Pagpasok ni Peach sa Mall ay naglibot libot na lang siya upang pagaanin ang kalooban niya. Ayaw niya ng umiyak dahil pagod na siya sa lahat ng drama at lungkot na nararamdaman niya ngunit sa kanyang paglilibot ay nakita niya si Adriano, nakasuot ito ng itim na jogger pants at v neck t-shirt at naka red black na rubber shoes at tila abala sa pagsusukat, tumatagaktak na ang pawis nito habang may hawak na metro. Bawat pagkuha ng sukat ay may katabi itong lapis at papel kung saan doon niya sinusulat ang mga nakuhang sukat. Naalala naman ni Peach na iyon ang itinuro sa kanya ni Neil na ipaparenovate nito. “Magaling yung kinuha kong Architect eh,” nag-echoed sa isip niya na sinabi ni Neil. “Adriano…” iyon na lang ang nasambit niya habang pinagmamasdan ang kasintahan sa di kalayuan. Hindi n