NAGISING si Peach ng ordinaryong araw na iyon. Hindi na niya pinuntahan pa si Veronica dahil baka magalit na naman si Adriano pag lumapit pa siya sa ina nito kung kaya't ibinuro niya na lamang ang sarili sa kanyang kwarto. Maghapon silang magkausap ni Neil at sinisigurado talaga nitong maayos siya ngunit hindi maiwasan ni Peach na lumuha dahil naiisip niya pa rin kung gaano kagalit sa kanya si Adriano dahil sa nangyari. Naiinis siya sa sarili dahil may point din naman si Adriano na paano na lang kung mas lumala nga ang lagay ng ina nito dahil inilabas niya ito. Hanggang sa gumabi at lumubog na ang araw ay umiiyak siya sa kwarto at walang ganang kumain hanggang sa tumawag bigla sa kanya si Apple. “Hoy Pechay! Magbihis ka, mag ayos ka, gusto ko yung sexy huh, mag bar tayo!” “Teka, ba