NAGPASYA si Peach na hindi siya makikipagkita kay Neil ngayong araw. Sinabi niya na lamang dito na may importante siyang lalakarin. Gusto niya munang mag laylow dahil hindi niya na maintindihan ang nararamdaman niya para kay Neil at gayon din kay Adriano. She was in love with Adriano but Neil makes her feel safe and loved. Hindi pa siya nakaranas kay Adriano ng ganong klaseng pagpapahalaga na ginagawa ni Neil para sa kanya. Palaging may time si Neil sa kanya at palagi siya nitong pinapasaya, hindi katulad ni Adriano na puro trabaho at hindi na sila nakakapag date dahil sa sobrang busy nito. Nagbihis siya at lumabas. Naabutan niya si Louie na kakatapos lang mag almusal. “Uhm, Louie, pwede magpa drive?” tanong ni Peach. “Sure, saan tayo?” tanong ni Louie. “I want to visit my mom,”