays!” inis na singhal ni Quince. “Ganon ba? Naku paano yan b***h, ngayon pa naman performance natin, baka ma delay ang pag ikot ng baso at hindi ikaw ang maging Queen Mariposa,” saad ni Lychee. “Oo nga, diba hinihintay mo pa naman ang moment na iyon, ba’t naman kasi ngayon ka pa nilagnat, kainis naman,” saad ni Apple Berry. “Sige, iinom na ako ng gamot at magbibihis pero mauna na kayo,” saad ni Peach na nanghihina pa rin, sa totoo ay hindi talaga kaya ng katawan niya ngunit alam niyang kailangan siya ngayon ng mga katrabaho niya. “Oo Pechay, inuman mo na lang ng gamot yan, mawawala rin yan, sige na babush, bilisan mo ah, magbibihis na kami,” saad ni Apple Berry sabay hatak kay Lychee at Quince. Natawa naman siya ng bahagya ng maiwan siya doon mag isa dahil kahit kailan talaga ang mga katrabaho niyang iyon ay hindi marunong sumuko sa bawat hamon ng buhay. The show must go on, ika nga. Simula ng mapunta siya sa Mariposa Strip Club ay natuto na siyang makisama at makisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao sa industriyang kinagagalawan niya. Malayong malayo ito sa kinagisnan niya ngunit kailangan niya itong tiisin at makibagay upang mabuhay. Naging kasabayan niya sa pag a apply sa Mariposa Strip Club si Apple Berry. Noong una ay nagkatinginan pa sila dahil kapansin pansin talaga ang malaki nitong hinaharap kung kaya’t malimit niya itong bansagang “Cocomelon”, hindi naman naaasar ang dalaga dahil sanay na rin ito sa ugali niya, kahit papaano ay nakapalagayan niya kaagad ito ng loob bilang co dancer sa Club. Sumunod naman ay si Lychee na nakasalubong niya lamang sa daan habang binibilang niya ang unang kinita niyang pera sa Bar, tuwang tuwa siya non dahil iyon ang kauna unahang pagkakataon na makakahawak siya ng perang pinaghirapan niya. Ipinanganak kasi siyang may gintong kutsara sa bibig kung kaya’t laking tuwa niya at isang malaking achievement para sa kanya na kumita siya ng pera dahil sa pinaghirapan niya. Nakita iyon ni Lychee at tinanong siya nito. “Wow, ang dami mo namang pera, paano mo kinita ang mga yan?” tanong nito na curious na curious. “Uhm, gusto mo ba talagang malaman?” tanong niya rito. “Oo naman, kailangang kailangan ko kasi talaga ng income ngayon, hindi kasi ako pamilyar sa lugar na ito at naghahanap din ako ng matutuluyan, matutulungan mo ba ako? Kahit ano gagawin ko, masipag ako promise,” saad nito na parang “Hmm, sige sama ka sa akin, ipapaliwanag ko sayo,” saad naman ni Peach at inakay ang babaeng nakasalubong niya lang sa daan. Habang naglalakad sila papalapit sa Bar ay tinanong niya ulit ito, “Ano nga pa lang pangalan mo?” “Lychee. Lychee Suarez,” pagpapakilala nito. “Ako nga pala si Peach. Peach Alvarez, nice to meet you, by the way, dito ako nagtatrabaho,” saad ni Peach sabay turo sa Bar. Napaturo naman si Lychee sa lugar at napalunok, “Dyan?” “Oo. Dancer ako dito sa Bar, madalas nga lang puyat pero keribels naman at saka easy money,” saad ni Peach na kumindat pa kay Lychee. “Don’t worry, mabait ang Madam ko at saka… “ natigilan naman si Peach na sinusuri ang dalaga, tinignan niya ito mula ulo hanggang paa at hinawi niya ng dahan dahan ang buhok nito, “Maganda at sexy ka, saktong sakto bagay ka dito sa Club halika, papakilala kita sa Madam ko,” saad ni Peach at saka sila sabay na pumasok sa Bar. Samantalang si Quince naman ay gaya niya na narecruit lang din ni Madam Leah na siyang nagpasok sa kanya sa Bar. sinubukan niyang magtrabaho ng marangal at namasukan siya bilang waitress sa isang restaurant ngunit natunton pa rin siya ng halang ang kaluluwa niyang stepfather at pinagsasaksak siya sa loob ng restaurant at pagkatapos non ay akala niya ay iiwan na siya nitong duguan ngunit hindi, kinaladkad pa siya nito at dinala sa dead end at doon ay parang basurang itinapon. Ang buong akala niya ay mamamatay na siya ngunit maswerte siyang nakaligtas at nagising sa ospital, nauunawaan niyang may kapalit ang kung sinumang nagmagandang loob na iligtas siya mula sa malagim na pagkamatay. Doon ay nakilala niya si Madam Leah at hinikayat na magtrabaho sa Bar. “Tanggapin mo na ang inaalok ko Peach, hindi ba’t nagtatago ka sa stepfather mo? Ligtas ka sa Bar dahil may mga security guards tayo, siguradong hindi ka niya matutunton doon at saka easy money ito, sigurado akong makakaipon ka. Ako ang magpo provide ng lahat ng pangangailangan mo, pagkain, tirahan at trabaho. Wala ka ng ibang iintindihin pa kundi ang trabaho mo at saka isa pa, mababayaran mo na rin ako sa ginastos ko dito sa Ospital sa pagpapagamot sayo,” saad ni Madam Leah. “Ano po ba ang gagawin ko sa Bar, Madam? Virgin pa ho kasi ako at hindi ko po alam ang trabaho doon,” saad ni Peach na nag aalala. “Wag kang mag alala, may trainings naman tayo para dyan at saka uunti untiin natin, sa una ay pwede ka munang mag dancer, hindi ka maghuhubad, magsusuot ka lang ng sexy at sasayaw ka sa pole, hanggang sa mag level up at makasanayan mo na ang trabaho sa Bar,” paliwanag ni Madam Leah. “Sige po, gagawin ko po ang makakaya ko,” saad ni Peach na hindi na nagdalawang isip pa dahil para sa kanya ay magandang alok na ito dahil solve na ang problema niya sa pagkain at titirhan niya pati na rin ang trabaho niya kung kaya’t tinanggap niya na. Tatanawin niyang malaking utang na loob kay Madam Leah ang pangalawang buhay niya kung kaya’t hanggang ngayon ay pinagbubuti niya ang trabaho bilang dancer sa Club.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD