#MOD 21

1257 Words
#MyObsessedDoctor _______ Hinatid ako ni Talius sa section na namin pagkatapos namin kumain ng lunch. "Don't forget to study and taking notes okay Kee?" Tumango ako sa mga bilin niya. "And later on, Pupunta tayo sa library. I want to teach you" Aniya at hinaplos ang buhok ko. "I will babe." Ngumiti itong malawak at hinalikan ako sa ulo. "Alright." Umalis na ito sa harap ko at kumaway muli sa akin. Ngumiti ako rito at pumasok na rin. Hindi pa nagsisimula ang klase kaya umupo na ako sa silya ko. Bigla sa akin tumabi si Lana. "Oh? Musta ang landian under the tree?" "Masaya, bakit? Inggit ka?" Mataray na ani ko at kinuha ang notebook ko sa Economics. "Naku naku naku Kee! Wag na wag mo ako matarayan at baka ako pa ang takbuhan mo kapag umiyak ka!" "Hindi iyon mangyayare. Masyado niya akong mahal." Ani ko at pinigilan ko ngumiti. "Talaga lang ha? Eh baka nga sa sobrang pagmamahal niya sayo iyan pa ata ang dahilan para masaktan ka." Aniya at umiling. "Kaya nga niya ako mahal diba? Ibig sabihin hindi niya ako kayang saktan." Sabi ko rito at hindi pinansin ang mga pinagsasabi niya. "Hindi naman sa pinapasama ko si Talius sayo pero sa isang relasyon kasi Kee, Walang magmamahal kung hindi kayo masasaktan. Kailangan dapat may masaktan at wala sa relasyon ang hindi masasaktan sainyo." Natigilan lang sa pagsasalita si Lana ng pumasok na ang economics teacher namin. Napatitig ako sa harapan habang napapaisip ko ang mga sinasabi niya. Posible kaya nasasaktan si Talius dahil hindi ko pa magawang sabihin ang tatlong salita sakanya? Nakinig nalang ako sa teacher namin boung magdamag. Hindi ko nalang pinansin ang mga sinabi ni Lana kanina. Itinoun ko nalang sa pag aaral at pagsusulat. Hindi ko hahayaang mangyayari iyon. Habang nasa kalagitnaan ako ng klase ay bigla ako tinawag ng kinabukasan. I mean, I need to go to the CR right now! "Yes Ms. Shue?" "Comfort room lang ma'am" Tumango ito kaya lumabas na ako at tumungo na sa CR. Pagkatapos ko umihi ay lumabas na ako at bumalik sa klase pero habang nasa corridor ako ay bigla may humarang sa akin. "Ms. Aderal Kee Shue right?" Bahagya ako nagulat ng makita si Jamel, I mean Leonardo Jamel Malazarte. Ang may galit at insecurities kay Talius. "Yes. Ako nga iyon." Malamig na tono ko. "Hi, I'm Jamel Malazarte, sa wakas nameet na rin kita sa personal." Aniya at ngumiti. Nakalahad ang kamay niya sa harap ko pero tinignan ko lang iyon. Pakiramdam ko masama ang kutob ko rito. "Ow, It seems like you don't talk to strangers too?" Nakangisi ito at binaba ang kamay nito. "So whatever you are Mr, Hindi ako nakikipagplastikan sa paligid kaya if you will excuse me. It would be pleasure to me" Walang emosyon untag ko at umalis sa harap niya. Hindi pa ako nakakalayo nang may sinabi siya na ikinatigil ko. "I know what are you doing Kee, At nagpapasalamat ako rito dahil dumating ka sa buhay niya para matoun ang atensyon niya sa iba." Napalingon ako at bumulaga sa akin ang ngumingisi niyang mukha. Kilala ko ang tinutukoy niya. "Mukhang magugulat ka na ah? Bakit mas magugulat ka ba kung sabihin ko sayo na mas mahal mo naman talaga ang kakambal niya kesa ang jowa mo ngayon?" Hindi ko napigilan ay bigla ko siyang kinuwelyuhan. "You don't f*****g know anything! Wag mo ako pangunahan Jamel at baka ikaw pa ang magugulat sa gagawin ko sayo!" Halos ipitin ko na ang mga leeg niya sa mga kamao kong nakayukom. Pakiramdam ko kinakain ako ng kadiliman dahil sa sobrang dilim ng paningin ko ngayon! Tumawa lang ito ng mahina. "So kilala mo na ako?" Humalakhak ito at ngumisi "Alam mo bang sa ginagawa mo ngayon sa akin, pinapatunayan mong totoo talaga ang mga pinagsasabi ko?" Mas lalong ngumisi ito hanggang sa tumawa na talaga ito. "Masyado kang defensive Kee, Binibiro lang naman kita." Hindi ko napigilan ay sinuntok ko na siya. Pakiramdam ko gusto kong pagsaksakin ang lalakeng to sa sobrang galit ko ngayon! Tangina siya! "Kung ito ang daan mo para pabagsakin si Talius pwes! Wag mo idamay ang relasyon namin dahil wala kaming pakialam kung ikaw pa ang mauna sa lahat o hindi!" Sigaw ko rito. Hindi ito makatingin sa akin pero nakayukom ang kamao niya habang nakabulagta sa sahig. "Sa katunayan nga nakakaawa ka. Punong puno ka ng kainggitan at galit kaya hindi na ako magtataka kung hindi ka magtatagumpay!" Ngisi ko at tumalikod. "Gagamitin mo pa ako huh?" Sarkastiko ko sapat para marinig niya. Madilim ang paningin kong nakarating sa klase at deretso umupo sa upuan ko. Nakayukom ang kamao ko habang pinipigilan ko magwala sa sobrang inis at galit ko sa lalakeng iyon! "Kee! Ayos ka lang?" Hindi ako kumibo at nagsulat nalang kahit alam kong sarado ang utak ko ngayon. Pinipigilan ko lang mapasigaw dito dahil ayaw ko maguidance nanaman. "Oh" Napatingin ako ng inilapag niya sa lamesa ang Gatorade. Kunot noo ko siyang tinignan. "Inumin mo yan at para lumamig ang ulo mo." Aniya at nagsimula magsulat rin. Kinuha ko ito at ininom. "Kung sino man yan naging kaaway mo, sana mabuntis ng kapre." Napatingin ako sakanya at seryoso siyang nagsusulat. "Loka, Lalake iyon." Ani ko habang medyo natawa. "Oh edi makabuntis siya ng kapreng babae." Aniya. Natawa na ako at napapailing. Meron bang kapre na babae? Loka loka talaga 'to. "Oh ayan, tumatawa ka na. Wag mo na pansinin yun kung sino man nakaaway mo." Tumingin siya sa akin. "Baka maturn off sayo niyan si Talius dahil nakagusot ang mukha mo." Ngisi niya at ibinalik ang atensyon sa pag aaral. Napabuntong hininga ako. Tama si Lana, wag ko nalang isipin ang baliw ng lalakeng iyon. Huminga ako ng malalim at inisip ko nalang si Talius. Kahit kailan, Hindi pumasok sa isip ko na gamitin siya. Ilang segundo ang nakalipas ay umalarma na ang eskwelahan senyales na uwian na. Nagmadali ako magligpit at hindi na hinintay sila Lana. Kasabay ng pagkalabas ko sa room ay pagvibrate ng phone ko. My Babe♥: Come here at the library, I love you. Napangiti ako at pumunta sa library. Pagkarating ko doon ay agad ko nakita si Talius na makitang naka reading glass siya habang nagbabasa. Feeling ko nawala bigla ang lahat na nangyari tungkol sa baliw na yun. Bigla ko naman siya hinalikan sa pisnge dahilan para bahagya siya magulat. "Hi!" Tumabi ako rito at tinignan ang mga libro niya. Physic. "Topic ba natin ngayon physics?" Sinimulan ko na ilabas ang science book ko pati na rin ang notebook ko. Naramdaman kong inakbayan ako ni Talius. "Taliu—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng pagkalingon ko sakanya ay sinakop niya ang mga labi ko. Agad na bumilis ang t***k ng puso ko at mapakapit sa kanyang damit. "T-Talius.. " Tumigil ito at tinitigan ako. Bigla ako pinamulahan at napatingin sa paligid. Agad na lumuwag ang pakiramdam ko na makitang abala ang ibang estyudante sa pag aaral. "I love you." Sumandal ang noo niya sa sintinido ko at hinalikan ang tenga ko. Napahigpit ang hawak ko sa ballpen. "T-Talius, Mag aaral ba t-tayo?" Hindi ako makahinga dahil sa posisyon namin. Ang lapit namin sa isa't isa at pakiramdam ko kinakapos ako ng hininga. s**t. Talius! "Of course, mag aaral tayo." Aniya pero hindi pa rin nagbabago ang posisyon. "E-Eh, Ano ba 'tong g-ginagawa natin?" Gosh Kee! Bakit ka ba nauutal? Napapikit ako at huminga ng malalim. "I need to kiss you so that my mind will be calm." Bigla ako nagtaka sa sinabi niya. "Huh bakit?" "Para alam kong akin ka talaga. Sa akin lang. Wala ng iba." Aniya at hinalikan ako sa ulo. Umupo ito ng maayos at binuklat ang pahina. "Shall we start now babe?" Tumango lang ako na wala sa sarili. Napahawak ako sa puso ko at pilit na pakalmahin. Mabilis ang takbo nito. Napatitig ako kay Talius na magsimula magsalita. Pero bago yun. He put his arm around me like he really owned me. ________ Updated
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD