Nagising si Peach sa ospital na hindi pa rin nagigising si Adriano, stable ang lagay nito at matutulog lang, hinawakan niya ang kamay nito at tumingin ng malamlam sa binata. Hinaplos niya rin ang buhok nito. Napaka amo ng mukha nito at walang bahid ng sama ng ugali kapag natutulog. Habang pinagmamasdan niya si Adriano, maya maya ay may babae na bigla na lang pumasok. "Adriano!" singhal nito na alalang alala at saka mabilis na yumakap kay Adriano. Pilit niyang inaalala kung saan niya nakita ang babaeng iyon, tama. Naaalala niya na. Siya yung babaeng kasama ni Adriano noong binisita niya ito sa opisina nito. "Hi, ikaw ba yung naka assign na maid na magbabantay sa kanya? I'm Yona, ngayon lang kita nakita, bago ka ba sa Mansyon? Girlfriend ako ni Adriano," saad ng babaeng nagpakilalang