#MyObsessedDoctor
___________
"Kee? Andyan na yung driver mo, Hindi ka pa kumakain." Katok ni Mommy sa labas.
"Wait lang mom! Nagbibihis pa ako." Pagmamadali ko. Late na kasi ako nagising kaya kailangan kong magmadali para hindi malate.
Pero late na talaga ako.
"Don't forget to eat your breakfast honey!"
"Yes mom!"
Pagkatapos ko na soutin ang sapatos ko ay agad ko na kinuha ang bag ko at bumaba na. Gaya ng sabi ni mommy ay nagmadali akong kumain at tumungo na sa kotse.
"Manong sorry kung pinaghintay kita." Paumanhin ko habang ngumunguya pa ako. Bahagya ito nagulat ngunit agad naman nito nagbago ang ekspresyon niya.
"Ayos lang po ma'am atsaka good morning po."
"Good morning din manong."
Hindi rin nagtagal ay nakarating din kami sa paaralan. Bumaba na agad ako at napansin kong wala na akong makikitang estyudante. Urgh! Late na ako!
Nagmadali ako tumungo sa room ko at pumasok na. Agad kong nakuha ang atensyon nila at tumaas ang kilay sa akin ang guro namin. Sa halip na pagalitan ako ay binigyan niya ako ng hindi makapaniwala.
"I thought you don't you care if you are late." Aniya at lumapit sa akin. "Are you in hurry Ms. Shue? Hindi ata ako maniniwala kung nagmamadali ka dahil late ka." Dagdag niya.
Napangiwi ako. Is it a bigdeal?
"Okay, I think you are slowly changing" Aniya pa. Hindi ko maintindihan kung ano ano pinagsasabi ng magaling namin guro pero umupo nalang ako at nakinig sakanila.
Magdamag ay nakinig ako sa mga tinuturo niya. Hindi ko alam kung bakit sinasapian ako ng kasipagan pero nagugustuhan ko ang mga ginagawa ko ngayon.
Bigla ko tuloy naalala si Talius. Kahapon ba naman kasi gumala nanaman kami kahit saan saan at pinuntahan pa namin ang amusement park. Pagkagabi nun, magdamag kami magkatawagan. Kaya nga late ako ngayon eh. Napapailing tuloy ako habang hindi ko mapigilan mapangiti.
Simula noong umamin ako sakanya, pakiramdam ko ang sarap sa paningin ko na makitang sobrang saya niya. Sabi niya atleast nagugustuhan ko na siya at baka daw mahalin ko na rin siya. Hindi naman yun imposible diba? Nagustuhan ko na nga siya eh.
"Wuy! Ngingiti ngiti ka dyan?"
Napaayos ako ng upo at napatingin kay Lana.
"Wala lang."
"Asuuus! Alam ko na! Si Talius nuh?" Bulong niya.
"Oh ano naman ngayon kung siya?"
Sumimangot ang mukha nito.
"Akala ko iiwasan mo ang usapan. Haays. Straightforward ka nga palang tao." Aniya at tumingin sa harapan.
Napailing nalang ako at nakinig muli sa harapan. Nagtake notes na rin ako kasi ang sabi sa akin ni Talius ay tuturuan niya daw ako. Tama na ata yun kasi wala rin akong alam kung anong topic namin noon mga nakaraan.
"At ngayon nagsusulat ka? Ano ba nakain mo at kakainin ko rin?" Hindi makapaniwalang sambit ni Lana.
"Gatas at sandwich." Sagot ko rito habang nasa harapan ang mata ko.
"At ngayon umiinom ka na rin ng gatas?" Hindi pa rin ito makapaniwala.
"Ano bang masama sa gatas?" Taas kilay ko rito at binalik ang tingin sa harapan.
"Hindi ka kaya umiinom ng gatas noon!" Aniya.
"So ano bang dapat kung inumin tuwing umaga?" Natahimik ito pero nakatitig pa rin sa akin ang mga mata nitong hindi makapaniwala.
"Our teacher is really right." Bulong niya pero sapat na marinig ko.
Hindi ko nalang siya pinansin at nagtoun ako sa pag aaral. Napapakunot noo pa sa akin ang teacher namin at napapatingin sa ginagawa ko.
Gosh, ano bang mali sa ginagawa ko ngayon?
Nagbell na senyales na lunch break na.
"Class dismissed."
Inayos ko ang mga gamit ko at nagsiunahan na sa labas ang mga iba kong kaklase.
"Yow Kee!" Akbay sa akin ni Teres.
"Hi Kee! What's up?" Lumapit sa amin si Gina at sabay kaming tinignan.
"Guys, I have something to tell you that you cannot believe it." Singit ni Lana ng pagkalakas lakas.
"Huh? Ano yun?" Nagtatakang tanong ni Teres.
"Oo nga ano yun?" Isa pa to si Gina.
Ngumisi sa akin si Lana.
"Our Keengkong is now finally change!!!" Masayang ani ni Lana.
Napatingin sa akin si Gina at Teres.
"Wee? Bakit hindi pa rin nagbago ang mukha niya?" Teres.
"Siguro ikaw ata ang sinapian Lana kaya nasasabi mo yan." Hindi naniniwalang katwiran ni Gina.
"Oh well, Nagmadali lang naman siya pumasok dito because she don't want to be late at uminom lang naman siya ng gatas." Aniya.
Is that it? Iyan ba ang basehan ni Lana? Oh my gosh.
Napatingin sa akin ang dalawa at saakin na ang atensyon ang lahat. Naparoll eyes ako at inis na tinanggal ang pagkaakbay sa akin ni Teres.
"Pwede ba? Yung mga sarili niyo ang asikasuhin niyo, Huwag sa akin!" Asar ko at umalis sa harap nila.
Hindi ako makapaniwala na gagawin nila ng big deal iyon. Umiinom naman talaga ako ng gatas, pero siguro mga baby pa ako nun but that's counted!
Bigla nagring ang phone ko. Nawala ang inis ko na mabasa ko ang tawag ni Talius.
"Hey."
["Hi babe! Saan ka?"]
"Kalalabas ko palang sa room."
["I'm here malapit sa soccer field."]
Napakunot noo ako at tumungo sa soccer field.
"Saan banda?"
["Sa may kanan at may puno doon."]
Agad ko naman siya pinuntahan at dumaan pa ako sa gilid ng soccer field at napansin kong napapatingin sa akin ang mga player pero nakatoun sa aking atensyon ang puno kung saan nakaupo si Talius na may hawak na libro pero may nakalapag na mga pagkain.
Agad akong tumabi sakanya at nanlalaking napatingin sa harap ng pagkain.
"Wow! Ang dami nito!" Sabi ko habang nalalaway ko na.
Natawa naman ang katabi ko at inakbayan ako.
"Dapat talaga damihan, ang payat mo na kasi eh."
Napatingin agad ako sa katawan ko.
"Hala! Tama lang nuh!" Nguso ko at kinuha ang spaghetti at sinumulan kainin.
"At kahit kailan rin ang takaw mo." Aniya at pinunasan ang nasa gilid ng labi ko. Natatawa ako habang ngumunguya.
"Oh see? Ikaw na mismo nagsabing matakaw ako." Ngisi ko at pinagpatuloy sa pagkain.
"Oo na pero hindi ko alam kung saan napupunta ang mga kinakain mo." Aniya at inipit ang mga tira tira kong buhok sa tenga ko.
Tumawa lang ako at itinaas ang tinidor kong may spaghetti.
"Aah!"
Ngumanganga naman si Talius at aakmang susubuan ko siya ng ibinawi ko ito at sinubo ko ito.
"What the?"
Tumawa ako ng malakas habang hindi ko mapigilan ibaba ang hawak kong plate at napahawak sa tiyan.
"Y-Your face!" Turo ko at hindi ko matapos tapos ang sasabihin ko dahil sa tawa ko. "Priceless!!"
Tawa lang ako ng tawa habang siya ay napapailing lang pero may nakapaskil na ngiti sa mukha niya.
"You are really so mean to me Kee." Aniya at ngumuso pa.
Kinuha ko ang paper plate at kumain ng spaghetti. Nakatitig pa rin sa akin si Talius. Alam kong nasa isip nito.
"Hindi mo lang ba ako susubuan ulit?" Tanong niya.
Umiling ako habang pilit na tinatago ang ngiti ko. Gusto ko kasi siya asarin.
"Baka bawiin ko lang." Natatawa kong ani.
May kinuha siya sa bulsa niya at pinunasan ang bandang pisnge ko. Nagulat pa ako ng bahagya pero napangiti nalang ako.
"Ang kalat kalat mo talaga kumain." Aniya. Napatitig lang ako sakanya. Kinuha niya ang phone niya at pinatugtog ang kanta ni Jim Brickman at Tara maclean na 'You'
(Play song: You by Jim Brickman and Tara maclean)
"S-Salamat" Sabi ko pagkatapos niya ako punasan. Bigla kasi ako pinamulahan.
Umayos ako ng upo at mas tumabi pa sakanya. Hinarap ko sakanya ang tinidor at napatingin siya sa akin.
"Baka bawiin mo lang. Masakit umasa." Nakanguso siya.
Tumawa lang ako habang umiiling iling.
"Hindi na. Inaasar lang kita kanina." Hindi siya umimik pero nakatingin siya sa akin na mukhang binabasa niya ako. "Aah!"
Ngayon ngumanganga na siya kaya sinubuan ko na siya.
"Oh ano? Pinaasa ba kita?" Tanong ko rito. Inalis niya ang akbay sa akin at hinawakan ang kamay ko na mahigpit.
"Alam kong hindi mo ako kayang paasahin." Sabi niya sabay halik sa kamay ko. "Mahal kita." Aniya pa at ngumiti sa akin.
"I like you too."
Lumawak ang ngiti niya at sinubuan niya ako ng kapirasong mansanas. Kumuha na rin ako ng isa at sinubuan rin siya.
"We need to eat these all, Malapit na mag time." Sabi ko at napatingin sa orasan ko.
"We have thirty minutes left Kee." Aniya habang nakatingin sa orasan niya.
"Ow."
Tumingin ito sa akin.
"I don't care if we are late." Aniya at sinubuan ako. Sinubuan ko rin siya at sumandal sakanyang balikat.
Doon ko rin napagtantong nagliliwanag ang mga paningin ko. May kumikilit sa tiyan ko. Bumibilis ang t***k ng puso ko at nagiging masaya ako. In short, sobrang saya ko. Sobrang saya ko sa tuwing kasama ko siya.
I don't feel anything around us, but the between of us. Just the two of us.
________
A/N
Hello. :( hindi ko alam kung bakit ang colorful ng update ko ngayon sa kabila nito malungkot ang pakiramdam ko ngayon, may pinagdadaanan muna ngayon. Ang akala ko mawawalan ako ng gana kapag nag update ako sakabila ng nararamdaman ko ngayon pero hindi ko inaasahan na ito ang kahihinatnan. Well, I'm thankful kasi hindi dito nadamay ang labis na kalungkutan ko ngayon kung hindi siguro baka ipaghiwalay ko ang dalawa dyan. Anyways, Salamat pa rin sa mga nagsusubaybay at sa pagsusuporta sa akin. I love ya! Mwah!
Ps. I tried to update but Im thankful kasi I can update pala ngayon. However, I am much more focused here.